TIARA'S POV
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nangyari kay Magenda at Sera. Si Magenda ay magaling na, isang araw din siyang nag stay sa clinic at pasalamat dahil ayos na siya ngayon. Nabigla talaga kaming lahat sa nangyari, lalo na nung sinabi ni Kyldren na gusto niya si Sera. I mean, paanong nangyari? Hindi naman namin sila nakikitang nag-uusap. Hindi namin sila nakikitang magkasama. Kaya't paanong nangyari?
Ang kumalat pala sa tsismis na totoo ay isa sa estudyante sa Section B. Nakita niya daw kasi na magkasama sila sa garden. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. At hanggang ngayon sariwa parin sa akin.
At nung nakita namin ang mukha ni Sera, ang ganda niya. Siya na ata ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Ang buhok niya ay bagay na bagay sa kanya, meron siyang matangos na ilong at manipis na labi. Hindi nga lang namin nakita ang mata niya dahil sa bangs nito. Pero sapat na yun para sa masabi na ang ganda niya talaga. Lalo na sa buhok niyang kumikinang.
"Nasaan na kaya si Sera? Dalawang araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang away nila ni Magenda" rinig kong tanong ng isa sa kaklase ko.
Ng nawala si Sera ay para kaming patay, iba. Nung nawala siya ay wala ng ka excite-excite. Aaminin kong namimiss ko siya kasi naging malapit ito sa akin.
"Tingnan niyo ang Forbidded Forest noon. Parang patay, bakit hindi na kasing kulay berde ang mga halaman noon?"
Napatingin naman ako sa labas at makikita ang Forbidden Forest noon. Tama siya, parang patay. Nagtataka nga kami kung bakit naging ganyan. Eh noon naman puros green ang makikita ngayon, mga patay na ang mga dahon. Pati mga ibon hindi na namin makikita.
"Baka bumalik yan bilang isang Forbidden Forest" sabi naman ng isa sa kaklase namin.
"Gaga! Pumunta tayo dyan kagabi. Oh? Buhay na buhay pa tayo at nakabalik tayo"
Nandito kami ngayon sa room at ang tahimik talaga. Hindi katulad noon na ang ingay, napatingin ako sa upuan ni Sera na ngayon ay bakante.
"Nasaan ka na ba Sera?" Tanong ko sa sarili ko. Na mimiss ko na siya, lalo na't wala akong kasama sa dorm at ako lang mag-isa.
Nagkarinig kami ng malakas na pagsabog kaya't napahawak ako sa ulo ko. Pareho kaming lahat na nabigla, anong nangyayari?
'ANNOUNCEMENT! DARK USERS ARE ATTACKING US! PLEASE GET READY AND TOGETHER WE WILL FIGHT THE DARK USERS!'
Mabilis kaming lumabas sa room at dali-daling pumunta labas ng building. Ng nakarating na kami sa baba ay parehong nanlalaki ang mata naming nakatingin sa apat na halimaw na nasa labas. Mabuti dahil may barrier kaya't hindi pa sila nakapasok.
Nakita din namin ang Royalties na nakikipaglaban sa mga halimaw. At ang iba naman ay pilit na pinatatag ang barrier.
Pareho kaming pumunta doon at pilit na pinatatag ang barrier. Ang mga kapangyarihan namin ay parehong iniharap sa barrier para mas maging matatag ito. Pero sadyang hindi namin kaya.
Napaupo ako ng makarinig kami ng malakas na pagsabog. Pagkatingin ko sa barrier ay nakita naming nasira ito. Napaatras kami ng makitang nakapasok na ang mga halimaw sa Sparley Academy. Bakit ba kasi ang paaralan namin ang palagi nilang sinusugod.
"HAHAHAHA!" isang nakabinging tawa ang narinig namin. Pareho kaming nagpalinga-linga at pilit na hinahanap kung saan nanggaling ang boses na 'yon.
Pareho kaming nabigla ng nakita namin ang hari ng Dark Kingdom. Nakangisi itong nakangisi sa amin, habang siya naman ay nakaupo sa ulo ng pinakamalaking halimaw.
"Magandang umaga! Nasorpresa ba kayo sa amin? Pasensya na ha? Meron lang kasi kaming hinahanap na hindi pa namin nakukuha"
Pareho kaming lahat na napatingin kay Chelsey na ngayon ay nakikita kong takot ito. Agad siyang pinapalibutan ng mga royalties dahilan para mapalingon ang hari ng dark kingdom doon.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...