Skylie Ford POV:
Uwian na namin kaya mabilis akong lumabas.
"Sky sama kana sa akin." nakangiting sabi ni Aki, pumasok agad kasi sya/ kami ng matapos ko syang gamutin.
"Hindi na gusto kong maglakad lakad eh." sabi ko sa kanya.
"Ahh ok, gusto mong samahan na lang kita?." Tanong nya. Umiling ako, gusto kong mag isa.
"Ahh ok, see you tomorrow." nakangiting sabi nya. Kaya nag bye-bye ako sa kanya.
Kaya mag isa akong naglakad papuntang gate. Naglakad lakad ako sa gilid ng kalsada at tumingin tingin sa paligid. Ngayon lang ulit ako naglakad ah kasi lagi na akong sumakay kaila tyron. Wait..... bakit ko ba binanggit ang pangalan nya.
Habang naglalakad ako may nararamdaman akong may sumusunod sa akin kaya lumingon ako sa likod pero wala naman akong nakita. Nagkibit balikad nalang ako baga guni guni ko lang yun.
Naglakad ulit ako, maya maya may naramdaman ulit ako kaya napahinto ako at lumingon. Tarantado to ah.
May nakita akong pwede kong pagtaguan kaya nag tago ako at hihintayin ko syang lumabas. Nakarinig naman ako ng yapak.
"Shit! Ang bilis ng babaeng yun." rinig kong sabi nya.naramdaman kong malapit na sya sa pwesto ko kaya naghitay ako at lumabas ako.
"Hayaa!!." Sipa ko sa likod nya dahilan napatihaya sya, kinuha ko naman ang isang kamay nya at pinilipit patalikod.
"Ouch! p*ta! Aray ko! bitawan ko sky ako toh si Matt." sabi nya.
"Matt?." Paninigurado ko.
"Oo kaya bitawan muna ako ang sakit eh." sabi nya kaya binitawan ko at tinulungang syang tumayo.
"T*ng *na sky ang sadista mo talaga. Ang sakit ng likod ko, wag mo ngang gamitin ang pagiging black belter mo sa akin." sabi nya at nag e-istretch.
"Baliw ka pala eh, bakit kasi may patago tayo kapa? ano ka? spy lang ang peg mo tsong. Aba! Akala ko kasi holdaper, kidnapping or rapist pala ang sumusunod sa akin. Malay ko bang ikaw pala yun." sabi ko sa kanya.
"Sa gwapo kong toh holdaper,kidnapping or rapist ang tingin mo sa akin. Nako, di pwede yan sa akin." sabi nito.
"Ang yabang ang putik. Bakit ka ba kasi sumusunod na parang aso?. " Tanong ko.
"Pinagkukumpara mo ako sa aso?." Nanlalaking mata nya kunwaring nagulat tsk, kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Sabi ko nga, sasagot na ako ng maayos.... nakita kasi kitang lumabas ng gate na nag iisa kaya sinundan kita." nakangiting sabi nya.
"Tsk." yun na lang ang sinabi ko at nagsimulang maglakad ulit.
Mayroon akong nakitang park kaya pinuntahan ko at sinundan naman ako ni matt umupo ako sa duyan.
"Duyan mo ko Matt." sabi ko sa kanya kaya dinuyan nya ako.
"Sorry sky." rinig kong sabi ni matt sa likod ko, nagtaka naman ako sa kanya.
"Nakita ka nagsosorry? wala ka naman kasalanan sa akin." sabi ko habang nakatingin lang sa harapan.
"Nakita ko kasi ang nangyari kanina sa inyo ni tyron." sabi nya pa.
"Oh tapos." sabi ko.
"Sorry talaga kasalanan ko yun, ako ang nagsabi sa kuya mo na pagtripan muna si Tyron noong nasa airport tayo di ko naman alam na hahantong sa ganito eh." pag aamin nya sa akin kaya ako na mismo ang naghinto sa pagduyan nya sa akin. Nakayuko lang ako at tinitigan ang paa ko.
Naramdaman ko naman na pumunta sya sa harapan ko.
"Oyy, sky sorry na." sabi nya pero di ko sya pinansin at tumayo ako.
"S-sky sorry na, di ako sanay na ganyan ka sa akin." parang iiyak na sya sa akin kaya tumingala ako at nakita kong malapit na syang umiyak hahaha.
