Skylie Ford POV:
Pagkatapos ang nangyari kahapon ay nagpahinga na sila.
Linggo ngayon kaya bumaba ako para magluto ng agahan. Dumiretsyo ako sa kusina at binuksan ang refrigerator pero kumunot ang noo ko ng wala akong nakitang lulutiin. Tsk.
Gisingin ko kaya sila para mamalengke sa palengke na lang kami pupunta Hindi sa mamahaling lugar para makabili ng lulutuin dapat marunong din silang magtipid noh.
Dati kasi sinama ako ni mommy noong bata pa ako dapat daw, kahit na mayaman ka dapat marunong ka ding magtipid.
Kumuha ako ng dalawang takip ng kaldero, pangpagising hehehe.
Umakyat ako sa taas at nagbilang ako.
"1,2,3 Tinnnnnnnnng*" putik pati ako nabingi. Nagsilabasan naman silang lahat.
"Puta! Anong meron?" Mura ni Eugene. Aba aba aba ang aga aga nagmumura toh.
"Magbihis kayo may pupuntahan tayo." sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.
"Ikaw pala sky. Ang aga pa eh pwede mamaya na lang." reklamo ni zack ang hilig nitong magreklamo.
"Di pwede dapat ngayon na dahil may bibili tayo ng mga stock sa kusina." sabi ko naman.
"Ahh yun lang pala eh." sabi ni Shan.
"Sige magbibihis na kami." sabi naman ni jayson nagsipasok naman silang lahat maliban kay Tyron na nakatingin sa akin, tinaasan ko sya ng kilay.
"What?!" Mataray kong sabi.
"Do you have a period?." Nakakunot noo nyang tanong.
"Wala." sagot ko agad.
"Ok." sabi nya at pumasok sa kwarto nya. Bumaba naman ako at hinintay sila.
...
"Ang tagal nyo naman para kayong gagala sa tagal nyong magbihis." inis kong sabi.
"Ano kaba sky, syempre magpapapogi kami sa mga girls kung hindi kami mag-aayos ng mabuti baka ma turn off sila sa amin." pagyayabang ni zack, tsk babaero talaga tong donkey nato.
"FYI mga donkeys, bibili lang po tayo hindi gagala." sabi ko.
"Hahaha Tara na lang baka mag away away pa tayo dito." sabi ni Shan. Yes naman mabait na bata.
Sumakay naman kami sa van at si Jayson ang nagdadrive. Ako naman ang nagsabi ng direction sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta sky?" Tanong ni Eugene.
"Basta.... oyy liko mo dito at ipark mo lang dyan." sabi ko at huminto nya naman sa gilid.
"Anong lugar toh? Ang daming tao." tanong ni Shan.
"Palengke, kaya bumaba na kayo dyan." Sabi ko sa kanila at naunang bumaba. Bumaba naman silang lahat.
"Tang*na ang baho dito." hahah ang Arte naman nito, si Eugene yun.
"What the! Bakit dito mo kami dinala baka marumi dito lipat na lang tayo doon mga groceries malinis pa doon." sabi ni Tyron, Arte ah.
"Ang arte nyo ah, mas fresh ang mga bilihin dito at mura pa noh." Sabi ko may sasabihin pa sana sila ng sumingit ako.
"Oops opps aangal kayo, ang aangal hindi kakain." sabi ko kaya sumimangot sila. Naglakad ako at sumunod naman sila sa akin.
Pagpasok namin sa palengke maraming nakatingin sa amin or sa kasama ko hahaha pormahan kasi palengke naman ang pupuntahan.
"Ang baho talaga dito sky." reklamo ni jayson.
"Oo nga, tapos ang langsa pa." dugtong pa ni Shan. Sinamaan ko sila ng tingin may nakakarinig kaya.
"Manahimik nga kayo! Maraming nakatingin sa atin." sabi ko. Tumingin naman sila sa paligid kaya nahiya naman sila.
"Dapat pala di na ako pumurma." sabi ni zack.
Pumunta muna ako sa isdaan, tumitingin tingin lang ako.
"Ahm ale magkano po dito?." Tanong ko at tinuro ang bangus.
"Ahh 120 per kilo yan iha." sabi nya.
"Dalawang kilo ho." sabi ko at ngumite.
"Bibilihin mo iha?. Kay Ganda mong bata dapat di ka pumupunta sa ganitong lugar ang gagwapo pa naman ng mga kasama mo at mukhang di sanay sa ganitong lugar." sabi ni ale.
"Nako po, ok lang po yan sa kanila. Diba donkeys?" Sabi ko at tiningnan sila na 'sabihin nyong Oo'."Ha ha ha Oo ok lang po sa amin." Sabay sabi nila at tumawa pa ng peke. Ngumite naman ang tindira at ibinigay sa akin ang binili kong bangus.
Pumunta naman kami sa mga sariwang gulay.
"Oyy pumili kayo ng gulay." sabi ko sa kanila.
"Ayaw namin, ikaw na lang." sabi ni Eugene.
"Pipili kayo o kayo ang ibibinta ko at kayo ang pipiliin ng mga customer." sabi ko sa kanila, namutla naman kaya nagsipili sila.
Pipili naman pala eh.
Ng natapos kami sumakay na kami sa van.
"Sa susunod di na tayo babalik doon." sabi ni Tyron.
"At sinong nagsabi?" Sabi ko at tumingin sa kanya dahil magkatabi na kami ng upuan ngayon.
"Ako." sabi nya at nagkipagtitigan sa akin. Ako yun unang umiwas parang bumilis ang tibok ng puso ko.
Di kaya.....
No way! High way!
"Edi wag." sabi ko.
"Yes di na tayo babalik doon!." Tuwang sabi ng apat.
Ayaw talaga nila sa lugar na yun, well bahala sila naranasan naman nilang pumunta doon kaya ok lang.
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomansaPano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...