SHANAIZE'S (SERA) POV
"Narinig niyo ba ang balita?"
"Bakit ano daw?"
"Bumalik na daw sa dati ang Forest dito"
"What? What do you mean bumalik sa dati?"
"Ewan ko. Tingnan natin sa forest"
"Ngayon na?"
"Oo, ang dami kayang nandoon ngayon"Nagkibit-balikat akong naglalakad dito sa hallway. Anong ibig nilang sabihing bumalik na sa dati ang forest? Napahinto nalang ako sa nangyari sa akin kagabi.
Kung titingnan ko kaya ngayon? Hindi naman masama kung gusto kong malaman kung anong nangyayari. Napabuntong-hininga ako saka ako nagsimulang lumakad patungo sa forest.
Lahat ata ng mga estudyante dito ay yun ang usap-usapan. Kada daan ko, may tumatakbo patungo sa forest. Nakapamulsa akong naglakad patungo doon hanggang sa makaabot na ako.
Pagkadating ko ay ang daming estudyante dito, maski mga staffs nandito rin. Napatingin ako sa harap ng nakita ko ang mga royalties. Pati din sila nandito? Ano bang meron sa forest na iyan? Parang kagubatan lang naman.
"Tingnan mo ang mga dahon, naging mas mabuhay kesa noon"
"Oo nga, pati ang hangin dito normal"
"Pati nga din ang mga huni ng ibon"
"At hindi na siya kay dilim tulad noon"Napatingin ako sa mga dahon dito at tama nga naman. Nung nandito ako kagabi, puro kulay brown. Mga patay na dahon, pero ngayon ang ganda na. Napatingin ako sa grupo ng mga ibon na nasa sanga ngayon at parang ang saya nila.
"Tingnan mo, yung babae kagabi"
"Oo nga siya yun"
"Dapat natin siyang sambahin"
"Oo, dahil siya ang dahilan kung bakit bumalik ang kagubatan natin"
"Mga kasama!"
"Magpasalamat tayo sa kanya"Nangunot ang noo ko ng narinig kong usapan ng nga ibon sa sanga na nakatingin sa akin. Naiintindihan ko naman ang mga hayop kaya't naintindihan ko sila. Pero ako? Sasambahin nila? Nagpapatawa ba sila.
Nabigla ang lahat ng mga estudyante ng sabay-sabay lumipad ang mga ibon sa langit. Napatingin ako doon sa langit at nakita kong parang may binubuo sila, tama nga ako dahil isa iyon pakpak.
Pero mas nabigla ako ng tumingin sila sa akin at saka sabay silang lumipad papunta sa akin. Napaatras nalang ako habang sila ay patuloy na lumilipad papunta sa akin.
Tiningnan ko sila at nakita kong parang ang saya nila, umikot-ikot sila sa akin na para ba akong isa fairy o ano.
"Salamat aming Reyna"
"Isa kang mabuting tao"Mas lalong nangunot ang noo ko ng sinabi nila iyon sa akin. Reyna? Tss, hindi ako karapatdapat maging isang reyna.
"Hindi ako Reyna" sabi ko sa kanila. Mukhang nabigla sila dahil huminto sila at tumingin sa akin.
"Naiintindihan mo kami?" tanong nung isang kulay dilaw na ibon. Tumango ako bilang sagot at nakita kong ang saya nila.
"Wow! Ngayon lang kami nakatagpo ng isang katulad mo na makakaintindi sa amin! Sa wakas! May makakaintindi na sa amin!"
Parang bata na sabi nung isang maliit na ibon. Napangiti nalang ako sa hindi malaman na dahilan.
"Pero, paano mo kami Maiintindihan aming Reyna? Yan ba ang kapangyarihan mo?" tanong nung parang matanda na ibon.
"Hindi ako Reyna. Pero makakaintindi ako ng mga hayop" sabi ko sa kanila. Nakita kong namangha sila at sabay silang umikot sa akin.
Napangiti nalang ako habang pinagmasdan ko silang ang saya-saya. Pero napawi ang ngiti ko ng napagtanto kong lahat pala ng mga estudyante dito ay nakatingin sa akin, maski ang mga staffs. Para bang naguguluhan sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...