EPILOGUE

13.1K 500 166
                                    

TIARA'S POV

Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa  statue ni Sera or si Shanaize dito sa Sparley Academy. Its been a year simula nung nawala siya, nung namatay siya. Nawala na ang mga kasamaan, namatay si Xenon at ang mga masasama naman ay nakalimutan ang pagiging masama nila at masaya kami don. Ito ang huli kong makita ang statue na ito kasi tapos na ang pagiging 4th year high school student ko. At sa pagbalik ko dito ay senior high na ako.

Ginawan ng statue si Sera bilang isang Goddess of the Universe dahil sa pagligtas nito sa amin. Pagkatapos kasi nung nangyaring pagligtas niya ay bigla siyang nawala, matapos nung pangyayaring nakakabulag na sinag ay wala na siya sa pwesto niya at hindi namin alam kung nasaan ang katawan nito.

Sariwa parin sa isipan ko ang nangyari kay Sera, kung paano niya niligtas ang buong Magic World. Hindi ko akalain na siya ang Goddess of the Universe. Hindi namin inaasahan ang nangyari noon.

"Tara na Tiara!" Napatingin ako doon at nakita ko si Kuya Trace. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako, tumingin siya sa statue na Sera at ngumiti.

"Isang taon na palang wala si Sera 'no? Siguro masaya na siya ngayon sa langit kasi nakagawa siya ng mabuti bago siya mamatay" tumango ako sa sinabi ni Trace.

Alam kong masaya na ngayon si Sera at alam ko rin na palagi siyang nasa tabi ko.

"Tara na Tiara, hinihintay na tayo ni Mama" tumango ako sa kanya. Pumikit ako at ngumiti saka ko tiningnan ang Statue ni Sera.

"Salamat ulit sa lahat ng ginawa mo Sera, at salamat dahil tinuring mo akong totoong kaibigan" sabi ko at bumuntong-hininga.

Tumingin na ako ni Kuya saka ako tumango. Nagpaalam muna ako nila Dani at Hellery bago kami umalis sa Sparley Academy. Tiningnan naming muli ang paaralan na ang dami naming pinagdaanan.

"Hanggang sa muli.."

GOLDIE'S POV

"John, punta muna tayo sa statue ni Sera. Bago ako umalis sa Sparley Academy gusto kong makita ang mukha niya" tumango sa akin si Babe kaya tinawag namin sila Denise na pumunta doon.

Sabay kaming pumunta doon sa statue na ginawa namin gamit ang kapangyarihan namin. Pagkadating namin doon ay saka kami ngumiti.

"Sera or should I say Shanaize, tapos na kami sa 4th year high school namin at kung buhay ka ngayon, sabay sana tayong magtapos. Pero wala ka na eh, salamat pala sa lahat Sera ah? Aalis muna kami sa Sparley babalik naman kami sa susunod na buwan" sabi ko at ngumiti.

"Sera, salamat sa ginawa mong pagligtas sa amin. At salamat dahil tinuring mo kaming kaibigan, I miss you and I love you" sabi ni Hailey.

"Thank you shanaize sa lahat, ang ganda pala ng totoong pangalan mo. Shanaize. Salamat sa lahat Shanaize ah? Palagi kang nasa puso't isipan namin" sabi ni Denise.

Sabay kaming ngumiti at saka namin tinalikuran ang statue ni Sera. Babalik na ako sa bahay namin at hindi na ako makapaghintay! Na mi-miss ko na sila Mom and Dad kahit na nakita ko sila kanina. Yiee, sigurado akong ang daming pagkain doon. Hehehe.

LAWRENCE'S POV

Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa langit.

"Hindi ko man lang nasabi na gusto kita Sera, tapos nawala ka" bumuntong-hininga ako.

Tinago ko ang naramdaman ko sa kanya. At sana hindi ko ginawa yon. Inis akong umupo.

Sasabihin ko naman talaga sa kanya ang nararamdaman ko noong nangyari ang ball. Pero talagang, hindi ako pinatapos.

KYLDREN'S POV

Aalis na ako sa Sparley Academy at pupunta kami ngayon sa Fire Kingdom ni Zina. Tumingin ako sa kanya saka ko siya nginitian.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon