Chapter 60: (Amusement park)

4.4K 161 0
                                    

Skylie POV:

Isang buwan na ang nakalipas na nangyari sa school namin. Alam nyo ba kung ano ang sunod nangyari hahahaha

(FLASHBACK)

"Love naman pansinin mo naman ako", pilit sa akin ni Tyron. Naandito na kasi kami sa mansion nilang donkeys dahil pagkatapos non umuwi kami. Pagkauwi namin di ko sya pinapansin, akala nga huh..

"Love naman, sorry na" sabi nya pa.

"Hmp bahala ka dyan. Kaya mo palang di ako pansinin at makita ng isang linggo", nakasimangot kong sabi ko sa kanya. Di nya ba alam na halos di na ako makakain dahil sa prank nila.

"Anong pinagsasabi sabi mo? Di mo ba alam na lagi akong na sa kwarto mo tuwing gabi." Napatingin ako sa kanya ngumite naman sya sa akin na parang nahihiya.

"Kaya pala may humahalik sa akin tuwing gabi akala ko panaginip yun pala totoo. Bwisit ka pinagsasamantalahan mo ako habang tulog!", Sabi ko at pinagsusutok sya sa dibdib.

"Hahah si lead nagiging bastos na", natatawang sabi ni zack nasa kabilang upuan lang.

"Shut up!, Ouch! love naman, di naman sa ganon eh namimiss lang naman kita", sabi nya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Hmp di parin tayo bati", sabi ko na parang bata at umakyat.

"Love naman, sorry na nga eh", sabi nya.

"Galit ka huhuhuhu", naiiyak kong sabi ko sabi tapos tinakpan ko ng palad ang mukha ko. Sumilip naman ako ng unti. Heheheh

"Shit! Hindi love. Sorry na", sabi nya at niyakap ako niyakap ko naman sya.

"Bati na tayo love ah",sabi nya.

"Ok", sabi ko balak ko sanang wag syang pansinin ng isang linggo kaso marupok ako eh hahaha.

(END OF FLASHBACK)

"Hoy ako muna ang kakausap", sabi ni Matthew naandito din kasi sila eh.

"Hindi ako muna kuya", sabi naman ni Aki. Yes magkasundo na sila at tanggap naman ni Matthew si Aki ng una nagalit sya pero inexplain naman ng kapatid nya.

"Hoy, Kayong dalawa mag share kayo ,ang laki kaya ng laptop nyo tapos nag kakaagawan pa kayo." Sabi ni marian, kaya nga. nakavideo call kasi si para makausap nila ang mommy nila nasa Spain pala.

"Sya kasi" Sabay nilang sabi. Talagang makapareha sila ng ugali.

"Wag na nga kayong magsisihan", sabi naman ni Eugene. Alam nyo itong si Eugene nililigawan nya si marian at ito naman si marian halos punitin ang gamit ko kasi nalaman nyang liligawan na daw sya ni Eugene.

"Mama kailan po kayo uuwi?", Tanong ni Matt.

"Sa susunod na taon anak. Bantayan mo ang kapatid mo ah", rinig kong sabi ng mama nya nakatalikod kasi yung lalaki laptop sa amin.

"Eh ang laki na kaya nito", sabi naman nya sa mama nya at inakbayan ang kapatid nya.

"Bakit ako naman ah binabantayan kita hanggang umuwi ka nga ehh", Sabi Nam ng kapatid nya

"Hahaha masaya ako dahil magkakasundo kayo mga anak. Oh sya marami pa akong gagawin. Mag iingat kayo dyan Pati na din ang mga kaibigan nyo. Bye love you",sabi naman ang mama nila kaya pumunta kami sa kanila.

"Bye mom"

"Bye tita" sabay naming sabi saka namatay ang video call.

"Lead di ka nagpaalam man lang kay tita", sabi ni zack kay Tyron.Nagtulog tulugan lang toh. Nakasandal kasi ang ulo nya sa sofa at niyakap ang unan.

"Di ka na nasanay kay lead alam mo Naman kapag di nya kilala di nya papansinin nyan", sabi ni Shan.

Pumunta naman ako kay Tyron.

"Love," tawag ko sa kanya.

"Hmm", sagot naman nya sa akin.

"Love alam kong gising ka", sabi ko at hinawakan ang mukha nya. Pero nakapikit parin sya.

"Lambing gusto nyan hahaha" tawang sabi ni jayson.

"Kapag nyan na ininis sayo, Ewan ko lang", sabi ni Danica, lagi nangbabara yan lalong lalo na kay zack pero alam nyo bang marupok yan hahaha dahil sila na ni zack.

"Honey wag mo naman takutin si Jayson", sabi naman ni zack sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Tyron.

"Honey your face! Hindi ako bee para tawaging honey", sabi naman ni nica diba sabi ko sa inyo eh.

"Shan lika nga dito." Sabi naman si Jayson.

"Bakit?."

" Sila may partner na tayo lang wala kaya tayo na lang dalawa", sabi ni jayson hahaha.

"Yak ayaw ko nga. Baka tawagan ko ang jowa mo sa Italy gusto mo huh?", Shan.

"Oy, wag naman. Sige ka sasabihin ko kay ate na wag kang sagutin"jayson may girlfriend na din sila kaso nasa ibang bansa nga lang.

"Guys pasyal tayo", aya sa amin ni tyron.

"Saan naman?", Tanong namin.

"Amusement park", kuminang naman ang mata namin.

"Talaga?!",

"Oo, anong akala nyo sa akin nagbibiro", sabi nya sa amin at pinatong ang ulo sa balikan ko.

"Eh, ano pang ginagawa natin.? Tara na" sabi ko. Nagbihis kaming lahat para umalis na kaming lahat.

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon