CHAPTER 20

9.8K 412 37
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Deritso kong pinagmasdan ang limang taga dark user sa harap ko. Nakita kong napangisi sila pero seryoso lang akong nakatingin sa kanila.

"HAHAHAHAHAHAH!" isang malakas na tawa ang pinakawalan nilang lima. Nakita kong naguguluhan ang mga tao sa inaasta nila.

May lumabas na itim na usok at hindi ko sila makita, ng unti-unti na itong nawala ay napatingin ako sa limang taga Dark User. Akala ko mag-iiba ang mga mukha nila pero hindi pala, ganun padin ang mukha nila pero hindi ang kasuotan nila.

Kung kanina may kulay yung mga tela nila ngayon naman ay puros itim at pula. Nakita kong napaatras ang mga estudyante sa nakita nila. Hindi makapaniwala at nabigla.

"Isa silang, Dark User?"
"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko"
"Hindi ko akalaing, Dark User sila"

Tiningnan ko ng deristo silang lima na ngayon ay ang lawak ng ngiting nakatingin sa mga tao dito.

"Chosen 5"

Pagkasabi ko nun ay lumingon sila sa akin ng nakakunot ng noo, mukhang hindi nila inaasahan na kilala ko sila. Nakita kong nagkatinginan sila saka ako tiningnan.

"Paano mo nalaman na kami ay Chosen 5?" tanong nung babae na mukhang maldita. Tiningnan ko ito saka ako nag smirk.

"Wag mo ng alamin, delikado... " nakita kong napakunot ang noo nila pero unti-unti ay ngumisi sila.

"Alam mo Sera? Napapansin kong, iba ka sa mga estudyante dito. Yang pananamit mo, yang uri mo. Pati narin ang perosonality mo. Dito ka ba talaga karapatdapat?" tanong nung lalaki na nasa kaliwa nung nasa gitnang lalaki.

"Wag mo ng alamin, delikado... " sabi ko sa kanya. Nakita kong napakunot ang noo nito.

"Ano pang hinihintay natin? Tapusin na natin ang pakielamerang ito" sabi nung babae na nagsalita kanina. Tiningnan ko siya at kita kong napataas siya ng kilay.

Unang sumugod sa akin yung babaeng mukhang isip-bata. Kita kong may binulong siya at may lumabas sa kamay niyang itim na tubig. Mabilis niya itong tinapon sa akin, buti nga at mabilis akong nakapag teleport. Tiningnan ko ang itim na tubig at nakita kong napunta iyon sa pader.

Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante ng unti-unti itong nabutas. Nakita kong napangisi yung babae na mukhang isip-bata.

Napatingin ako sa kanya at mas lalong lumawak ang ngiti nito sa akin.

"Handa ka na bang, matunaw?" tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya.

Mabilis itong tumakbo papunta sa akin kaya't napaatras ako. Napatingin ako a butas na pader at doon ako pumunta.

May nakita akong lamesa na natumba kaya agad akong pumunta doon, naramdaman kong pumasok din ito. Mabuti dahil walang tao dito.

"Takot ka pala? Akala ko, ang lakas mo. Hindi pala hahahahaha! Lumabas ka dyan!"

Tiningnan ko ang mga lamesang natumba at maya-maya lang ay lumutang ito. Tumayo ako saka ko tiningnan yung babae, at kasabay don ang paghampas ng mga lamesa sa kanya.

Nakita kong nabigla ito pero mabilis niya itong tinira ng mga itim na tubig niya kaya't nabutas iyon. Nakita kong hingal na hingal ito.

Napangisi nalang ako sa naisip ko saka ko tiningnan isa-isa ang mga bagay na nandito at ang lahat ng iyon ay tinatapon ko sa babaeng nasa harapan ko.

Nakita kong nahirapan siya kaya't pumikit ako at pagkamulat ng mata ko ay nasa likod na ako nito. Napangisi ako saka ko mabilis na sinuntok ang likod nito. Pagkasuntok ko ay malakas siyang tumapon sa labas.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon