Chapter 52: ( Danica is back)

4.6K 189 0
                                    

Skylie POV:

Nandito kami sa school at naglalakad sa Hallway.

"Ano ba kasing sinasabi nyo?", Takang sabi ni Matthew.

"Hahaha, sabihin mo na kasi sky may nangyari sa inyo noh.", Pangungulit sa akin ni zack putik na yan di nya talaga ako Titigilan.

"Sabing wala! Wala! Wala!. Magkatabi lang kami", inis kong sabi.

"P*ta isa pang kulit mo babasagan kita ng mukha", sabi ko sa kanya kaya tumahimik sya.

"Wala naman pala eh." Sabi naman ni Aki, nakasabay naming tong pumasok sa gate.

Ganito kasi yun...

(FLASHBACK)

Knock*knock*knock.

Nagising ako sa mahinang katok sa sa pinto, dahan dahan naman akong bumangon at inalis ang kamay ni tyron sa beywang ko.

Umalis ako sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang apat na donkeys.

"Why?", Sabi ko at kinukusot ang mata ko, wala akong paki alam kung ano ang itsura ko.

"Di ka papasok?", Tanong sa akin ni Eugene. Shit nakalimutan kong may pasok pala napasarap ang tulog ko ah.

"Papasok", sabi ko.

"Oyy,oyy wala si tyron sa kwarto nya", nagmamadaling sabi ni jayson.

"Pano mo nasabi eh nakalock yun eh?", Tanong naman ni Shan. Nandito kaya si tyron sa kwarto ko nga lang.

"Hindi,! nakabukas ang pintuan nya", p*ta ang lakas ng boses nya.

"Love, sino yung maingay?," Napatingin ako sa loob dahil nagsalita ni tyron. Nabitawan ko ang door knob dahil biglang pumasok si zack at sumunod ang iba.

"O my gulay! Dito ka pala natulog? May nangyari ba sa inyo ng di namin alam?", Kahit kaylan talaga ang dumi ng utak nito. Lumapit naman ako sa kanila.

"Anong pinagsasabi mo pwede ba umalis kayo dito?!" Sabi ko sa kanila.

"Ayy, kaya pala di kayo nagising ng maaga kasi nagpuyat kayo kagabi hahaha" namula naman ako sa sinabi nya kahit wala at nangyari nakakahiya kaya.

"T*ng *na mo zack walang nangyari sa amin lumabas na nga kayo dito", pikon kong sabi.

(END OF FLASHBACK)

Kaya ayon di ako tinigilan ni zack kakatukso sa akin at pinipilit na may nangyari daw sa amin.

"What?! Magkatabi kayo kagabi." Gulat na sabi ni matt.

" Ang oa nyo huh. Magkatabi lang kami ok? Walang nangyari. Period." Sabi ko. Si tyron naman di man lang ako tinulungan Hays nako.

"Ok, sabi mo eh. May tiwala naman ako sayo. Sige ito na ang room ko", sabi nya sa amin, nag paalam naman kami sa kanya.

Pumasok naman kami sa room namin, wala pa ang prof namin kaya nagsi upo na kami.

Kinalabit ko si Aki naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin alam kong si tyron yun. Lumingon naman sa akin si Aki.

"Bakit?", Tanong nya.

"Nasabi mo na ba sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa eh", malungkot na sabi nya, naawa naman ako sa kanya gusto ko sanang syang tulungan kaso problema nila yun.

"Bakit ayaw mong sabihin? Sigurado akong magiging masaya sya", singit ni Tyron sa amin sumang ayon naman ako sa sinabi nya.

"Ayaw nga nya sa akin eh tapos wala daw syang tiwala sa akin. Nakakalungkot naman sabihin pero hihintayin kong nagustuhan ako ni kuya Matthew bago ko sabihin sa kanya", sabi nya, yes kapatid nya si Matthew sinabi nya noong nasa Walter Island kami.

"What?! Kapatid mo si Matthew hahaha kaya pala may pagkapareha kayo ng ugali. Pero teka lang.. magkaiba kayo ng ipilyido akala ko nga makamag anak kayo ni Shan dahil sa surname nyo", Nagtatakang sabi ni zack.

"Bakit ako?" Sabi naman ni Shan.

"Ano kasi... pinalitan ko ang surname ko. Actually si mom ang nagpalit noon para naman di maghinala si kuya Matthew, andito ako bilang taga bantay ni kuya, spy kung baga at iinform ko kay kung ano ang nangyayari sa kanya. Pls wag nyo munang sabihin sa kanya ito" pagmamakaawa nya sa amin.

"Makakaasa ka sa amin, Ewan ko lang kay zack at jayson." Sabi ni Eugene.

"Bakit kami?", Tanong naman ng dalawa.

"Si zack madaldal ay si Jayson nadulas ang dila", nakangising sagot ko ng di sila Tinitingnan.

"Oo inaamin naming madaldal kami pero kami naman mas magaling nagtago ng secret", pagyayabang ni jayson. Whatever.

"Salamat", sabi ni AKI  dumating naman ang guro namin.

"Class may makakasama na naman kayo, galing sya ng America actually dito sya nag aral 3 months ago at bumalik ngayon",sabi ni prof. Naalala ko tuloy si Danica di nga sya tumawag sa akin. Sabi nya mag uusap naman kami sa phone pero wala naman.

"Ok, pumasok ka na ija", sabi ko prof. May pumasok naman isang babae nagulat ako pero di ko pinahalata. Akala ko ba doon nya na ipagpapatuloy ang pag aaral na Ibang bansa.

"Hi, everyone I'm Danica Cruz. Hope we can be friends", nakangiting sabi nya nagbulongbulongan naman ang classmate ko. Gumanda sya pagkalipas ng 3months.

"Mas lalo syang gumawa", rinig kong sabi ni zack hahaha tinamaan na ata sya ni kupido.

"Whaaaa namiss kita sky", tumakbong sabi ni nica at niyakap ako, napatawa naman ako .

"Ms, Cruz mamaya na yan at kay Aki Fernandez ka tumabi", sabi ni prof at tinuro pa si Aki.

"Prof dapat sa akin mo sya pinatabi",sabi ni Zack.

"At bakit? May gusto ka ba sa kanya?", Tanong ni Prof.

"Oo", matapang naman na sabi ni zack hahaha.

"Ayieeeee", hiyaw naman ng classmates ko.

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon