Someone POV:
"Mga walang kwenta! Babae lang sya bakit di nyo magawang kunin sya!!" Bwisit ang dali dali lang inuutos ko.
"Pasensya na boss may kasama sya sa tingin ko kaibigan nya. Magaling po eh at bigla silang tumakbo ng mabilis kaya di namin nahabol." sabi ng isa kong tauhan.
"T*ng *na! Wala akong mapapala sa inyo ako na lang ang gagawa ng paraan para makuha ang sya." galit kong sabi sa kanila.
Makukuha din kita.
Tyron POV:
"Good morning sunshine!! hehehe." Napalingon kami kay sky dahil sa pagbati nya. Nakabihis na sya ng uniform.
Ang Ganda talaga kahit anong suot.
Lumapit sya sa amin at nagulat kami sa ginawa nya.
"Good morning Tyron."
"Good morning Eugene."
"Good morning Shan."
"Good morning zack."
"Good morning jayson."
Sabi nya at pinaghahalikan kami isa isa sa pisngi. Puta! Ok lang sana kung ako lang pero pati sa kanila mayroon.
"S-sky may na-nakain ka ba?" Nauutal na sabi ni zack.
Kahit ako nagtataka sa kinikilos nya dapat kasi sumisigaw o kaya galit.
"Ngek, di pa nga ako nakakain eh." sabi nya at nagpout, ang cute. Wait? Sinabi ko bang cute.
"Gusto ko choco milk." sabi nya. Pumunta kami sa kusina at nag umagahan.
Tsk. Itong mga kasama ko nakatingin sa kanya.
"Anong meron sky?" Tanong ni Shan.
"Huh? Wla naman hahaha." sabi nya at nagpatuloy sa pagkain.
Bumaba kami sa sasakyan namin at nagsimulang naglakad dipa ako nakakatatlong hakbang ng may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa humawak ng kamay ko.
"Sabay na tayo ah." sabi ni sky habang nakangite.
Yes si sky ang humawak sa kamay ko. Anong nangyayari sa kanya? Sana ganito na lang sya lagi.
"Ok." sabi ko.
"Yehey Thank you." nagulat ako sa ginawa nya dahil hinalikan nya ulit ako sa pisngi.
"Tara. Lalalalala~" kumakakanta nya at tumatalon talon habang nakahawak sa kamay ko.
"Yes naman. Nakascore na sya." tukso ni jayson kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Whaa sila ba?!" rinig kong tili, tsk.
"Ang cute nila?!"
"Bagay sila. Omygosh!"
"Eww, mas bagay kami ni baby tyron ko noh." maglandi tsk.
Pumasok na kami sa classroom at nagsiupo na.
"Sa tingin mo bakit naging ganyan sky?" Rinig kong tanong ni zack.
"Ewan ko nga eh, parang naging bubbly sya at masiyahin ngayon." sabi ni zack.
"Oyy ang pinag uusapan nyo sali naman ako. Dali na." singit ni sky, parang naging childish sya.
"Hahaha wala sky, ang cute mo ngayon araw." sabi ni jayson. Tsk.
"Talaga?!. Ayiiee ikaw ah may crush ka sa akin noh hehehe." tukso ni sky sa kanya. Subukan nya lang.
"Haha wala noh pero si leader Oo." Pagkasabi ni jayson nun ay yun naman ang pagdating ng prof namin.
Rinnnnnnng*
"Yehey recess na!!" Biglang tayo ni sky kaya napatingin naman sa kanya ang mga kaklase namin.
Bakit kasi ang dami ng kaklase naming lalaki?. Psh.
"Oppss sorry, peace" sabi nya napanganga naman ang classmate namin sa kanya pano naman kasi ang cute nya sa ginagawa nya.
Nagsilabasan naman ang kaklase namin kaya kami ang nahuling lumabas.
Humawak ulit sa akin si sky sa kamay ang lambot ng kamay nya."Si lead kinikilig na yan." tukso ni zack. Nilingon ko naman sya at sinabihan ng 'g*go'. Tinawanan lang nila ako.
Naglalakad kami ng bumitaw si sky ka pagkakahawak sa akin.
"Whaaaa Matt Matt." tili nya at tumakbo kay Matthew sumunod naman kami kay sky.
Nakita namin na niyakap niya si Matthew at hinalikan sa pisngi.
T*ng *na lang talaga ipapabogbog ko tong lalaki na to.
"Ano ba yan Skylie?." Sabi ni Matthew.
"Huhuhu galit ka sa akin. Nanamiss na kita eh, ayaw mo na ba sa akin huhuhu." iyak na sabi ni sky. Kumunot naman ang noo ni Matthew.
"Ok, ok ok wag ka ng umiyak sky.... Teka mayroon ka ba ngayon?" Takang tanong ni Matthew. Nagtaka naman kami sa tanong nya.
"Anong mayroon?" Balik na tanong ni sky.
"Shit! Mayroon ka nga." mura ni Matthew.
"Teka, ano ba ang nangyayari kay sky?." Tanong ni Shan kay Matthew, habang ako nakatingin lang sa kanila.
"Hahaha may period sya ngayon. May ginawa ba to sa iyo?." So, all this time may period lang sya kaya sya nagkakaganyan.
"Mayroon.. hinalikan nya kami kanina sa pisngi at nakipagholding hand kay Tyron at hinalikan nya ulit sa pisngi... yun lang." sabi naman ni jayson. Napangisi naman ako.
"The heck! Pagpasensyahin nyo muna toh ng isang araw mawawala naman yan bukas eh. Nakakalimutan nya naman yung mangyayari ngayon maliban na lang kung alalahanin niya." sabi nya.
Isang araw lang? Pwedeng araw araw na lang.
"Isang araw lang?... kung ganon dapat sulitin natin toh. Iba pala kapag magkaroon ng period si sky hahah." Tuwang sabi ni zack.
"Oyy Tara na wag na kayong mag ligawan dyan hahaha gutom na ako." nakapout na sabi ni sky kaya naglakad kami sumama na din Matthew.
"Anong gusto mo?." Tanong ko.
"Ikaw..... ayieee." sabi nito. The heck !!
"Hahahah lakas ng tama mo sky." sabi ni Eugene.
"Joke lang heheh gusto ko...." naputol ang sasabihin nya ng sumingit si Matthew.
"Gusto nyang vanilla na ice cream dahil may period sya." sabi nya. Sya ba ang tinanong ko.
"Oo, tama sya... Apir tayo hehehe." sabi ni sky at nag apiran sila. Kumuha na lang ako ng order nya. Maya maya nag sikain na kami.
(Skip)
Hinatid ko si sky sa kwarto. Kakatapos lang namin kumain ng dinner.
" Good night" nakangiting sabi ko. Sa kanya lang ako ngumite.
"Good night din. Sweet dream." sabi nya.
Napaatras ako sa gulat dahil hinalikan nya ako."Good night Tyron." Nakangiting sabi nya at pumasok sa kanyang kwarto.
Ako naman, nakatulala ako habang naglalakad papuntang kwarto ko. Sinarado ko ito.
Nahawak ako sa labi ko kung saan nya ako hinalikan. Napangite ako sa kawalan.
Yes!! Woohoo!!
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...