CHAPTER 7

10.2K 430 34
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Naglakad ako patungo sa gitna ng battle area. Ng nakarating na ako doon ay nakita ko kaagad si Brianna na nakangiti sa akin, alam ko din namang peke iyon.

Meron ng barrier na nakapalibot sa amin, at nakapamulsa akong nakatingin sa kanya habang siya ay nilalaro ang buhok niya.

Ng nag 'go' na ay kita kong ngumisi ito sa akin. Nagtaka ako kung bakit hindi niya ginagamit ang 'stealing'. Lumakad siya papunta sa akin saka siya ngumiti.

"Hindi ka lang ba lalaban diyan Sera?" tanong nito sa akin habang ngumingiti. Hindi ako sumagot bagkus ay pinakiramdam kong ano ang balak niyang gawin.

Hindi naman kami maririnig kasi may barrier na nakapalibot dito. Tanging kami lang talaga.

Agad akong umiwas ng akmang hawakan niya ako. Para bang may nagtulak sa akin na dapat iwasan ang bawat paghawak niya sa akin.

Mukhang alam ko na ang power niya. Kapag hahawakan ka niya ay ma ste-steal niya ang half na powers mo. Tss.

Nakita kong sumeryoso ito at inambahan ako ng suntok, tanging iwas lang ang ginawa ko. Nilibot ko ang paningin ko pero wala namang mga gamit dito para gamitin ang Telekenis ko. Except....

Tiningnan ko si Brianna at maya-maya lang ay nakita kong lumutang ito. Napasmirk nalang ako sa ginawa ko habang siya ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Pero nakita kong ngumisi ito at Iniharap sa akin ang palad niya, nabigla nalang ako ng lumutang din ako.

Ahh, so para hindi pagkamalan na 'stealing' ang power niya ay magka-copy nalang siya ng mga kapangyarihan. Mahusay.

Copycat.

Inambahan niya ako ng suntok pero umiwas ako, inambahan ko siya ng suntok pero agad din siyang umiwas.

Nag-aaway kami habang lumilipad. Maya-maya lang ay ipinikit ko ang mata ko at nakita kong hindi na siya lumilipad.

Ibinaba niya rin ako kasi nga diba, kinacopy niya ang mga ginagawa ko. Pinakiramdam namin ang sarili namin, maya maya lang ay bigla siyang tumakbo papunta sa akin kaya't pumikit ako, pagkamulat ko ay nasa likod na ako sa kanya.

"At your back"

Mukhang hindi niya inaasahan na nasa likod niya ako, kaya't bago pa siya lumingon sa akin ay pinatid ko ang paa niya kaya't napaluhod siya. Nag teleport ako papunta sa harapan niya at agad ko siyang sinipa sa tiyan niya kaya't napahiga siya.

Nakita kong napakuyom siya ng kamao, pumikit ito at maya-maya lang ay may kinuha siya sa likod niya, isa itong ballpen pero nung pri-ness niya ito ay naging espada ito. Tumayo ito habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Akala ko Telekenis lang ang meron ka, hindi pala" sabi nito at sumugod sa akin. Todo iwas ako sa kanya.

Nag teleport ako sa likod niya at agad ko siyang sinuntok sa braso niya kaya't lumingon ito sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at sinugod ako.

Nakalimutan ko, meron pala akong needle.

Todo iwas ako sa kanya habang siya naman ay todo sugod sa akin. Mukhang nainis na siya.

THIRD PERSON'S POV

"Bakit ba puro iwas siya?"
"Oo nga"

Sabi ng mga estudyanteng nanonood sa kanila. Habang ang taga section D naman ay seryosong nakatingin sa labanan.

"Akala ko Telekenis lang ang powers niya"
"Marunong din pala siyang mag teleport"
"Napaka misteryosa niya"

Sabi ng mga taga section D.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon