Chapter 55: ( Lukas and Luke )

4.1K 156 1
                                    

Skylie POV:

Nagising ako dahil sa mahihinang bulong pero di ko muna minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko din ang malambot na sa likod ko alam kong nasa kama ako.

"Mabuti at nakuha mo sya bal", rinig kong sabi ng isa.

"Ako pa, kailangan na natin syang tanghaling reyna sa madaling panahon", pamilyar ang boses na yun, alam kong si sir Luke yun.

"Alam ko bal kaya tinawagan ko ang lahat para dito at gaganapin ito sa underground", sabi pa ng isa.

Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang Puting kisame.

"Gising na pala ang reyna natin", Napatingin ako doon sa nagsalita at nakita ko si sir Luke at magkatabi syan na lalaki na kamukha nya. Sya ang kausap nya noong nasa mall kami.

Napaupo ako sa kama at tinanong sila.

"Saan ako?, Ano bang kailangan nyo sa akin?", Tanong ko sa kanila. Lumapit naman sila sa akin.

"Wag kayong lalapit sa akin allergic ako sa mga pangit", sabi ko pero sa totoo lang may itsura sila.

"Talaga lang huh?..", nakangising sabi ni sir Luke, tsk. Di bagay sa kanya.

"Ako si Lukas at kailangan ka namin para sa gangster world", nakangisi ding sabi ni Lukas di na ako magtataka sa kanila dahil alam kong kambal itong mga to.

"Para ano? Para maging reyna nyo? P*tang *na ayaw ko! Di ako papayag maghanap kayo ng iba", matapang na sabi ko hindi ako matatakot sa inyo.

"Matalas ang bibig mo Skylie, pero wala ka ng magagawa. Magpahinga ka muna dahil maya maya darating ang mag aayos sayo para sa coronation", sabi ni Lukas at lumabas sila. Hindi!! Tumayo ako at mabilis pumunta sa pinto at hinawakan ang door knob pero nakasarado ito.

"P*ta, Buksan nyo ito!!", Sigaw ko at pilit na binubuksan ang pinto.

"T*ng *na kapag di nyo to bubuksan sisirain ko tong pinto!!", Sabi ko at kinakalampag ang pintuan. Teka kaya ko bayun?

"Miss wag ka ng mag sayang ng oras dyan dahil mapapagod ka lang", rinig kong sabi sa labas, so may magbabantay pala sa labas.

"Kuya, parang awa nyo na buksan nyo tong pinto", sabi ko.

"Pasensya na miss pero di ikaw ang boss namin kaya di ka namin susundin hahaha", tawa ng nasa labas ng pagkain pinto.

"Mamamatay na sana kayo.", Sabi ko. Bumalik ako sa kama. Tyron na saan na kayo? Please bilisan nyo naman.

Teka may dala akong phone saan nayun. Tumayo ako at hinarap ko kung saan saan pero wala akong makita. Planado nila toh.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas Ito at nakita kong may apat na babaeng pumasok. Sila ata ang mag aayos sa akin.

"Ito ba ang aayusan natin", maarteng sabi ng isa.

"Siguro nga, dito kasi ang tinurong kwarto eh", sabi pa ng isa lumapit naman sila sa akin at pilit na pinalaupo sa upuan pero nagpupumiglas ako

"Ayaw ko!! Umalis kayo sa harapan ko!", Sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba girl? Pwede bang wag kang malikot sinasayang mo lang ang oras namin sayo", nainis ako sa tono ng pananalita nga ah

"Wala akong pake", sabi ko sa kanya at tatayo sana ng may humawak sa balikad ko at pinaupo ulit sa upuan.

"Hawakan nyo sya girls, ako na ang bahala sa pag aayos sa kanya", sabi ng maarteng to kaya hinawakan ako ng tatlo. Ginagalit nyo ako.

Hinawakan ko ang kamay ng dalawang humawak sa kamay ko at tiniwist ito para mabitawan nila ako.

Sinugod naman ako ng maarte toh sinangga ko ang suntok na paparating sa akin Sabay suntok sa tiyan nya kaya napaatras sya.

Naramdaman ko naman na may aatake sa likod ko, lumingon ako at sinipa sa dibdib wala akong paki kung babae pa sya ginalit nila ako.

Puwesto ako na parang nagkakarate.

"Sabi ko sa inyo na ayaw ko kaya wag nyo akong paki alam", sabi ko sa kanila.

"Anong nangyayari dito?", Napatingin kami sa pinto na may pumasok, mga nagbatay ito sa labas dahil naka itim silang suot na parang gangster.

"Itong babaeng ito nagmamatigas", turo sa akin ng isa kaya tumingin sa akin ang dalawang dumating.

"Sige kapag lumapit kayo sa akin mapupuruhan kayo", pananakot ko sa kanila ngunit ngise lang ang ganti nila sa akin

"Di mo kami matatakot miss, mas malakas kami sayo", sabi ng isang lalaki.

"Pasensyahan tayo", sabi ko at sinagot sila. Sinuntok ko ang isa pero umiwas sya pero di nya inaasan ang isa pang parating suntok.

May parating na suntok sa akin kaya nagbend ako Sabay sipa sa panga nya pataas kaya napavertical ang katawan ko sa ire.

"Ano suko na kayo?", nakangising Tanong ko.

Sabay Sabay silang sumugod sa akin, isa Laban sa anim. Di na masama.

Bogssh*

Pakkk*

Blaaaag*

Hinihingal na ako pero kaya ko pa sila, mabilis silang kumilos Basi sa galaw nila.

May humawak sa isa Kong kamay aambaan ko sya ng suntok pero may isa pang humawak nito at may humawak din sa dalawa kong paa. Di ako makagalaw dahil sa higpit ng pagkakahawak nila

"Bilisan nyo bago makawala itong babaeng to", sabi ng nasa Kaliwa ko.

Nakita ko naman na may kinuha ang isang babae na isang panyo. Alam ko na to, kaya binabaling baling ko ang ulo ko para di nila ipaamoy sa akin yun.

"Wag ka ng magmatigas babae, walang hiya ka pinagod mo kami.", sabi ng babae sa likod ko at hinila ang buhok ko, napapikit naman ako sa ginawa nya. Kapag ako nakawala dito uubusin ko ang buhok nya hanggang sa wala na ng natira.

May naamoy naman akong gamot kaya nanghina ang katawan ko at nakatulog ulit ako dahil sa gamot nayun.

Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon