Chapter 6: ( Butler Matthew)

11.1K 405 3
                                    

Skylie POV:
  
Umuwi na ako sa bahay ko. Yes bahay KO. Ako lang ang nakatira dito ang parents ko ay namatay sa car accident , ang Lolo ko lang ang nag aalaga sa akin.

Pero bumukod ako dahil kaya ko naman mabuhay mag isa at nagtatrabaho naman ako. Nasa States ang Lolo ko dahil sa companies nya. Mayaman kami pero di ko pinapakailaman ang yaman namin.

Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama na katingin sa kisame. Naalala ko ang nangyari kanina,tsk. Sana karmahin sila. Pinikit ko ang mga mata ko at natulog💤💤💤.

(FAST FORWARD)
      
Knock* knock* knock*
Nagising ako dahil sa katok ng pinto ko.

"Mamaya na po. 5 minutes" sabi ko inaantok pa ako.

Knock* knock* knock *
      
Napabangon ako dahil sa katok. Teka, wala naman akong kasama dito sa bahay ah.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan na walang pag-aalinlangan.

"Surprise!!!" Sabi nya.

"What the! anong ginagawa mo dito, diba nasa States ka?" Sabi ko sa kanya at nag cross arm.

"Sus ang sabihin mo, namimiss mo lang si Butler Matthew at ako yun." nakangiting sabi ni Mathew. Yes! Siya ang nag iisa kong makulit na Butler slash best friend ko. Mas matanda sya ng dalawang taon, ako 17 sya 19 ang bata pa nya noh.

"Tsk. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Matt Matt nickname nya.

" Haha ang aga aga ang init ng ulo mo di ka parin nag babago." sabi nya pero sinamaan ko sya ng tingin.

" Okey okey. Pinadala ako ng Lolo mo para bantayan ka kahit saan ka pumunta." sabi nya

" Di ko kailangan ng bantay, di na ako bata." sabi ko sa kanya.

"Kahit anong sabihin mo di ako aalis dahil dito na ako titira." nakangiting sabi nya. Bwisit.

"Kaya magbihis kana dahil may pasok ka pa." Sabi pa nya..

Tsk pumasok ulit ako sa kwarto. Ng nagring ang phone ko tiningnan ko kung sino, si Lolo.

"Hello Lolo."  bungad ko sa kanya.

"[ Oh apo kamusta ka na? Nandyan na ba si Matthew?]" Tanong ni Lolo.

"I'm fine lo, at nandito na sya." sabi ko sa kanya.

"[ Dyan na sya titira sayo apo ah. Wag kang magagalit sa kanya. Ok? sige na bye apo]" sabi nya at binabaan ako. Hays.

Nag-ayos na ako ng sarili at sinuot na ang uniform namin dahil sigurado akong sesermonan ako ni Matt Matt. Wala na akong jacket dahil nakasampay pa ang lahat kaya ng sumbrero lang ako.

Lumabas na ako sa kwarto. Nagulat ako dahil bumungad sa akin ang nakangiting si Matthew na sout ang uniform namin.

"Bakit ka nagsuot ng ganyan huh?." Tanong ko sa kanya.

"Syempre papasok din ako tulad ng sabi ko kanina babantayan kita kahit saan ka pumunta." nakangiting sabi nya. Di ba sya nangangalay kakangite.

Na paroll eyes nalang ako at bumaba na ng hagdan at lumabas na ng bahay.

"Oy sakay na sky."  tawag sa akin ni Matt Matt. Wala na akong nagawa kaya sumakay na lang ako.

Pagkarating namin sa school bumaba agad kami.

Nakatingin dito ang mga istudyante , kung sa bagay gwapo naman itong si Matt.

"Ang gwapo ko talaga." sabi nya tapos tumingin sa akin. Ang hangin nya.

" Wait. Bakit ka may sumbrero huh? Tinatakpan mo ang magandang mukha mo eh." sabi nya at kinuha ang sumbrero ko.

"Akin na yan, baliw ka ba?!" Sabi ko at inaabot sa kanya ang sumbrero ko.

Ang haba ng kamay nya, bwesit.

" Akin na sabi eh!" sabi ko at inaabot parin kaso may kumuha ito sa kanya.

Ang mga kings?

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon