SHANAIZE'S (SERA) POV
Nandito na kami ngayon sa harap ng gate ng Sparley Academy. Kasama ko si Tiara at ang kuya niyang si Trace. Dito din daw sila mag-aaral kasi nakapasa daw sila sa Exam.
"Yeyy!!! Excited na ako!" sabi ni Tiara sa unahan ko. Nakasuot parin ako ng all black, naka hoodie at naka sweat pants, nakasapatos din ako ng itim. Isa rin sa mga powers ko ang gumawa ng mga damit o ano pang kagamitan kaya't hindi na ako nahirapan na pumalit ng damit.
Naka maleta silang dalawa habang sa akin ay wala, sinabihan ko naman sila na hindi ko na kailangan ng damit dahil ako nalang ang gagawa ng paraan para makadamit. Kahit na nagpupumilit si Tiara ay napasunod ko rin siya. Ang sabi kasi niya ay yung damit daw niya ang susuotin ko pero sinabihan ko ng wag nalang.
Nanatili akong nakayuko. Pero tanaw ko naman ang daan, hindi makikita ang mukha ko dahil sa mask at bangs ko.
Nagsimula ng lumakad sila Tiara sa loob ng Academy, sumunod naman si Trace at panghuli ako.
Pagkapasok palang ay ang dami ng mga estudyante na nagkakalat. May napatingin pa sa akin, dahil siguro sa outfit ko na puro black.
"Girl? Mga newbie"
"Oo nga, ang gwapo nung lalaki"
"Pero yung babae na naka black oh. Ang weird"
"Tss, weak lang yan"
"Oo tama ka, baka isang pitik lang patay na yan"Hindi ko pinansin ang mga nagbubulong-bulungan. Ang mga kamay ko ay nakapasok sa bulsa ng sweat pants ko. Wala akong dala kung hindi itong damit ko, invitation at ang kwintas ko.
Naramdaman kong sumabay sa akin si Tiara habang si Trace naman ay patuloy na lumalakad.
"Grabeh, akala ko maganda ang academia na ito. Bakit nila pinakaelaman ang buhay ng iba?" rinig kong sabi nito saakin.
Alam ko naman na ang ibig niyang sabihin ay pinagchichismisan ako. Sanay nadin naman ako.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may napapatingin sa amin or should I say sa akin. Mga bulungan na nilalait ako, kesyo daw pangit kaya ganito ang suot ko, tapos weak daw.
Nakarating kami sa Headmaster's Office. Kumatok muna si Tiara tapos pagkatok niya ay automatic na bumukas ito. Namangha si Tiara pati na rin ako.
Pagkapasok naming tatlo ay may nakita kaming nakaupo na lalaki sa isang swivel chair habang nagbabasa ng kung ano.
'Headmaster Ked Molony'
Yan ang nakalagay sa harap niya. Pagtingin nito sa akin ay mukhang nasa 30's ito dahil sa medyo may pagkatanda na. Pero gwapo naman siya.
"Oh? You're the Newbie's?" tanong nito sa amin. Tumango si Tiara bilang sagot. Pinaupo niya muna kami.
Nakita kong napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo at mukhang sinusuri ako.
"Bakit hindi mo ipakita ang mukha mo Ija?" tanong nito sa akin.
"It's not Important" mukhang nabigla naman ito dahil sa kalamig ng boses ko. Hindi ko kayang ipakita ang mukha ko.
"O-oh, Ok" tumikhim muna siya bago ulit nagsalita.
"So? Just gave me your invitations so you can fill up this" sabi nito saka ibinigay sa amin ang isang papel. Kinuha namin iyon.
Ibinigay namin sa kanya ang invitation at finill-apan ko na ang papel. Pagkatapos ay ibinigay namin sa kanya.
"So? Let's start this. I'll give you your key dorm and your locker key, pati nadin ang magiging room niyo. Every dorm ay tatlo kayo"
Bakit may kasama pa?
"This is for you Trace Ty" sabi nito at may nilahad na isang envelope.
"For you Tiara Ty"
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...