Somebody POV:
Cring* cring* ~
Tumayo muna ako at palihim na umalis sa bonfire, gabi na kasi eh. Lumayo ako at pumasok sa kagubatan para di nila marinig.
Sinagot ko ang tawag.
"Yes?" Sabi ko sa kabilang linya.
"[Kamusta ang trip at camping nyo?]" Tanong nya.
"Ok lang po. Bakit kayo napatawag?" Tanong ko.
"[Kamusta na sya?]" Tanong nya, bakit ba lagi nyang tinatanong toh.
"Wag kayong mag alala dahil ok lang sya." sabi ko.
"Aki?" Shit!
Skylie POV:
Nandito na naman kami sa bonfire at nag iihaw ng marshmallow my favorite hehehe.
Marami kaming ginagawang activity ngayong araw at pagod na pagod kaming lahat kaya may magandang balita ang guro namin.
"Dahil natapos na natin ang mga activity ngayong araw. May dalawang araw pa tayo dito kaya lahat ng gusto nyong gawin ay pwede nyo ng gawin simula bukas." Sabi ng guro namin kaya nagsihiyawan naman sila.
"Love swimming tayo bukas ah" nakangiting sabi ni tyron sa akin.
"Love?" Tanong ko sa kanya.
"Yes love?" Nakangiting tawag nya sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Anong pinagsasabi mong 'LOVE' thingky huh?" Tanong ko sa kanya.
"Call sign natin." sabi nya.
"Di pa nga tayo may call sign ka ng sinasabi dyan." umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Pa? So, ibig sabihin may balak kang sagutin ako? Well, dapat talaga ganon ang mangyari." sabi nya parang umiiba yung ugali nya ngayon, di lang kami nagkasama ng ilang araw ganito na sya. Ganito ba ang epekto ng selos nya? Hahaha.
"Wala akong sinabing ganon." sabi ko sa kanya.
"Pero mangyayari parin yun." sabi nya.
"Hahaha hayaan mo na yan sky, pagbigyan mo na yan." natatawang sabi ni zack.
"Buti nga nagkaayos na kayong dalawa, hahaha alam mo ba sky laging tulala yan si lead ng wala ka. Lakas ng tama nyan sayo eh." sabi ni jayson. Naparoll eyes naman ako.
"Oo nga, nahalata ko nga Pati bata pinagseselosan nya." sabi ko kaya nagsitawanan naman sila, nakisama din si Matthew buti di sya nasaktan sa akin. Alam kong may mas deserve pang babae sa kanya kaysa sa akin.
Nakita ko naman na parang kulang kami. Pinagsawalang bahala ko na lang at tumayo.
"Saan ka pupunta love?" Tanong sa akin ni Tyron sa akin.
"Magsi-CR lang ako." sabi ko.
"Sama ako love." loko talaga to.
"Sapak you want?" sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga maghihintay ako dito" sabi nya.
"Hahah iba ka sky, takot ang lead namin sayo." sabi ni Eugene, naalala ko tuloy si marian haha.
Umalis ako doon at nagCR pag katapos lumabas ako.
"Ok lang po. Bakit po kayo napatawag?" napahinto ako sa narinig ko kilala ko ang boses nayun kaya sinundan ko kung saan galing ang boses na yun. Pumasok ako sa kakahuyan at nakita ko si Aki na may kausap sa cellphone nya.
"Wag po kayong mag alala dahil ok lang siya." sabi nya. Sinong tinutukoy nyang SYA?
"Aki?" Bakit patanong ang tawag ko sa kanya. Timang lang sky.
Napalingon naman sya sa akin na parang namumutla ng nakita nya ako ay parang nabunutan sya ng tinik. Pinatay nya naman ang Cellphone nya di man lang nagpaalam.
"Ikaw pala sky. Kanina ka pa?" Nakangiting sabi nya.
"Hindi ngayon lang. Sino pala yung kausap mo?" Curious lang ako noh.
"Ah yun ba... ahm mama ko." sabi nya at nag kamot ng batok tapos naglakad naman sya palabas kaya sinundan ko.
"Mama mo? Di ka man lang nagpaalam haha pinatayan mo lang sya ng Cellphone. Tsaka sinong tinutukoy mong SYA.? Pasensya na narinig ko kanina eh." sabi ko, napabuntong hininga naman sya.
"Di ba alam mo namang isa akong transferee?" Sabi nya.
"Oh anong connect nun?" Tanong ko.
"Ang totoo nyan may dahilan kung bakit ako nag transfer." sabi nya.
"Ano?" Sabi ko. Lumapit naman sya sa akin tapos nilapit ang mukha nya sa akin at may binulong.
"Hjdhkgjghsskhs"
"Talaga?!" Gulat kong sabi. Hahahaha kaya pala.
"Oo kaya secret muna natin toh." sabi nya.
"Ahem!" Napatingin agad kami sa harapan at nakita kung ang sama ng aura ni Tyron.
"Akala ko Magsi-CR ka?" sabi nya parang nabulunan ako ng sarili kong laway.
"Tapos na." sabi ko.
"Eh, bakit mo kasama toh at anong secret na yun?" Tanong nya.
"Ahm pwede kong sabihin sa kanya?" Tanong ko kay Aki, tumango naman sya.
"Tyron lapit ka." sabi ko sa kanya.
"Ayaw ko nga." sabi nya
"Tyron." pagwawarning ko.
"Di Tyron ang pangalan ko." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.Hayst ako na nga lang.
Lumapit naman ako sa kanya kaya lang umatras sya.
"Ano ba tyron! Akala ko ba gusto mong malaman." sabi ko.
"Hindi Tyron ang pangalan ko." sabi nya, putik na yan. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Yung Call sign nayan lintek! sino ba kasi ang nagpauso nyan?
"L-love." sabi ko.
"Ano yun? di ko narinig." sabi nya. P*ta nang aasar ba toh?
"Love lapit ka kasi." sabi ko kaya ngumite naman sya at lumapit sa akin.
"Ano yun love?" Nakangising sabi nya at tumingin pa kay Aki.
"Wag mong ipagsasabi to ah." sabi ko kaya tumango naman sya kaya binulong ko sa kanya.
"What?! Hahaha kaya pala magkaparehas hahah wag kang mag alala di ko ipagsasabi." sabi nya kahit ako nagulat din ako at natuwa.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...