CHAPTER 26
𝙅𝙄𝙇𝙇𝙄𝘼𝙉 𝙋𝙊𝙄𝙉𝙏 𝙊𝙁 𝙑𝙄𝙀𝙒
Ten years, isang decada din lumipas ng hindi namin nakita si Jhane. Isang decada din kaming nangulila at nag sisisi lalo na sina Mommy at Daddy.
Noon iniisip ko kapag nagawa ko ang plinano nina mommy kay Jhane ay matutuwa ako at matututo siya.
Pero iba ang kinalabasan nasaktan si Jhane ng sobra dahil sa kagagawan namin.
Walang araw na hindi ako naawa kay Jhane noon kapag nakikita kong umiiyak si Jhane dahil sa peke kong pag kamatay.
Lalo na ng araw na nabuking niya kami na nag papanggap lang kami.
Ang laki ng pag sisi at galit ko sa sarili ko nun dahil sa kagagawa ko naaksidente si Jhane.
Nalaman ito nila Mommy at Daddy ay nag sisi din sila at walang araw na hindi umiiyak.
Lalo na ng sinabi ni Giro na ilalayo niya si Jhane at ipapagamot sa ibang bansa.
"𝑀𝑟𝑠. 𝐷𝑒𝑙𝑎 𝐹𝑢𝑒𝑛𝑡𝑒 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 ℎ𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑟𝑚𝑖𝑠𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑙𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑎𝑔𝑎𝑚𝑜𝑡 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝐽ℎ𝑎𝑛𝑒 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑘𝑒 𝑒𝑙𝑎𝑚 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎. "
Parang isang sampal kina mommy ang sinabi ni Giro sa kanila.
Ilang araw palang lumipas ng mailipat si Jhane sa ICU ay nalaman nalang namin na inilipad na ito ni Giro papuntang Thailand at hindi man lang nag paalam sa amin.
Sinubukan naming hanapin sina Giro at Jhane sa Thailand pero bigo kami.
Halos ilang taon ding nag dusa sa pag sisi sina Mommy dahil sa nangyare kay Jhane araw araw umiiyak.
At ngayon nandito na si Jhane at tanyag ng kilala industriya masasabi kong matutuwa sina mommy at daddy kapag nakita nila si Jhane.
Nang araw din ng birthday ni Jhane ay dumalo kami pero pansin ko ding hindi kami masyadong kinakausap ni Jhane at iniiwasan sa tuwing lalapit sa kanya si Mommy ay umiiwas ito parang isang sakit si Mommy na ayaw madapuan ni Jhane.
Masakit makita na ang kapatid mo ay iba ang turing sayo na parang hindi k niya kilala.
"𝙅𝙞𝙡𝙡𝙞𝙖𝙣 𝙖𝙮𝙪𝙨𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙗𝙖𝙠𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙣𝙖 𝙅𝙝𝙖𝙣𝙚." Sabi sa akin ni Mommy.
Napapayag namin si Jhane na dito mag dinner sa bahay. Madami kaming nakausap na tao bago naming mismong makausap si Jhane.
"𝙈𝙖𝙖𝙮𝙤𝙨 𝙣𝙖 𝙈𝙤𝙢𝙢𝙮, 𝙬𝙖𝙞𝙩 𝙩𝙞𝙜𝙣𝙖𝙣 𝙠𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙣𝙙𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙡𝙖."
Lumabas ako ng bahay at saktong pag parada din ng isang magarang sasakyan sa may gate.
Agad akong lumapit dito at pinag buksan sila. Pag pasok ng gate ay lumapit ako agad sa pintuan ng Kotse.
Bumukas ito at tumambad sa akin si Jhane na malaki na talaga ang pinag bago mula sa pananamit at postura nito.
"𝙅𝙝𝙖𝙣𝙚 𝙬𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙗𝙖𝙘𝙠!" Bati ko dito pero wala man lang ako natanggap na pag bati pabalik.
BINABASA MO ANG
He Just Force To Marry Me (COMPLETED)
General Fiction------------------------- Pag ibig na inaasam ngunit hindi nakamit at nagawa sa maling paraan. Isang buong gabing puno ng saya at sarap pero malaking pag dudusa ang naganap. Kamatayan, Kasinungalingan, Kapatawaran. Ayan ang tatlong salitang maihaham...