"Hahahaha mukha kang bakla. Tae, seryoso iiyak ka talaga sa akin hahahaha." tawang sabi ko sa kanya.
"Di ka galit?." Tanong nya.
"Baliw ka, bakit naman ako magagalit? Kung iniisip mo yung kanina wala na sa akin yun, di naman sya nagtanong sa akin kung totoo ang sinabi ni prince. Kaya pala tawa ka ng tawa eh dahil may ginawa kang kalokohan." sabi ko. Inakbayan naman nya ako.
"Oo eh hehe...Kahit na kasalanan ko parin yun. Tutulungan na lang kita na mag ayos kayo. " nakangiting sabi nya, Tinanggal ko yung kamay nya sa balikad ko.
"Hindi na, mapride yun eh." sabi ko.
"Sus, bahala ka. Tara una na tayo. " sabi nya at hinawakan nya ang wrist ko. Bumalik kami sa school dahil nandoon yung kotse nya.
Sumakay ako sa passenger at sya naman sa driver seat.
"Nga pala sasama ka ba sa trip sa sabado?" Tanong nya. Habang pinatakbo na ang kotse.
"Anong trip?" Tanong ko din sa kanya.
"Di ka nakikinig noh? May trip tayo sa sabado sa isang island daw at isang linggo daw tayo doon may service naman tayo eh" sabi nya, di ko alam yun ah lutang kasi ako kanina.
"Sasama ako, ikaw?" Tanong ko.
"Syempre kung sasama ka sasama din ako",sabi nya. Nandito na kami sa bahay kaya lumabas na ako ng kotse at pumasok sa loob ng bahay nakita ko naman na nakaupo si Prince na nakaupo sa may sala.
"Hi kuya", sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
"Oh how your day?" Tanong nya.
"Its a Bad day prince hahah", sabi ni Matt, siya ba nag tinatanong.
"Why?" Tanong naman ni prince. Umakyat nalang ako sa taas silang na lang ang mag usap.
Meet my kuya, Prince Ford mas matanda sya sa akin ng Isang taon, minsan ko lang sya tinatawag na kuya. Gwapo ang kuya ko actually may kuya pa akong dalawa. Kaya ayaw kong pumunta sila dito kasi sobrang kulit nila at napakaprotective sa akin syempre ako lang ang babae sa amin eh, sila ang sinasabi kong magkakasundo sila zack dahil may pagkamakulit sila.
May girlfriend na si kuya si ate lily mahal na mahal nila ang isa't isa. Kaya lang princess o baby ang tawag sa akin kasi ako ang bunso nila kaya ganon.
(Fast forward)
Bumaba ako ng dahil gabi na at nagugutom din ako. Nakita ko si kuya na papasok pa lang sa pinto, mukhang galing sa labas.
"Anong ginagawa mo sa labas?", Tanong kaya Napalingon sya sa akin na gulat.
"Ikaw pala Princess. May kinausap lang ako sa labas", sabi nya. Sino naman yun? Well di ako interested. Pumunta ako sa kusina para magluto at kumain kami.
"By the way kuya Prince, anong oras ang flight mo bukas?", Tanong ko sa kanya.
"4:30 Princess, why?", Tanong nya.
"Nothing", sabi ko sa kanya.
"Wag mo na akong samahan bukas, aalis na agad ako eh", sabi nya na medyo malungkot.
"Sige", sabi ko, si Matt tahimik lang nakikinig sa amin dahil ang atensyon nya nasa pagkain.
Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan namin, ang galing noh. Ako na nga ang nagluto ako pa ang maghuhugas hahaha.
Umakyat na ako at natulog.
Somebody POV:
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap sila sa park sinundan ko sila hanggang makauwi sila.Cring*cring~
Kinuha ko yung cellphone ko at sinagod ito.
"Yes?" Tanong ko sa kanilang linya.
"[Kamusta na sya?]", Tanong nya.
"Ok lang naman po sya at nakauwi ng maayos", sabi ko.
"[Ok, bantayan mo lagi sya ah, maliwanag ba? Gusto ko na syang makita]", Sabi nya.
"Babantayan ko sya at darating po ang tamang panahon para magkita kayo", nakangiting sabi ko. Binaba nya naman ang phone kaya umuwi na ako dahil nakauwi naman sya.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...