Chapter 18: ( New style)

7.5K 277 1
                                    


Skylie Ford POV:

Nandito na kami ni marian sa mall.

"Ahm ate marian pwedeng doon mo na tayo. " sabi ko at tinuro ang boutique para makabili ako ng damit.

"Haha ok, tsaka wag mo na akong tawaging ate, Marian na lang ok?."  sabi nya tumango ako sa kanya naikinangite nya.

"Bakit? Wala ka bang damit doon?. Nako! Di ka man lang ba binilhan ni tyron?! Lagot sa akin yun." sabi nya habang nakapameywang.

"Nako, mali po ang iniisip nyo haha gusto ko kasing bumili ng dress di tulad na binili ni tyron na hanggang talampakan hahah nagmumukha po akong nanay doon. Tsaka po sabi nila tomboy daw ako kahit di naman." Sabi ko na may gesture at binulong ang huling Sinabi ko. Tiningnan naman ako ni marian, ulo hanggang paa.

"Ahm di naman ah. Pero tutulungan kita. Tara!" Sabi nya at hinila ako papuntang boutique.

Namili kaming damit at dress, ang dami nga eh. Pasok labas ako sa fitting room.

"Alam mo sky, bagay naman sayo lahat ng ipapasuot sayo kasi ang Ganda mo sobra." sabi ni marian hehe napuri ako.

"Heheh thank you sa puri marian." natatawang sabi ko.

"Haha totoo kaya yun. Tara bayaran na natin. Tapos may pupuntahan pa tayo." sabi nya kaya pumunta kami sa counter. Nilabas ko ang wallet ko.

"Ako na ang magbabayad." sabi nya .

"Hindi ako na." sabi ko.

"Hindi, ako naman ang nag aya eh kaya ako na." sabi nya, magsasalita sana ako ng nagsalita ang babae sa counter.

"Ma'am magbabayad na po ba kayo kasi mayroon pang susunod sa inyo." sabi nya, kaya Napalingon kami sa likod at may nakapila nga, nahiya namin kami kaya si marian na ang nag bayad kasi card yung sa kanya para mas madali.

Kinuha namin ang lahat ang pinamili namin at umalis doon.

"Salamat." sabi ko.

"Haha wala yun pero sa susunod ikaw naman ang manglibre sa akin." sabi nya.

"Oo naman,kahit ilibre kita araw araw kasi si Tyron naman ang magsasahod sa akin hahah." sabi ko habang naglalakad kami. Huminto kami sa harap ng parlor.

"Magpapasalon ka?" takang sabi ko habang nakatingin sa harap ng parlor.

"Oo at kasama ka. " sabi nya at hinila ako papasok.

"Hi, ma'am marian ganon parin po ba ng dati?" sabi ng bakla kaya tumango si marian. Mukhang suki na nila si marian. Actually 4 ang bakla ang nasa harapan namin.

"Buti bumalik ulit kayo ma'am marian akala ko di na po kayo babalik." sabi ng bakla.

"Hahaha pwede po ba yun?" Sabi naman ni marian habang ako nakatingin lang sa kanila, mukhang napansin ng isang bakla na nandito ako.

"Ow, sino naman ang magandang babae ang katabi mo ma'am?" kaya napatingin sila sa akin lahat.

"Ayy, ito pala si Skylie friend ko at ang P.A ng kuya kong si Tyron. Gusto kong pagandahin nyo pa sa lalo." nakangiting sabi ni marian.

"Really, halika na dito." nagulat ako dahil hinila nila ako ng biglaan at pinaupo.

Inayosan nila ako at tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko.

Nakita ko naman si marian sa salamin na umupo at nagpaayos din. Maganda si marian, curious lang ako kung may boyfriend na kaya to si marian, marami sigurong manliligaw toh hahaha.

"Done." nagulat ako dahil nagsalita ang isa sa bakla, ang bilis nila ah. Napatingin ako sa salamin, haha sobrang Ganda ko.

"Wala naman kaming nilagay dyan kundi liptint lang at inayosan lang ang buhok mo hahaha ang Ganda mo kaya kahit di kana ayosan." sabi nila, nginitian ko naman sila at dumating naman si marian.

"Ito sky isuot mo ito. Dali!." sabi nya ibinigay sa akin ang paper bag at tinutulak ako papuntang cr.

"Oo Na, ito na." sabi ko at pumasok na.

Kinuha ko naman ang laman ng paper bag, dress pala na color white, ang Ganda nito, ito pala yung napili ko kanina.

Lumabas ako sa cr at nakita kong nakatingin sila sa akin .

"Wow, perfect. Pak na pak mga teh." sabi ng isang bakla.

........................

"Thank you sa pag aayos dito kay sky." sabi ni marian nagpasalamat din ako sa kanila.

"Haha wala yun balik kayo ah" sabi ng isa kaya tumango kami.

"Tara kain muna tayo gutom na ako eh." sabi nya.

"Ok, ako na ang magbabayad ngayon, Tara." nakangiting sabi ko at hinila sya.

Nag order na kami at umupo sa isang table na pangdalawahan lang at kumain na kami. Masarap ang pagkain dito minsan pag pumupunta ako dito sa mall.

"Psst" napaangat ako ng ulo dahil tinatawag ako ni marian.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kilala mo ba yun? Kanina ko pa kasi nakikita na nakatingin sayo. Type ka ata nila ayiee." sabi nya at ngumuso sya kaya napatingin ako sa nginusuan nya.

Nakita kong puro lalaki sila at mukhang gangster dahil puro itim ang suot nila. Hayst di naman siguro. Napatingin sila sa akin kaya umiwas ako.

"Ahm di ko sila kilala wag mo na silang pansinin." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Ng natapos na kami ay sabay kaming tumayo no marian nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumayo din yung mga lalaking na nakatingin sa amin kanina, hinayaan ko nalang.

"Tara uwi na tayo." sabi nya kaya pumunta kami sa parking lot. Napalingon ako sa likod, nagulat ako kasi nandoon ang mga lalaki kanina.

"Bilisan natin." sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Basta, wag kang lilingon bilisan lang natin." sabi ko kaya mabilis kaming naglakad at pumasok sa kotse.

"Thank you ah." sabi ko sa kanya ng nakangite dahil nakauwi na kami, ay hindi pala dahil hinatid nga ako.

"Ano ka ba dapat ako ang nagpasalamat sayo kasi sinamahan mo ako." sabi nya sa akin

"Wala yun." sabi ko na lang.

"Oh, sya babye."  paalam nya kaya nag wave ako sa kanya.

"Ok. babye ingat." nakangiting sabi ko .

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon