Chapter 39: (Walter Island)

5.6K 208 12
                                    

Skylie POV:

May tumulong naman sa akin na tumayo.

"Ok ka lang?" Tanong sa akin nila matt.

Tumango naman ako at tumingin kay tyron na nakatayo habang tinutukso sya nila zack sabay tumingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis naman akong umiwas sa kanya.

"Ok students sumunod kayo sa akin, ikaw miss Ford sa unahan ka." sabi ni Sir Luke.

"Ako po?" Turo ko sa sarili ko.

"Hindi yung nasa likod mo, ikaw lang naman yung Ford na apilyedo dito diba?" Sabi nya kaya nag sitawanan yung iba.

Kung basagin ko kaya yung mukha nya. Di nya ba alam na ako yung may ari ng Royal Academy hahahaha

Pumunta ako sa harapan at bumubulong.

"Gwapo sana pero ang sungit naman." bulong ko.

"Well thank you for your compliment miss Ford." nakangising sabi nya, aba lakas ng pandinig nito ah.

"Tsk, di na ba tayo aalis?."  rinig kong sabi ni tyron.

"Ok mga Royals, Tara na." sabi nya kaya sumunod kami sa kanya.

Tumingin tingin ako sa paligid di pa ito yung island.

"May sasakyan pa tayo papunta sa island ko para nakarating tayo doon." sabi ni sir luke.

Huminto kami sa may tanong dagat at nakita kong may tatlong yate na naghihintay sa amin.

Sumakay kami isa isa pero di ako umuna noh. inalalayan silang makasakay ng ako na ang sumakay may nag abot sa akin na kamay apat na kamay. Si matt, si Aki, sir Luke at si tyron.  P*ta!!

"Ako na nga, halika sky." sabi sa akin ni marian kaya kinuha ko yung kamay nya at inalalayan ako.

"Salamat." nakangiting sabi ko, ngumite naman sya sa akin. Tumingin ako sa tubig ng umandar na ang sinasakyan namin ang Ganda.

Nang nakarating kami sa kabilang sila nagsibabaan kami.

"Royals welcome in Walter island." sabi nya sa amin ang Ganda dito.

May pinatayo silang building dito pero iisang lang, nasa 8 floor lang.

"Thank Mr. Walter..... Student magpatayo na kayo ng inyong tent at dapat dalawa ang tao sa iisang tent bawal ang babae sa lalaki at bawal ang lalaki sa babae. Understood?" Paalala ni ma'am sa amin kaya nagsitanguan kami.

May dala dala kaming kanya kanyang tent parang magcacamping lang kami. Di kami pwede sa loob dahil mga VIP lang ang nandoon at doon sa sinakayan namin kanina ay doon pwede, maraming building doon or hotel.

"Tayo nalang sa iisang tent sky, pwede?" Tanong sa akin ni Maria, Tinangoan ko na lang sya at tinulungan akong nagpaayos ng tent.

"Ahmm sky.... kung may away kayo ni kuya sana magbati na kayo, para naman ngumite na sya kasi kanina habang kinakausap ko sya, nakasimangot." nakapout na sabi ni marian habang hinihila ang dulo ng tent.

"No comment muna ako dyan." sabi ko

"Ayy, pero ito lang sasabihin ko sayo. Mahal ka nya." sabi nya at lumapit sa akin habang nakangite.

"Clap* clap* clap*, ok mga Royals dahil tapos na kayo sa pag tayo ng tent at malapit ng gumabi, gusto ko kayong kumuha ng mga kahoy para sa bonfire mamaya kasama na ang mga babae. At girls wag maarte. Oh, sige kumuha na kayo dahil may pag uusapan kaming mga guro at ni Mr. Walter." Sabi nya, may naririnig pa akong nagrereklamo pero di namin pinansin.

Naglakad kami papuntang may kakahuyan, yes may kakahuyan dito malamang isla eh.

"Sky, may tanong ako." Sabi ni marian.

"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya at nag simulang magdampot ng sanga na kahoy.

"Ano ang mga gusto mo sa isang lalaki?" Aniya.

"Ahm, limang M." sabi ko.

"Anong limang M? Yung mabaho, manyak-" Tanong nya.

"Nako hindi hahaha kadiri naman Yung Mabait, Masipag, Maalalahanin, Maalaga, at ang huli Mapagmahal." sabi ko sa kanya.

"Talaga?! Hehe mayroon ganyang ugali si kuya tyron. Hahaha." sabi nya hahaha halata nga, maliban sa mabait ang sungit kaya nun.

"Hala! si kuya oh " sa nya at tinuro pa ang nasa likod ko, Napalingon naman ako. Pero kumunot ang noo ko na wala naman akong makita kaya lumingon ulit ako kay marian.

"Wala naman ah." sabi ko.

"Ayieeeee ikaw ah namimiss mo na si kuya noh." tukso nya sa akin.

"Ayaw ko ng ganyan biro." seryosong kong sabi.

"Pout* sorry gusto ko lang kasi na magbati na kayo." sabi nya.

"Hays ok lang yun, pero problema namin yun kaya kami dapat ang mag aayos." nakangiting sabi ko, naikinangite nya binuhat ko naman yung kahoy na pinangkuha namin.

"Tara." aya ko sa kanya.

Ng malapit na kami may nagsisitakbuhan papunta sa amin.

"Hala!! Anong meron?" Natarantang sabi ni marian habang papalapit na yung istudyante sa amin.

" Sky tulungan ka na namin." sabi ng isa. Kaya ba sila tumatakbo dahil sa akin? T*ng *na yun lang pala yun akala ko kung ano ng nangyayari eh.

"Hahaha thank you pero ok lang kaya na namin." sabi ko at nilagpasan. Ang weird ng mga tao ngayon, kinakabahan ako sa kinikilos nila hahaha.

" Ang haba ng hair mo teh, crush ng bayan." Sabi ni marian at hinawakan pa talaga yung buhok ko.

"May mga kuya ka? Pwede bang akin na lang ang isa hehe." di ko alam may pagkaharot pala tong si marian.

"Baka gusto mong isumbong kita sa kuya mo." pananakot ko sa kanya.

" Sus, di ka nga nakalapit sa kanya eh, pero wag mong ipagpapalit si kuya ah baka makapatay yun." sabi nya, sya naman yung nanakot sa akin.

"Ah eh, bilisan na natin." sabi ko at binilisan ang paglakad at ng nakarating kami inalapag agad namin ang kahoy sa buhangin.

Sakto naman na dumating si sir Luke.

"Pwede kayong pumasok sa loob ng hotel para magbihis. Ang ladies room ay nasa Kaliwa at ang sa mga lalaki nasa kanan." sabi nya sa amin kaya nagsikuha kami ng pangpalit at pumasok sa hotel.

Ang Ganda ng pagkakadesenyo, napakalinis at maaliwalas sa mga mata.
Kumaliwa kami at pumila para maligo syempre dapat maligo noh alangan naman na magbihis ka lang.

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon