Skylie POV:
Nandito kami sa labas ng tent at ngayo'y nasa harapan ng Bonfire nakapalibot.
"Royals. Napag usapan namin ang mga gagawin ng activity bukas at tutulong din si Mr Luke sa atin at kung sino ang makakasali ay may mataas na grade sa mga prof nyo. Pero ngayon pwede mag laro at kami ang naka assign doon." Sabi ni ma'am
"Yes, may laro." tuwang sabi ni jayson kaya napatingin kami sa kanya.
"Bakit? Gusto kong mag laro eh." sabi nya kaya natawa kami, nabaling ang mata ko kay tyron na nakatingin ngayon sa akin umiwas nalang ako ng tingin.
"Ok, may mga popstick ako dito na apat na iba't ibang kulay bawat isa sa inyo mayroon nito at ibinigay nyo ito sa gusto nyong bigyan. Ok sasabihin ko ang ibig Sabihin nito. Una, green means may crush ka sa kanya." sabi ni ma'am nag ayieeeee naman sila pero ako tumatango lang.
"Pangalawa, yellow means gusto mong magsorry sa kanya. Pangatlo,blue means friends at ang panghuli, red means mahal mo sya. Puro mga positive lang ang binigay naming mga meaning para walang masasaktan." nakangiting sabi ni ma'am.
Si sir Luke naman yung nagbibigay sa amin, noong binigyan nya ako bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ibinigay sa akin yung stick. Harassment lang ang putik, ang sama ng ugali nito.
"Thank you ah." sarcastic kong sabi at nag bow pa.
"Welcome." nakangising sabi nya.
"May problema ba sky?l" sabi ko.
"Hayaan mo na yun nagpapansin lang yan." sabi ni Aki na katabi ni matt. Yung nasa Kaliwa ko kasi si marian ang nakaupo.
"Nakikisingit di naman kasali." parang batang sabi ni matt hahaha.
"Whatever tanda." sabi ni Aki haha nag aasaran na naman sila.
"F*ck you." mura ni Matthew, baliw to pinagtitinginan na sila pero di pa sila tumitigil.
"Sorry pero di tayo talo." sabi naman ni AKI hahaha magsasalita sana si Matt ng tinakpan ko yung bibig nya.
"Mananahimik ka o papasabugin ko yung bibig mo." nanlalaking sabi ko sa kanya tsaka Tinanggal ang kamay ko.
"Eh, sya kasi eh." sabi nya at tinuro pa si Aki. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kanya minsan talaga sarap ipadumog toh sa mga bakla.
"Tama na yan. Royals, go ahead dahil na sa inyo na yung mga stick nyo." sabi ni ma'am.
"Sky, para sayo." sabi sa akin ni marian at ibinigay sa akin ang popstick na kulay blue. Friends huh. Nginitian ko naman sya.
"Thanks." sabi ko. Tapos may mga nagbibigay sa akin na kulay green puro mga lalaki, syempre sky alangan naman babae diba, ano yun Bi lang?.
Crush lang naman eh, paghanga lang yun. Hahah ang dami palang may crush sa akin.
"Sky oh." sabi ni Matthew sa akin at ibinigay sa akin yung red na popstick. Kumunot ang noo ko.
"Red? Pero matt di--"di ko na tapos ang sasabihin ko ng sumingit sya.
"Oo, alam ko hahaha gusto ko lang ibigay yan sayo. Alam kong sya ang mahal pero kapag sinaktan ka nya naandito naman ako." mapait na ngumite sya, naawa naman ako sa kanya.
"Hahah anong mukha yan, wag mo nga akong kaawaan." sabi nya at ngumite, kinuha ko naman yung blue at yellow kong popstick at ibinigay sa kanya.
"Wow dalawa. Friend and sorry." sabi nya tumango naman ako sa kanya.
"Hanggang friend lang ang ibibigay ko sayo at sorry dahil di ko kayang suklian ang nagmamahal mo sa akin." sabi ko, ngumite naman sya sa akin at niyakap ako.
"Ok, lang sa akin yun." bulong nya at kumalas ng pagkakayap sa akin, ginugulo nya naman ang buhok ko.
"Friendzone." rinig naming sabi ni Aki at ngumite ng nakakaloko. Nang aasar na naman toh.
"Pigilan nyo ako sasakalin ko to." nanggigil na sabi ni Matthew. Hahaha.
"Hahaha pikon." natatawang sabi ni Aki.
Bago ko makalimutan, kinuha ko yung green popstick at ibinigay kay Aki. Tumigil naman silang dalawa."Para sa akin? Hahaha di ko alam na crush mo pala ako." natatawang sabi ni Aki, medyo napalakas ang pagkakasabi nya kaya tumingin sa amin ang iba.
"Kunin mo nalang. Tsk." sabi ko.
"Oh, pano ba yan pre. Ako pala yung crush ni sky." sabi ni Aki kay Matthew at inakbayan ako. Tinanggal ko naman ito. Ang hangin nito pareho lang sila ni Matthew.
"Tsk, paki alam ko, lagi naman kaming magkasama." sabi ni matt, umalis naman ako sa harap nila. Bahala silang mag aasaran.
Isa na lang ang natitira sa akin kulay pula. Pano ko to ibibigay sa kanya kung di pa kami nag kakaayos. Tama, si Tyron ang bibigyan ko nito, lagi ko syang iniisip di ko alam kung bakit at laging bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nagkakatapat ang mga mata namin.
"Bro lapitan mo na." napatigil ako sa kakaisip ng may narinig ako.
Napalingon naman ako ng palihim. Nakita kong kinukumbinsi nila si tyron.
"Para kang bakla kuya, lapitan mo na kasi si sky." rinig kong sabi ni marian. So, pinipilit nila si tyron sa akin. Tsk. Napatingin naman ako sa hawak ko.
Naglakad ako papunta sa kanila kaya napatingin sa akin sila Eugene
Tumigil ako sa harapan ni Tyron, naka upo sya ngayon sa buhangin kaya napatingala sya sa akin.
"Para sayo." plain na sabi ko at ibinigay sa kanya ang popstick na kulay pula. Napatingin naman sya doon at nagulat naman sila shan sa hawak ko. Dahan Dahan naman kinuha ni Tyron ang hawak ko, ng nakuha nya na tumakbo ako.
"Wait!! Sky!!!" Sabi nila pero di ko pinansin at dumiretsyo sa tent at natulog nalang ako.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...