SHANAIZE'S (SERA) POV
Nandirito ako ngayon sa room. Minsan may nakatingin sa akin ang iba naman ay magbubulong-bulungan tapos may pasimpleng tingin sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako.
Dahil hindi naman daw papasok si Sir ngayon ay umob-ob nalang ako sa lamesa para matulog. Gulong-gulo na ako.
"Nalaman mo na Shanaize. Sana'y tanggapin mo"
Nandito ako sa Dream Land. Dito ko nalaman ang lahat, dito rin ako sinanay at kung paano gamitin ang mga kapangyarihan ko ngunit may iba talagang hindi ko makontrol. Ang nagsanay sa akin, hindi ko nakikita. Tanging pagsasalita niya lamang ang maririnig ko.
"Sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga? Bakit mo ako sinanay? Bakit mo nalalaman ang lahat ng ito? Bakit hindi ka magpakita sa akin?"
Tanong ko habang walang emosyong makikita sa mukha ko. Gusto ko siyang makita, kung anong itsura niya kung ano ako sa kanya.
Naramdaman ko ang isang malakas na enerhiya, napakalakas na hindi ko maintindihan. Kung ngayon ay madilim unti-unti na itong nagliliwanang hanggang sa natakpan ko ang mata ko dahil sa sinag.
Pagkatanggal ko ay nabigla ako sa nakita ko. Isang nakaputing bestida, may mahaba siyang kulay ginto na buhok, meron siyang korona na yari sa bulaklak pero wala siyang suot na sapatos o ano man. She's beautiful, a goddess.
"I-ikaw ang Nagsasalita sa i-isipan ko?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at tumango, namangha ako dahil hindi ko inisip na ganito kaganda ang taong bumabagabag sa isipan ko.
"Ako nga ito"
"Ano ka ba? Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ako? Ako ang dating Goddess of Creation" nangunot ang noo ko sa sinabi niya saka ako humakbang paatras.
Bakit palagi siyang nasa isipan ko kung gayon ay isa siyang Goddess Of Creation? Isa akong Goddess of Destruction kalaban niya ako.
"G-goddess of Creation?" utal na tanong ko at nakita kong napatango siya. Muli akong humakbang paatras, hindi! Hindi maari! Isa akong masamang tao! Bakit nandito siya sa harapan ko?
Unti-unti akong humakbang habang tanaw ko siyang nakangiti sa akin, habang umaatras ako ay siya ring unti-unti niyang pagkawala. Hindi ko kayang tingnan ang isang Goddess of Creation.
"Malalaman mo rin ang lahat Shanaize.
Hindi lang ito ang kailangan mong malaman
Hindi pa tayo nagtatapos
Marami ka pang malalaman
Nagsisimula pa lang tayo Shanaize
Malalaman at malalaman mo rin
Ang lahat. Lahat lahat"Matapos niyang sabihin yun ay unti-unting nawala ang liwanang, naguguluhan ako sa sinasabi niya. Nagsisimula palang? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan. Nanlalaki ang mata ko ng napagtanto kong naging madilim ang buong paligid. Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko makakita. Anong nangyari?
"Shanaize" tila nagtaas ang balahibo ko sa pagsasalita nito. Ito yung nakakakilabot na nagsasalita sa isipan ko.
Sino 'to? Ano na namang ginagawa niya sa isipan ko? Bakit na naman siya nagparamdam sa akin? Ano ba siya? Sino ba siya sa akin?
"Shanaize"
Pinaningkitan ko ng tingin ang isang pigura, unti-unti itong lumalapit sa akin at unti-unti ko ring nakikita ito. Pareho din kanina, napakalakas ng enerhiya niya.
Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. Sino to? Napakaganda niya ngunit ang aura niya'y nakakatakot. Nakasuot siya ng itim na bestida habang may tinik na korona ang ulo nito. Katulad sa Goddess of Creation, wala siyang suot na sapatos o ano.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...