Skylie POV:Pumasok na ako sa loob ng bahay, pagkapasok ko nakita ko agad sila sa sala parang may hinihintay.
Nagkakape pa sila mukhang di nila ako napansin kaya tinawag ko sila.
"Hoy mga donkeys." hahaha bakit parang ang harsh ko.
"T*ng *na zack !!" Mura ni Eugene hahaha pano naman kasi binugahan sya ng kape si Eugene.
Nahulog yung baso ni jayson tapos si Tyron nakita kong katitig sa akin at naka awang pa yung bibig nya.
"Yung mga bibig nyo isara nyo nga yan baka pasukan ng langaw." sabi ko sa kanila hahaha
"Ikaw ba talaga yan sky? T*ng Ina mas lalo kang gumanda ah di tulad kanina pag alis mo, maganda ka nga pero mukhang tomboy naman hahaha." pang aasar sa akin ni zack.
Sinamaan ko sya ng tingin. Napatingin naman kami kay Tyron ng biglang nagsalita ito.
"You look more beautiful." sabi nya mukhang namumula ang putik.
"Akoy kinikilig ~~" pagkakanta ni jayson.
"Hahaha baliw. Oy linisan nyo yan di na ako kakain dahil kumain na kami ni ate Marian." sabi ko at umakyat sa taas saka natulog.
Someone POV:
"Boss may nahanap na kaming pwedeng maging Queen natin." sabi ng isa sa tauhan ko.
"Opo boss, maganda at parang angel pero may ibubuga din boss." sabi ng isa pa at may ibinigay sa aking isang litrato.
Totoo nga ang sinabi ng tauhan ko maganda sya at mukhang angel kapag nakangite sa kausap nya.
"Interesting. I want this girl, I want her to be my Queen." nakangising sabi ko na ikinangise din nila Napatingin ulit ako sa litrato .
Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang mukha ng babaeng kausap nya.
"Who is this girl beside my Queen?" Tanong ko.
"Boss kapatid sya ni Tyron Sebastian Smith at ang magiging queen po natin nasa kamay po ng Black Knight Gang dahil sinundan po namin sila pagkaalis nila sa mall." tsk, kaya pala, kumikilos na din sila at nasa kanila pa ang napiling queen ko.
" We need to move. I want all of you to get that girl." utos ko sa kanila.
Maghintay ka lang Smith dahil ako ang magiging pinuno ng underground kasama ang magiging queen ng underground. Bwaaahahahah.
Skylie Ford POV:
Pumasok na ako sa room ng maaga iniwan ko yung mga donkeys na yun, hahaha bahala sila doon.
Pagkapasok ko napatingin sa akin ang mga kaklase ko mga 6 palang pero puro lalaki, tsk.
Hinayaan ko na lang at dumiretsyo sa upuan ko at nag nod sa upuan pero kumuha muna ako ng headset at nakikinig sa music wala pa naman si ma'am eh.
Maya maya naramdaman kong may kumakalabit sa akin pero hinayaan ko. Maya maya dumami na silang kumakalabit sa akin, ano bayan. Inangat ko ang ulo ko at nagkamot ng mata.
Napatingin ako sa harapan ko.
Putik!
Muntik na ako mahulog sa upuan ko dahil sa mga lalaking nasa harapan ko nandito na pala ang iba pero wala pa ang mga donkeys ko.
"Hi sky para sayo." sabi sa akin ng isang lalaki at binigay sa akin ang isang box na regalo at isang bulaklak.
"Huh? Para saan toh hindi ko naman birthday eh." takang sabi ko.
"Haha gusto kitang ligawan kaya sayo na toh. Kahit ayaw mo manliligaw parin ako." sabi nya at pinatong sa table ko ang bigay nya.
"Thank you." nakangiting sabi ko naikinapula sya.
Lumapit naman ang iba sa akin, napakamot ako ng batok."Ito sa akin sky." sabi ng isa pang lalaki at sunod sunod na sila halos mapuno na ang table ko sa kanila.
Ako naman todo salamat sa kanila nakakahiya naman.
Nang natapos na saktong dumating ang mga donkeys.
"Sky bakit di mo kami ginising tsaka ano yang nasa table mo?" Nakakunot noong tanong ni Eugene.
"Di naman kayo na late ah tsaka ito? bigay nila sa akin." sabi ko at tinuro yung mga kaklase namin na nag siyukuan ngayon.
"Tsk. Itapon mo yan." sabi ni Tyron.
"Ayaw ko nga, di ba kayo marunong mag appreciate ng bigay ng iba pwes ako marunong." sabi ko sa kanila at nilagay sa bag ko ang mga regalo buti kasya sya di ko nalang nilagay ang mga bulaklak sa bag dahil masisira sya.
Nagsiupuan naman sila zack tsk di ko sila pinapansin bahala sila dyan.
Ng matapos na ang klase namin mabilis akong lumabas at umalis dala dala ang bag ko.
"Sky wait lang!" Sigaw ni zack pero di ko sila pinansin bahala sila manigas kayo dyan hahahaha. Di naman ako galit sa kanila, pagtripan lang natin.
Habang naglalakad ako nakita ko si Matt Matt ang Butler/ kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...