CHAPTER 19

9.2K 388 31
                                    

HAILEY'S POV

Dinala ako ni Mico sa hindi ko alam na lugar at malakas niya akong binitawan kaya't napahawak ako sa kamay ko.

"What are you saying Hailey? You're breaking up with me dahil lang sa patingin-tingin ko kay Chelsey?" tiningnan ko siya ng masama si Mico saka ako humakbang papalapit sa kanya.

"Oh edi, umamin karin! Sumusulyap-sulyap karin? Bakit? Mas maganda ba siya sa akin ha? Mas, maputi? Ano?!" sigaw ko sa kanya. Napapikit ito ng mariin saka siya malungkot na tumingin sa akin.

"Don't be jealous Hailey. Wala lang naman yun sa akin eh, ikaw lang naman ang pinakamaganda at pinakamaputi sa akin. Mas lamang ka sa kanya kaya bawiin mo yung sinabi mong makikipag-break ka sa akin" sabi nito sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ako saka ko siya tiningnan ng deritso.

"Kasi naman eh! Ikaw! Bakit ka ba kasi tumitingin-tingin doon kay Chelsey? Ano ba ang meron sa kanya na wala sa akin?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong napalunok ito saka siya tumingin sa dibdib ko, nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya saka ko tinakpan ang dibdib ko at sinuntok siya sa balikat niya.

"Gago ka ha?! Porket mas malaki ang sa kanya titingin ka na sa iba? Ang bastos mo rin eh no?!" sigaw ko sa kanya.

Akalain mo yun?! Tumitingin-tingin siya kay Chelsey dahil sa dibib niyang malaki?! Alam ko namang maliit ang sa akin pero ipapamukha pa ba talaga niya sa akin?! Nakakainis na ah! Napipikon na ako!

"Ano?!" sigaw ko sa kanya ng nakita kong hindi siya umimik.

"Kahit naman, maliit yang sayo. Mas mahal naman kita eh, kaya 'wag ka nang magalit. Love? Please?" nakita kong nag puppy-eyes ito sa akin kaya't napangiwi ako saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Bahala ka na nga dyan!" sigaw ko sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya ng hinawakan niya ang kamay ko at mabilis niya akong siniil ng halik. Mga ilang minuto kaming ganoon hanggang sa siya ang unang bumitaw.

Nakita kong napangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Tayo lang ha? Walang magbre-break" sabi nito sa akin. Napakamot nalang ako sa batok ko saka ako tumango at mabilis niya naman akong niyakap.

Napahiwalay kaagad kami ng makarinig kami ng malakas na pagsabog. Ano yun?

GOLDIE'S POV

"Goldie? Bati na tayo please? Hindi ko gustong, ganito ang relasyon natin. Hindi ko gustong, mawala ka sa akin"

Tiningnan ko naman si John ng nakakunot ang noo. Anong nakain nito at ganito ito makapagsalita sa akin? Kapag kasi, nagsasalita ito may halong kamanyakan eh, bakit ngayon parang ang bait niya? Akala ko nga, i-re-rape niya ako sa galit eh.

"Tss. Kasalanan ko bang nagalit ako sayo?" tanong ko sa kanya. Nakita kong napailing ito.

"Kasalanan ko bang, nagseselos ako?" nakita ko ulit na napailing ito.

"Kasalanan ko bang, manyak ka?" nakita kong napailing ito kaya't napangiti ako ng palihim. Para siyang tuta dyan, na parang bata na ang sagot ay umiling lang.

"Oo aaminin kong, kasalanan ko. Pero naman Goldie wag mong bigyang kahulugan 'yun, ganoon naman ako talaga diba?"

Hinampas ko siya sa batok niya kaya't napahawak ito habang nakangusong nakatingin sa akin.

"Anong nakain mo at ganyan ka makaasta ha? Akala ko ba pagagalitan mo ako?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang napahinto ito sa Pagkamot sa batok niya at humakbang papalapit sa akin.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon