Skylie Ford POV:
"Hoy ihatid mo na ako." tawag ko sa kanya.
"Makahoy ka naman parang di mo ako kilala ah." sabi nya sa akin.
"Whatever, Butler kita kayo kung ano ang gusto kong itawag ko sayo yun na yun. Hmp." sabi ko sa kanya
"Bakit ka ba nagmamadali huh? Namimiss mo sya noh. Ikaw ah wala kang sinasabi sa akin." tukso nito sa akin. Anong pinagsasabi nito?
"Anong sinasabi mo dyan at Sinong tinutukoy mo?." Nakakunot kong tanong.
"Haha wala. Kumain ka muna maaga pa naman eh." sabi nya at binigyan ako ng Plato.
"Basta ihatid mo ako pagkatapos nito." sabi ko na ikinatango nya.
Kaya nagsandok ako ng kanin at ulam sabay kaming kumain.
Maya maya biglang syang nagsalita.
"Mag iingat ka lagi." seryosong sabi nya.
"Pst, akala mo naman may nagtatakang pumatay sa akin hahah." natatawang sabi ko.
"Haha bakit kasi ayaw mo sa akin sabihin mo kung bakit ka lumipat ng bahay?." Tanong nya.
"Nagtatrabaho kasi ako kayla Tyron bilang P.A nila." sabi ko.
Totoo naman yung eh di ko pwedeng sabihin sa kanya na sya ang dahilan kung bakit ako nasa sitwasyong ito. Baka sugudin nya lang sila Tyron noh.
"Nagtatrabaho? Eh may pera ka naman ah." Tanong nito.
Minsan gusto kong iuntog to sa pader daming tanong eh.
"Pst, tayo na tutal tapos na tayong kumain." sabi ko at tumayo.
"Ano?! Tayo na? Di ko alam na may gusto ka pala sa akin." nakangising sabi nito. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Baka gusto mong na malakasang suntok." sabi ko at hinahanda ang kamao ko.
"Hehe ito naman di mabiro ang sadista mo talaga kahit kailan." sabi nito at naunang naglakad sumabay naman ako sa kanya at sumakay sa kotse.
"Ok, dyan lang." sabi ko sa kanya kaya hininto nya ang kotse.
"Wow ang ganda at ang laki ah." mangha nyang sabi habang nakasilip sa salamin. Parang ngayon lang nakakita ng malaking bahay. Tsk.
"Ewan ko sayo, mukha kang abnormal." sabi ko sa kanya bumaba naman ako ng kotse at sinarado ito.
"Thank you ah." sarcastic nyang sabi.
"Welcome", nakangising sabi ko mukhang nainis naman sya sa akin hahaha.
"Naiinis ka ba sa akin?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Hehe Hindi po ma'am. Sige po aalis na mo ako." magalang na sabi nya at mabilis napinatakbo ang kotse. Hahaha takot pala yun eh.
Pumasok naman ako sa gate medyo madilim na ang kalangitan. Napatingin naman ako sa bahay bakit nakapatay yung ilaw? Ang aga naman ata nilang natulog ah. Well wala akong paki sa mga donkeys na yun.
Pumasok naman ako sa bahay, bubuksan ko sana ang ilaw ng may nagbukas nito.
"Saan ka galing?." nagulat ako sa malamig na tono ng nagsalita kaya na patingin ako sa harapan.
Sila Tyron habang nakaprenting nakaupo sa sofa. Akala ko tulog na sila.
Kaya inayos ka ang tayo ko bago sumagot.
"Sa bahay ko." simpleng sabi ko.
"Sino kasama mo?" Tanong ni Eugene.
"Si Matthew." sagot ko.
"Anong ginawa nyo?." Tanong ni Shan.
"Kumain." sagot ko ulit.
"Anong kinain nyo?" Tanong naman ni zack.
Kumunot yung noo ko sa kanila."Malamang pagkain." inis kong sabi.
"Sino nag hatid sayo huh?" Tanong naman ni jayson.
"Si Matthew. Teka bakit ba ang dami nyong tanong ha?" Tanong ko naman sa kanila ang seryoso nila kasi eh.
"Bakit ang tagal mong umuwi? Di ba ang sabi ko umuwi ka ng maaga." seryosong sabi naman ni Tyron.
Ano ba ang problema nila. Ako yung unang nagtanong ah.
"Wala, mayroon lang nangyari kanina sa daan." sabi ko at aakyat na.
Nakakailang hakbang pala ako nang may nang hila sa akin. Papuntang taas si Tyron lang pala.
"Oy oy oy bitawan mo nga ako." sabi ko sa kanya pero hinila nya ako sa papasok sa kwarto ko at sinarado ang pinto. Sinandal nya naman ako sa pader.
"Ano bang gi--" di ko natapos ang sasabihin ko ng hinalikan nya ako nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.
"Pinag alala mo ako ng subra." Sabi nya pero habang ako nakatulala parin sa ginawa nya.
"Para yan sa punishment mo hindi ka umuwi ng maaga." sabi nya. Natauhan lang ako ng sumarado ang pinto.
Napahawak ako sa labi ko.
Ang first.... ang first kiss ko nawala na lang bigla at ang isang Tyron Sebastian Smith pa ang kumuha.
........................
"Argh nakainis di ako makatulog." Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama bwiset!.
'Matulog ka na self. Kiss lang yun'
'Bakit nagustuhan mo ba ang kiss nya first mo kaya yun'
'Hindi pero sa totoo lang malambot naman yung labi nya eh'
Eww! Anong bang pinag iisip ko, nababaliw na ata ako.
"Bwisit talaga." sabi ko. Tumayo naman ako sa kama at bumaba papuntang kusina para uminom ng gatas.
Umupo ako sa upuan.
Iniisip ko bakit nya ako hinalikan?
Punishment ba yun? Siguro.... yun ang sabi nya ehSa pag iisip ko ng kung ano ano diko na malayan makatulog na pala ako💤💤
BINABASA MO ANG
Im the Queen of the 5 Gangster [BOOK 1] (COMPLETE)
RomancePano kung ang isang lider ng gangster ay mainlove sa babaeng transferee na subrang ganda? Lahat gagawin nya para mapasakanya lang ito at lahat ng lalaki na lumalapit sa transferee ay pinagsisilosan nya. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Skylie...