Skylie POV:
Nagising ako dahil sa ingay.
"Buti nagising ka, ihanda mo ang sarili mo dahil dadating na si boss at aalis na", sabi ng isang babae at Sabay Sabay silang lumabas ng pinto.
Napatingin ako sa harapan at nagulat ako dahil iba ang suot ko kaya napatingin ako dito kulay itim na gown. Tumingin ulit ako sa salamin, tsk. Nagsasayang lang sila ng oras, nilagyan nila ng makeup ang mukha ko at nilagyan pa nila ng crown ang ulo ko.
Napatingin ako sa veranda ng biglang bumukas Ito at pumasok ang malamig na hangin kaya pumunta ako doon.
Gabi na pala, sumilip ako sa baba. P*ta ang taas kapag tumalon ako dito sigurado akong lamog ang katawan ko.
"Tyron, pls hanapin nyo ako ayaw ko talaga dito", bulong ko sa hangin. Narinig ko kanina ang usapan nila na kapag nacoronahan na ako di ko na sila makikita o di na nila ako makikita kahit kailan.
"Nandyan ka lang pala", mabilis akong Napalingon sa likuran ko
"Sobrang Ganda ng Reyna natin", sabi ni sir Luke kaya sinamaan ko sya.
"Oo nga, pagkatapos ng event mamaya ay pwede ko na syang angkinin", sabi naman ng Lukas na to. Aba! Bastos to ah ang sasama ng ugali nila.
"Ibalik nyo na ako",cold kong sabi sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Sa tingin ba nila makikipagbiruan ako.
"Sorry but not sorry my lady but Hindi ka na makakabilik sa kanila. Kung gusto ka nilang makuha dapat kanina pa sila dito, diba? I guess di ka talaga mahal ng tyron nayun.", Sabi ng Lukas na to. Tiningnan ko lang sila anong akala nila pang hihinaan ako sa sinabi nila.
"Halikana dahil magsisimula na ang event at wag mo ng subukan tumakas", sabi sya at hinila nya ako pero di ako nag patangay.
"Kaya kong maglakad", sabi ko kay Lukas kaya binitawan nya ako. Sumunod lang ako sa kanya at nasa likod ko si sir Luke or Luke na lang.
Sumakay kami sa isang kotse habang ako tahimik lang at nag iisip kung pano ako makakatakas.
Napatigil ako sa pag iisip ng huminto ang kotseng sinasakyan namin. Sumilip ako sa labas at nakita kong may dalawang malalaking katawan ang nasa labas.
Bumaba sila kaya bumaba na din ako di ko sila hinintay na pagbuksan ako masama sila ok? Masama sila.
Napahinto ako dahil may naramdaman akong kakaiba sa lugar na to. Palinga linga ako sa paligid.
"Anong ginagawa mo?", Napatingin ako sa unahan ko. Ang pangit na mukha ni Lukas ang bumungad sa akin. Di ko siya sinagot bagkus sa gilid lang ang ako tumingin.
Hindi naman nya ako ng marahas. P*ta kapag nagkapasa ang magandang balat ko babalatan ko sya ng buhay.
Pumasok kami sa isang pintuan at ng pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang malakas na ingay.
"Bal bantayan mo muna sya", seryosong sabi ni Lukas kay Luke.
Umalis si Lukas at pumunta sa isang ring na nagsisilbing mini stage."Simula sa gabing ito ako na ang mamuumuno sa lahat ng gang!!.. Dahil nakahanap na ako ng isang babaeng malakas na bagay na bagay na maging reyna!!!",sabi ni Lukas sa mic.
"Woahh!!!"
"Sige ipakita mo na sya sa amin!!!"
"Hindi sya magiging Reyna natin kong mahina sya!!"
Ako pa ang sinabihan nilang mahina. Kung ganon di nila ako mapipili kong mahina ako. Nandito ako dahil malakas Ako at kaya kong lakalaban.
"Bal iakyat mo na sya dito", utos nya kaya hinawakan ako ni Luke papunta doon. Pagkatapak ko tumingin ako sa paligid at Maraming gangster ang nakakalat.
"Woahh kay gandang babae!!"
"Papayag na akong maging reyna sya kung ganyan lang naman kaganda ang Queen of gangster!!"
"Teka.. parang syang ang girlfriend ni Tyron diba?
Napatingin ako doon sa nagsabi nun. May nakakilala pala sa akin saa labas. May nakita naman akong isang lalaki na umakyat nasa 30's na
"Ijo, binabati kita. Simula ngayon ikaw na ang gagawa ng position ko", sabi ng lalaki, siya pala ang pinuno.
"Salamat pinuno" nakangising sabi nya. Ibigay naman ng lalaki ang isang kwentas at crown bilang tanda na sya na ang bagong pinuno.
Lumapit naman sa akin si Lukas habang hawak hawak ang isa pang crown na maliit. Umatras ako sa kanya.
"Ija tanggapin mo na" sabi ng matandang to. Ikaw na lang kaya ang magsuot nyan.
"Hindi! Ayaw kong maging reyna na nyo o maging kagaya nyo!!" Sigaw ko
"Kung ayaw nya wag nyo ng pilitin dahil sa akin lang sya magiging Reyna" Napatingin kami sa isang pinto at nandoon ang gwapo kong si tyron na nakangise na may dalang bat na nakapatong sa balikat nya at may mga kasama pa sya.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...