SHANAIZE'S (SERA) POV
Napatingin ako sa mga royalties na ngayon ay nakatingin sa akin. Pati sa Magenda na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin.
Napatingin ako sa leader nila ng lumakad ito papunta sa akin habang nakatingin sa akin ng deristo, huminto ito sa harapan ko at tiningnan ako.
"Paano mo nalamang, isa siyang Dark User?" tanong nito sa akin. Nakita kong napalunok ang mga kasama niya dahil sa walang emosyong pagkatanong nito sa akin.
"Nakita kong gumamit siya ng Dark Magic" sabi ko sa kanya. Nakita kong napatango-tango siya at mukhang naniwala sa sinabi ko. Alam kong maling magsinungaling pero ngayon, kailangan ko talagang magsinungaling.
"Lets go na Kyldren. Wala na tayong mapapapala dyan, at sa witch na Brianna na yun" sabi ni Magenda at nakita kong ipinaikot niya ang mata niya.
Nakita kong parang nainis si Kyldren kasi hinawi niya ang kamay nito, pati nga kapatid niya parang hindi gusto ang bawat galaw nito.
"Ang landi masyado" rinig kong bulong ni Zina, ang kapatid ni Kyldren. Kahit na malayo ito sa akin, maririnig ko parin.
"Let's go" walang emosyong sabi ni Kyldren saka niya ako tinalikuran. Nakita ko pang pinanlakihan ako ng tingin ni Magenda saka niya tinuro si Kyldren senyales na sa kanya lang siya.
Edi sa kanya, wala naman akong balak na gustuhin yang leader na iyan. Nakita kong napangisi ito saka siya nag flip hair at umalis sa harapan ko.
Umiling-iling nalang ang mga kamyembro niya habang si Zina ay nakangiting nakatingin sa akin kaya't nangunot ang noo ko.
"Bagay sila ni kuya" rinig kong bulong nito habang nakatingin sa akin. Napailing nalang ako saka ako bumalik sa upuan ko at umupo.
Saktong pag-upo ko ay tuluyan ng umalis ang mga royalties. Ng umalis sila ay napuno ng bulung-bulungan dito.
"Witch pala si Brianna"
"Akala ko isa siyang Light User"
"Oo nga, hindi kasi halata eh"
"Para ngang imposible"
"Crush ko pa naman siya"Mga bulung-bulungan nila. Napailing nalang ako saka ako umob-ob. Siya ang prinsesa ng Dark Kingdom? Ano yung Chosen 5?
Dahil sa andami kong iniisip ay hindi ako makatulog dito. Dumating narin ang adviser namin. Nangunot ang noo ko kung bakit ang adviser namin ang nandito.
"Good Afternoon Class, next week will be the Masquerade Ball. Please wear a gown that fits you and also a Mask. Kailangan niyong pumunta sa Ball for points sa lahat ng subjects niyo. It will be 50 points. In the Ball, there will be a 'Magic Ball Winners'. Ang pinakamaganda sa Ball next week at pinakagwapo ang magiging 'Magic Ball Winners'. And the winners will be 100 points. Remember, dapat ang kasuotan niyo ay may koneksyon sa kapangyarihan niyo. I hope you will participate. That's all thank you."
Ang sabi ng Adviser namin, there will be a points kung pupunta? Pwede namang hindi ako pupunta total wala naman akong pake sa points.
Ng umalis ang teacher namin ay napuno ng hiyawan at tilian ang mga tao dito.
"Kyahhh!! Sana manalo ako"
"Last year ay si Princess Magenda at Prince Keifer ang nanalo diba?"
"Wag kang mag-alala tatlo ang pipiliing manalo"
"Ang sabi ng ball natin ay dapat daw may connection sa powers natin"
"Kyahh! I'm so excited na!"Yan ang mga naririnig kong tilian dito. Napailing nalang ako saka ako umob-ob. Walang kwenta.
"Pupunta ka ba sa Ball?"
Napaangat ako ng tingin saka ako tiningnan ng bored ang katabi ko. Nandito na pala 'to.
"No" sabi ko kay Lawrence saka ako umob-ob ulit. Walang kwenta yang ball² nayan. Masyadong delikado para sa akin ang makisabay sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...