SHANAIZE'S (SERA) POV
Ng sinabi ko ang mga katagang yun, mas lalong naging masama ang tingin niya sa akin. Nakita ko pang napakuyom siya ng kamao pero kalaunan ay ngumisi ito sa akin saka siya humakbang papalapit sa akin.
"Talaga? Paano mo naman nasabi? Nakikita ko ngang, isa kang mahinang nilalang. Wag mo kong kakalabanin Sera,dahil hindi mo ako kilala" sabi nito sa akin habang nakangising nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay saka ako lumapit sa kanya.
"Kilala kita Brianna, kilalang-kilala" sabi ko sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya saka siya pumapalpak.
"Ang galing! Kilala mo naman talaga ako eh. Ako lang naman ang Rank 2, pero 'yung dumating ka. Nawala! Ng dumating ka, nawala na parang bula! Ng dahil sayo! Hindi na ako naging rank 2!" sigaw nito sa akin habang dinuduro ako.
"Kasalanan ko bang, mas magaling ako kesa sayo? Kasalanan ko bang, ako ang nanalo at ikaw ang natalo"
Sabi ko sa kanya nakita kong mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kong anong sasabibin niya.
"At isa pa Brianna, hindi mo ba kayang tanggapin na mas magaling ako sa 'yo? Na naging rank 2 ako?" ng sinabi ko yun ay sinampal niya ako. Hindi naman masakit, wala akong nararamdamang sakit.
Tiningnan ko siya muli, pero hindi ko alam na andami na palang sumisilip sa bintana, mga estudyanteng chismosa. Akala ko pa naman nasa cafeteria sila.
"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan Sera! Dahil isa kang hamak na weirdo! May pa tago-tago ka pa ng mukha, akala mo naman maganda. Bakit, maganda ka ba?!"
"Mas mabuti ngang sa akin ay mukha ang tinatago. Eh ikaw, buong pagkatao mo, tinatago mo. Lahat ng nakapaligid sayo, niloloko mo" walang gana kong sabi sa kanya. Narinig kong mga bulung-bulungan dito.
"Ano daw?"
"Anong tinatago ni Brianna?"
"Bakit may tinatago si Brianna? "
"Anong tinatago niya sa atin?"Tumingin ako kay Brianna at nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. Sa tingin ko nga sa isipan nito, sinabunutan na ako at pinakain sa mga halimaw.
"Wag kayong maniwala sa kanya!" sigaw nito pero mas lalong naging malakas ang bulung-bulungan.
"Hindi niyo ba napapansin? Bakit puro nakaitim siya? Bakit hindi niya pinapakita sa atin ang mukha niya? Sino ba talaga siya? Ano ba talaga siya?"
Tiningnan ko siya ng walang emosyong makikita sa mukha. Pinapahamak ako neto eh.
"Isa ba talaga siyang Light User? Or... Dark User?" tanong ni Brianna.
Inilibot ko ang paningin ko, ang daming tao dito. Nagbulung-bulungan sila sa sinabi ni Brianna.
"Dark User?"
"Pwedeng maging Dark User din siya"
"Yes, posible nga"
"Kaya pala palagi siyang nakaitim"Tiningnan ko ng matalim si Brianna at nakita kong nakangisi ito sa akin. Lumapit ako sa kanya saka ko siya tiningnan ng seryoso.
"Ako ba talaga? O ikaw" naglaho ang ngiti niya at nakikita sa mukha niya'ng nabigla siya. Nakita kong napakagat siya ng ibabang labi niya habang nakatingin sa akin.
"A-anong pinagsasabi mo? Sa ganda'ng kong ito isa akong D-dark User? Ha! Inggit ka lang!" sigaw nito sa akin. But I can see na natatakot siya sa akin. Mas humakbang pa ako saka ko siya tiningnan ng seryoso.
"Inggit? Hindi ako naiinggit sa 'yo Brianna. Ang sabihin mo, natatakot ka na malaman ng lahat ng isa kang Dark User." walang ganang sabi ko sa kanya. Napangisi nalang Ko ng nakita ko ang takot sa mukha niya, tiningnan ko siya ng seryoso at nakita kong mas lalo siyang natakot.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...