Chapter 24: (Under)

6.6K 255 0
                                    

Skylie Ford POV:

Umuwi na kami sa bahay kaya namahinga na kami at natulog.

Bago ako matulog may napumasok sa isip, kaya napangise ako. Tingnan lang natin hahahahah.

💤💤💤.

Cring*cring*cring*

Pinatay ko yung alam clock at naghikab, pumasok ako sa CR para maligo.

Sabado ngayon at walang pasok kaya nandito lang kami sa mansion.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba na nakita ko naman na wala pa yung donkeys dito, for sure tulog pa sila.

Oo nga pala, dahil sabado ngayon sila ang paglininisin ko hahaha akala nila ah. Nagpapadala pala sila ng katulong dito tuwing linggo para linisin ang mansion nato.

(FLASHBACK)

Bumaba ako sa galing sa kwarto ng may napansin akong maraming tao siguro nasa walo. Sino naman toh?

"Sino sila?" Tanong ko habang pababa ng hagdan kaya napalingon sila sa akin.

"Good morning po. Kami po yung mga katulong na pinapadala ng mga master para maglinis dito." sabi ng isa. Bakit di ba marunong maglinis ang mga donkeys na yun.

"Ok. Skylie Ford, sky na lang." sabi ko sa kanila at nakipag shakehands sa kanila.

"Girlfriend kaba ng isa sa mga master namin? Ang Ganda mo eh." sabi ng isa. Eh?.

"Hindi po kinuha lang nila akong P.A." sagot ko naman.

"Ayy ganon po ba, sayang naman." sabi nya ng may pahihinayang.

"Ahm gusto ko pa sanang mag request sa inyo kung pwede lang." Sabi ko sa kanila.

"Sige po, ano po yun?" Sabi ng isa.

"Gusto ko po sanang wag na po kayong pumunta dito para maglinis." sabi ko.

"Bakit po? Baka magalit po sa amin ang mga master namin." sabi nung isa.

"Hindi po yan. Ako na po ang bahala sa kanila." nakangiting sabi ko kaya tumango naman sila.

(END OF FLASHBACK)

Kaya dapat ako ang masusunod ngayon hahaha. Wala na yung mga katulong nila kaya dapat marunong silang kumayod di porket mayaman sila tatamad tamad sila.

Umakyat ulit ako sa taas para gisingin silang lahat para mag umpisa ng magtrabaho.

Knock* knock*knock*

Iniisa isa kong kinatok ang kwarto nila.

"Hoy mga donkeys magsigising kayo!!." Sabay sabay naman silang nagsilabasan sa kanilang kwarto.

"Ano ba yun sky ang aga aga pa eh." nakapikit pang sabi ni jayson.

"Oo nga, wala naman pasok ngayon." pacool na sabi ni zack habang nakasandal ang siko nga sa pinto.

"Oras ng trabaho ngayon." sabi habang nakapameywang.

"Trabaho?!" Sabay na tanong nila.

"Hahaha anong trabaho? wala kaming trabaho ngayon sky." sabi ni Shan. Tsk

"Kulang ka ba sa tulog sky?" Tanong ni Eugene. Tinaas ko naman yung isang kilay ko.

"Di ba gusto nyo akong isali sa grupo nyo kaya dapat sumunod kayo sa akin. Malilinis kayo ng buong bahay!" Sabi ko ng nakangise.

"What?!"

"No way! may katulong naman bukas" reklamo ni Tyron.

"Yes way, di na sila pupunta dito dahil pinagbawalan ko sila." Nakangiting sabi ko.

"Kaya bilisan nyo!" Sigaw ko kaya mabilis silang pumasok sa kwarto nila hahaha.

(Skip)

"Ang una nyong gagawin ay wawalisan ang buong bahay at pati na yung kwarto pero wag kayong papasok sa room ko." sabi ko sa kanila nakita ko naman na sumimangot si Jayson.

"May problema jayson?." Tanong kong Nakataas ang kilay.

"Hehehe wala. Oyy simulan na natin ang paglilinis." Kumuha naman sila ng kanya kanyang panglinis. Very good dapat sumunod kayo sa maganda hahaha.

Habang ako chill lang nakatingin sa kanila.

Jayson POV:

Ano ba yan, di naman kami marunong maglinis eh kaso baka magalit sa amin si sky. Mukha pa naman syang dragon kapag nagagalit.

"Cough*cough* ano ba yan bakit ang daming alikabot dito? di ba to nilinis ng mga katulong natin noong isang linggo?." Hahaha mukhang naiinis si Eugene habang hawak ang pang alis ng alikabok.

"Bakit kasi tayo yung maglilinis? diba si sky ang P.A natin dapat sya na lang tutal sya naman yung nagpaalis na mga katulong natin." reklamo ni zack.

"Sshh wag kang maingay zack baka marinig ka ni sky, bahala ka dyan." Sabi ni Shan.

"Eh totoo naman eh." sagot nya nanlaki yung mga mata namin dahil nasa likod nya si sky.

"Oh bakit parang nakakita kayo ng multo." sabi nya. Suminyas ako sa kanya.

"Pre sa likod mo." sabi ko lumingon naman sya di ko alam kung ano ang reaction nya.

"Anong sabi mo zack?." Nakangiting sabi ni sky, parang di maganda yung ngite nya yun ah.

"Hehehe wala." sabi naman ni zack.

"Ahh wala.......... kung ganon ikaw ang maglilinis ng mga kwarto!" Sabi ni sky. Prrfff.

"T*ng *na!" Mura ni zack.

"Minumura mo ba ako?" Tanong ni sky.

"Ha ha ha hindi, sabi ko nga pupunta ako sa taas para maglinis." sabi ni zack at umakyat ng nakasimangot hahaha buti na lang at di ako nagreklamo kanina.

Tumingin naman si sky sa amin kaya umiwas kami at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Under kami kay sky ah napapasunod nya kami.

"May period ba si sky? Ang sungit eh." sabi ni Shan, sige kapag ikaw narinig nya bahala ka.

"Manahimik kayo kung ayaw nyong katulad kay zack." sabi naman ni Tyron.

"Sorry, peace." sabi naman ni Shan.

Kawawang zack hahahahaah

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon