SHANAIZE'S (SERA) POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway matapos kong sabihin ang mga katagang iyon kay Brianna. Siguro naman alam na niya kong ano ang ibig kong sabihin. Akala niya siguro hindi ko alam na isa siyang Dark User. Sa susunod na may balak siyang gawin sa akin, wala na akong magagawa kundi ang kalabanin siya. Baka isang pitik lang. Patay na siya.
Tss.
Habang naglalakad ako ay pansin kong ang tahimik ng bawat sulok. Ang laki kasi sa cafeteria, at isa pa. Sigurado akong nandoon lahat ang mga estudyante.
Nanlaki ang mata kong may humila sa akin sa isang room. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
Nabigla ako ng isinandal niya ako sa pader. Inangat ko ang tingin ko at nabigla ako ng nakita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"K-kyldren?"
Ang leader ng royalties? Bakit niya ako hinila? Anong kailangan niya sa akin?
Mas nabigla ako ng nilapit niya ang mukha sa akin kaya't mas lalo kong sinandal ang ulo ko sa pader dahil ang lapit-lapit namin. Napakurap ako ng titig na titig siya sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ang katawan niya sa akin kaya't halos hindi ako makahinga. Itinapat niya sa akin ang daliri niya kaya't nangunot ang noo ko.
"Shh"
Sabi nito kaya't napatahimik nalang ako. Maya-maya ay nakarinig kami ng yapak, titingnan ko sana kung sino iyon ngunit ang lapit ng katawan niya sa akin kaya't hindi ako makakilos.
"Nakakainis yung Sera na yun!"
Nanliit ang mata kong napagtanto kung sino ang Boses na 'yon. Tss, Brianna ulit? Siya ba ang kaaway ko sa buhay?
"Nakakainis talaga! Akala niya siguro matatakot niya ako sa sinabi niya sa akin! Ha! Nagkakamali siya! Sisiguraduhin kong hindi siya masisikatan ng araw Bukas!"
Rinig ko pang sigaw niya dito. Alam kong walang makakarinig sa kanya kasi nga lahat ay nasa cafeteria. Pero, nandito ako. Rinig na rinig ang pinagsasabi niya. Hindi siya natakot sa sinabi ko? Gusto niya talagang may gagawin ako para matakot siya?
Tss.
Nakaramdam ako ng yapak na papaalis na siya. Hanggang sa wala na akong narinig. Nakahinga ako ng maluwag ng inilayo ni Kyldren ang katawan nito sa akin.
Tiningnan niya ako kaya't umiwas ako ng tingin. Tss, bakit niya ba kasi ginawa iyon? Pwede namang magtago nalang.
"I guess you're Sera?"
Tiningnan ko siya saka ako tumango. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin kaya't pinakita ko sa kanya ang walang emosyon kong mukha.
"You heard what Brianna said a while ago. What did you do to Brianna? And what will you do?"
"It's none of your business"
Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na sana siya ng bigla niya ulit akong hilain at isinandal sa pader. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
Nilapit niya ang mukha sa akin kaya't napasandal ulit ako lalo sa pader.
"I wonder what's your face behind that mask"
Sabi nito sa akin at mukhang sinusuri ang mukha ko kaya't napaiwas ako ng tingin. Nakakailang eh.
"Ugly." I said to him but he didn't react kaya't tumingin ako sa kanya. At halos lumuwa ang mata ko ng ang lapit ng mukha nito sa akin.
Mukhang sinusuri niya ako kaya't tinulak ko siya Kayat napalayo ito sa akin saka ko siya tiningnan ng seryoso.
"Sana'y hindi na tayo magtagpo" sabi ko sa kanya at tatalikuran na sana siya ng hinila niya ang hoodie ko kaya't nanlaki ang mata kong lumingon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...