SHANAIZE'S (SERA) POV
Sa mga nagdaang araw na nakalipas. Palaging sumusunod sa akin si Kyldren sa kung saan, palagi siyang gumugulo sa akin. Palaging sumusulpot kung saan ako magpupunta. Hindi ko alam pero nakasanayan ko narin at kapag hindi siya mangugulo ay hinahanap ko siya. Mali na ba ito? Gusto kong suntukin ang aking sarili kong bakit ko siya hinahanap kapag wala siya. At kung meron naman siya ay parang buo na ang araw ko. Parang unti-unti na akong nahuhulog sa kanya at yun ang kasalanan ko. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya dahil hindi ako pwedeng magmahal.
"Hi Sera"
Napatingin ako doon at nakita ko si Chelsey. Yung Goddess of Creation. Hindi ako sumagot sa kanya at nakita kong napanguso siya.
"Tama nga sila, hindi ka nga sasagot. Bakit ba kasi?! Naiinis ako eh, alam mo ba? Ang cool mo tingnan kapag ganyan ang suot mo. Gusto ko ngang magsuot ng ganyan kaso baka papagalitan ako" sabi nito at tumawa.
Para siyang anghel kung makatawa. Tama nga sila, karapatdapat siyang maging Goddess of Creation. Isa siyang mabait na tao at dapat lang na respetuhin.
"Pwede bang humingi ng favor?" tanong nito sa akin. Nangunot ang noo ko pero kalaunan ay tumango ako. Nakita kong nagningning ang mata niya at dali siyang umangkla saakin.
"Alam mo bang gusto kitang lapitan pero nahihiya ako? Palagi kitang tinitingnan kapag nakikita kita. As in talaga, gusto kitang lapitan kaso lang pinipigilan ako ni Magenda. Wag mong sasabihin sa iba ha? Shh lang"
Tumango ako sa kanya.
"Hindi ko gusto si Magenda" napalingon ako sa kanya at nakita kong tumawa ito saka tumango-tango.
"Nakakainis kasi siya eh, palagi niya akong nilalapitan na hindi ko gusto. Palagi niya akong pinapagalitan kapag nag tre-traning kami tapos palagi siyang nagsasabi sa akin ng masasakit na salita. Na hindi daw ako katapatdapat dahil mahina daw ako. Aba! Ewan ko ba kung bakit ako ang napili bilang Goddess of Creation na mahina naman ako. Hindi kasi ako sanay sa pakikipaglaban dahil ayaw kong makasakit ng tao. Pero wala eh, ako talaga eh. Nung una nga nabigla ako na ako ang Goddess of Creation. Hasyt! Alam mo bang ang hirap maging Goddess of Creation? Lahat sinasanto ka na dahilan na hindi ko gusto. Lahat ginagalang ako kaya pakiramdam ko iba ako sa kanila? Alam mo? Naiisip ko nga na kung sana hindi ako Goddess of Creation hindi sana ako gingalang ng ganito, ganyan. Pero, hindi ko naman 'to matatanggi dahil ito talaga ang para sa akin kaya't wala na akong magagawa"
Naiintindihan ko siya dahil yun din ang nararamdaman ko pero hindi kami magkapareho. Siya sinasanto ako kinamumuhian, isa siyang mabait na tao ako hindi. Siya ang Goddess of Creation at ako ang Goddess of Destruction.
"Hala? Ang daldal ko na ba? Sorry ah, ganito lang kasi talaga ako. Komportable kasi ako sayo ewan ko kung bakit. Kasi ikaw, hindi ka katulad ng iba na sinasanto at ginagalang ako. Ikaw, wala kang pakialam kaya yun ang nagustuhan ko sayo. Hindi yung gusto na gusto ha? Yung gusto na yung basta!"
Napatawa nalang ako ng mahina dahil ang daldal nito. Hindi ko akalaing ganito pala ang ugali niya.
"Punta tayo sa garden. Ang ganda doon, ang sariwa ng hangin at makakapag relax ka talaga" hindi pa ako nakasagot ng hinila na niya ako kaya't wala na akong magagawa.
Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Sino bang hindi titingin na ang isang mesteryosa sa school ay kasama ng isang Goddess of Creation. Chismis na naman 'to.
"Hala sorry Sera kung hindi ka komportable ha? Pasensya na talaga kung ang daming tumitingin sa atin" bulong nito sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at siya naman ay patuloy na naglalakad.
Hanggang sa nakarating kami sa garden na sinasabi niya kaya't napatingin ako sa paligid. Tama nga siya ang ganda dito at mabuti dahil walang tao, sariwa ang hangin at makakapag relax ka talaga.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...