CHAPTER 21

9.4K 390 9
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

"Wag kang lalapit sa akin!" sigaw ko ng nakita kong isang halimaw ang papalapit sa akin. Nahihirapan akong huminga at hindi ko alam kung paano ako makakalabas nito.

"Bakit mo ako papalayuin? Isa kadin namang halimaw at halimaw rin ako. Magkapareho tayo kaya't wag kang matakot sa akin" nakangising sabi nito sa akin. Umiling ako ng umiling hanggang sa tuluyan na nga itong nakalapit sa akin.

Sinusubukan kong ihakbang ang mga paa ko papaatras pero hindi nito kaya. Hindi nito kayang ihakbang ang mga paa ko papaatras. Anong nangyayari? Tiningnan ko ang paa ko at nabigla ako sa nakita ko. May kadena ito at tiningnan ko kung saan ito nanggaling ngunit masyado itong madilim kaya't hindi ko nakikita. Mukhang walang hangganan ang kadenang ito.

"Shanaize, isang kang halimaw na dapat na katakutan ng mga tao. Isa kang halimaw na pumapatay ng tao. Diba Shanaize? Tama naman ako diba" nakangising sabi nito sa akin.

May dalawa siyang sungay sa ulo niya at lima ang mata nito. May pakpak siya ng parang dragon at ang mga kamay nitong parang tigre, pati ang paa niya. May buntot din siya yung parang pangdemonyo.

"Hindi mo ba maalaa Shanaize? Pinatay mo ang pinakamalapit mong kaibigan, pinatay mo ang taga-alaga mo. Isa kang mamatay tao Shanaize, isa kang halimaw na katulad ko. Kaya't wag kang matakot sa akin dahil magkapareho lang tayo. Isa tayong halimaw"

Tumawa ito ng parang demonyo at hindi ko mapigilang hindi mainis. Nagagalit ako sa mga sinasabi niya, nagagalit ako sa bawat sasabihin nito sa akin. Nagagalit ako na isa akong katulad niya at tama siya dahil isa akong mamamatay tao, isang halimaw na dapat kamuhian.

Pero hindi ko naman sinasadya, hindi ko gustong mangyari ang lahat ng iyon noon. Hindi ko gustong namatay ang kaibigan ko, ang taga-alaga ko. Hindi ko gustong pinanganak akong hindi normal. Kasalanan ko ba? Masama ba akong tao? Masama ba ang hindi naman sinasadya ang ginawa ko noon?

"Hahahaha! Ano Shanaize? Hindi ka na ba natatakot sa akin? Sabay tayong lumabas dito. Alam ko kung anong klaseng lugar na ito. Sabay nating pamunuan ang buong magic world. Sabay nating patayin ang mga tao"

Nagagalit ko siyang tiningnan, oo nakapatay na ako pero hindi ibig sabihin nun masama akong tao. Ang sabi nga ng mga goddesses. Swerte ako dahil iba ako sa lahat ng kapangyarihang nandito. Iba ako sa lahat, at ako ang tagapagligtas. Ako ang dapat na sisira sa mga masasalang loob.

"At sa tingin mo papayag akong pamunuan mo ang buong magic world? Hindi ako kasingsama mo. Oo nakapatay na ako pero hindi ibig sabihin nun na masama akong tao. Aksidente lang ang nangyari noon, at hindi ko gusto ang nangyari noon"

Lumapit ito sa akin pero hindi ko kayang kumilos dahil sa kadenang nasa paa ko. Aaminin akong natatakot ako sa balak niyang gawin. Makikitang mas malakas pa ito sa akin.

"Anong sinabi mo Shanaize? Hindi mo sinasadya ang mga nangyari noon? Na aksidente lang ang lahat ng iyon? Nagpapatawa ka ba binibini? Hindi yun aksidente, ginawa mo talaga iyon. Sinadya mo!"

"Hindi ko nga sinasadya! Sino ka ba para sabihin sa akin yan?! Sino ka ba para pagsalitaan mo ako ng ganyan?! Bakit? Sa tingin mo natutuwa ako sa kapangyarihan ko?! Hindi! Hindi ako natutuwa. Hindi ako halimaw na isang katulad mo! Hindi mo nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko! Kaya huwag mo akong husgahan, huwag mo akong pagsalitaan na parang ako ang pinakamasamang tao sa mundo!"

Sa kaloob-looban ko gusto ko siyang patayin, suntukin. Gustong-gusto ko siyang saktan. Hingal na hingal ako matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Nakita kong napatawa siya kaya't mas lalo akng nainis.

"Nakakatawa kang panoorin habang sinasabi mo ang mga salitang iyon. Hay, ano pa nga ba ang magagawa ko? Lahat naman ng mga halimaw at mga masasamang tao ay tumatanggi sa mga mali nila para maligtas"

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon