CHAPTER 1

17.8K 574 64
                                    


SHANAIZE'S POV

'Shanaize'

'Shanaize, pumunta ka dito'

'Kailangan ka ng mga tao'

'Shanaize, tanggapin mo kung sino ka'

'Ikaw lang ang makakapagligtas'

'Ngunit buhay mo ang kapalit'

Napabangon ako dahil sa panaginip ko! Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. This days, palaging may mga boses sa panaginip ko.

I'm Shanaize Valerie Connors, cold as ice. White as snow. No friends, no problems. No family, no happiness.

Tumingin ako sa wall clock. 7:00 na pala. May klase pa ako. Bumuntong-hininga muna ako saka ako tumayo.

Pumunta ako sa Banyo. Nakatira ako sa isang apartment, wala akong pamilya. Ako lang mag-isa, wala akong magulang. Ewan ko kung nasaan sila. Nagtratrabaho ako bilang isang waitress sa isang Restaurant para sa pamumuhay ko. Lumaki ako sa orphanage, ngunit may panahon talagang iiwan ka kaya't ako na mismo ang lumayo.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag toothbrush. Napatingin ako sa mata ko, hindi ko alam kung bakit kakaiba ang mga mata ko. Kulay Violet, tapos ang buhok ko pa, pa-iba iba ang kulay. Depende sa mood ko.

Kapag masaya ako tulad nung bata ako, mukhang ginto ito kung tingnan. Kapag malungkot naman ako at parang walang kabuhay-buhay, kulay puti ito katulad ngayon. Walang kabuhay-buhay mukhang patay. At may isa pang kulay ng buhok ko na kinatatakutan ko. Delikado ito at hindi ko gustong ipakita ito kaya't nanatili nalang akong walang kabuhay-buhay.

Pagkatapos kong nag tooth brush, nagbihis agad ako. All black, ganito ako. Naglagay muna ako ng contact lens para hindi nila makita ang kulay violet kong mata. Nilagyan ko muna ng cap ang ulo ko at itinago ang buhok ko, nagsuot pa ako ng hoodie at naka sweat pants. Tapos naglagay din ako ng mask na sapat na matabunan ang bibig at ilong ko, meron din akong bangs na hanggang ilong. Kasing puti ko ang snow at kasing lamig ko naman ang yelo.

Pero kinuha ko muna ang mask ko at kumain ng pandesal at kape. Ito palagi ang kinakain ko kapag umaga. Pagkatapos ay sinuot ko na ang mask ko.

Napatingin naman ako sa kwintas ko na nasa leeg ko ngayon. Ang sabi ng nag-alaga sa akin na ngayon ay nasa langit na ay nakita niya ako sa gubat, tapos may papel na doon nakalagay ang pangalan ko at meron din akong kwintas. Ang kwintas ay kulay sky blue na butterfly sa gitna at sa gilid nito ay may dalawang iceflakes.

Hindi ko ito hinuhubad dahil pakiramdam ko ay safe ako kapag suot ko ang kwintas na 'to.

Kinuha ko na ang bag ko saka ako lumabas sa apartment na nakayuko. Hindi ko gustong tingnan sila sa mata, baka magwala ang kaloob-looban ko.

Kakaiba ako at alam ko yun. Meron akong kapangyarihan ngunit hindi ko kayang tanggapin. Nung una, akala ko masaya pero habang tumatagal, hindi na. Kaya't gusto kong isumpa kung sino man ang nagbigay  sa akin ng kapangyarihan.

Alam kong hindi kapani-paniwala at para sa atin ay hindi ito nag e-exist pero totoo at ako mismo, meron.

Ilang minuto ang nakalipas ng nakarating ako sa University na pinapasukan ko, isa akong scholar sa Menhed University. Hindi sa pagmamayabang pero matalino ako, at feeling ko alam ko na lahat kahit na hindi pa ne lesson. Kusa nalang lalabas ang mga sagot sa bibig ko.

Pagkapasok ko palang ay agad na nagbubulungan. Sanay na akong pumasok ng ganito, nilalayuan at nilalait.

Malungkot pero masaya ako.

"Heto na naman ang weirdo!"
"Hahah! Ano kayang itsura niya? Sigurado akong panget kasi balot na balot ang katawan niya"
"Tapos scholar pa. Duh, I can't believe na makakapasok ang tulad niyang ganyan!"
"Oo nga tama ka!"
"Shhh, alis na nga tayo. Baka maging ganyan din tayo hahah"

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon