CHAPTER 27

9.3K 455 12
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Napahinto ng paglalakad ang hayop na ito kaya't napatingin ako sa harap ko. Namangha ako sa nakita ko, ang ganda.

Isang falls na may malinaw na tubig. Bumaba ako sa hayop na iyon at lumakad papunta sa falls. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda na falls. Parang gusto ko tuloy maligo. Hindi ko alam kung nasaang lugar na ako pero alam kong tama ang tinatahak kong daan patungo sa 'Lost Kingdom'.

Lumakad ako papunta doon saka ako lumuhod at ininom ang tubig. Napapikit ako ng malasahan ko ito, ang sarap. Tumingin ako sa langit pero wala akong makitang ulap dahil puro kahoy ang makikita ko.

Napaupo ako saka ko hinawakan ang kwintas ko. Kailan kaya ako makakarating? Kailan ako makakarating sa 'Lost Kingdom'. Tumingin ako sa hayop at nakita kong natutulog ito.

Dito nalang muna ako pansamantala, gusto ko munang magpahinga. Naalala ko ang mga kaibigan ko, sa mga nagdaang araw. Napatunayan kong nakahanap ako ng totoong kaibigan, kumusta na kaya sila? Ang Sparley Academy? Kumusta na kaya? Si Kyldren? Kumusta na kaya ang taong minahal ko?

Napatayo ako ng makarinig ako ng parang may kumaluskos. Pati ang hayop na kasama ko ay napatayo din at lumapit sa akin.

Nagpalinga-linga ako hanggang sa may nakita ako sa likod ng kahoy. Nabigla ako ng lumabas ito sa likod ng kahoy at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

Isang ahas! Tangina! Ang laki nito, pero nagtataka ako dahil bakit hindi ito tumitingin sa akin. Kundi sa hayop na nasa tabi ko, nabigla nalang ako ng pagtingin nito sa hayop na nasa tabi ko ay naging isang balahibo na ito.

Anong nangyari? Tumingin ako sa balahibo na lumilipad, bakit naging balahibo ang hayop na dala ko?

"Hmmm, sa wakas may makakain narin ako" sabi ng ahas. Hindi parin mag sink-in sa isip ko na nawala na ng basta-basta ang hayop na dinala ko.

Napakunot ako ng noo ng nakitang ang balahibo ay napunta sa katawan ng ahas. At doon ko napagtantong, ang daming balahibo sa katawan nito.

Pagkarating sa balahibo sa katawan ng ahas ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya sa katawan nito.

"Ang sarap" sabi nito, kung may balahibo na mapupunta sa katawan niya ay yun yun pagkain niya? Ahas siya pero may balahibo?

"Ikaw naman!" Lumingon ito sa akin at nagtama ang paningin namin. Napapikit nalang ako at hinintay na maging balahibo ako. Pero napamulat ako sa mata ko ng nakitang hindi ako naging balahibo.

Nakita kong naguguluhang nakatingin sa akin ang ahas, tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala.

"Paanong? Bakit hindi ka naging balahibo?!" Sigaw nito sa akin. Hindi ako umimik dahil ako rin, hindi ko alam kung bakit.

"Kapag tumitingin naman ako sa mata ay magiging balahibo! Pero ikaw, hindi ka naging balahibo! Isa lang ang ibig sabihin nito. Ikaw ang...."

Nabigla nalang ako ng mabilis siyang sumugod sa akin kaya't dali akong nagteleport papunta sa likod nito. Napatingin ako sa buntot nito ng akmang hahampasin ako ng agad kong iniharap ang mga palad ko at maya-maya lang ay ang mga vines dito ay hinihila na ang buntot sa ahas na ito.

Pero sadyang malakas ang ahas na ito ay winaksi lang niya ang mga vines na ginawa ko ay mabilis itong nasira. Tiningnan niya ako ng marahas kaya dali akong nag teleport papunta sa kahoy.

Mabilis kong iniharap ang palad ko sa falls saka ako pumikit. Pagkamulat ko ay naging malaki na ang tubig, itinuro ko ang ahas at kasabay doon amg paghampas nito sa ahas.

Hinawakan ko ang kahoy at pumikit. Pagkamulat ko ay unti-unting gumagapang ang mga sanga ng kahoy na ito papunta sa ahas na ngayon ay habol ang hininga.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon