HAILEY'S POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria nakatingin sa Goddess of Creation, ang pangalan niya ay Chelsey. Hindi parin ako makapaniwala na totoong nahanap na siya. Kasama siya ngayon sa mga royalties. Pansin ko ring panay tingin nila Draey kay Chelsey. Ang ganda niya kasi, sino bang hindi mapapatingin?
Napatingin naman ako kay Mico na katabi ko ngayon, kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap niya kay Chelsey. Napatingin naman ako nila John at Finn at ganun din sila.
Mukhang napansin din iyon nila Goldie kaya't sabay kaming napatango at malakas na tumayo. Napatingin naman sila Mico sa amin pero hindi namin sila pinansin.
"Saan kayo pupunta Love?" tanong sa akin ni Mico. Nilingon ko siya saka ako nagtaas ng kilay.
"Anong pake mo. Ikaw nga panay tingin ni Chelsey, tinanong ba kita?" sabi ko sa kanya. Nakita kong nagkatinginan sila ni John at Finn at sabay silang tumayo.
"Teka lang, Hindi naman kami tumitingin eh" sabi ni Finn kay Denise.
"Sinungaling! Dyan lang kayo! Wag kayong sumunod sa amin kung hindi. Mapapatay ko talaga kayo!" sabi ni Denise saka siya umunang lumakad. Inirapan ko pa si Mico saka ako naglakad rin.
Pansin kong napatingin sa amin ang mga estudyante, kami kasi ay isang sikat na couples. Lahat ata ng mga estudyante dito, support sa amin.
"Nag-away sila?"
"Anong nangyari?"
"Rinig kong dahil kay Chelsey"
"Ang ganda niya kasi"Napahinto ako sa isang lamesa na nay nagbubulungan saka ko sila tiningnan ng walang reaksyon.
"Pwede ba? Kung magbubulung-bulungan kayo, wag niyong ipaparinig sa amin. Sa harapan pa talaga namin. Mga chismosa" sabi ko sa kanila saka ako nagpatuloy na lumakad.
"OMG! First time kong nakitang ganyan siya"
"Yes, galit na galit talaga siya"
"Oo nga, ganyan pala siya magalit"Nilingon ko ulit sila at nakita kong napahawak sila sa bibig nila kaya't sinamaan ko sila ng tingin saka ako lumakad ulit. Nakakainis yang Chelsey na yan ha! Nagagalit na ako!
Pumunta kami sa room at pabagsak kaming umupo. Walang tao dito kasi nasa cafeteria ang kaklase namin. Nagkibit-balikat nalang ako saka ko inalala ang mukha na Mico habang sumusulyap kay Chelsey.
"Arghhh!!! Nakakainis!" sigaw ko saka ako bumuntong-hininga. Napalingon ako nila Goldie at kita kong ang pangit ng mukha nila. Sigurado akong inisiip nila ang nangyari kanina.
"Bakit ba kasi ang ganda niya?!" inis na sabi ni Goldie saka siya kumain ng chips. Dinala niya talaga dito ang kinain niya kanina sa cafeteria.
"Alam ko namang maganda siya eh, pero kasi yung mga boyfriend natin palaging sumusulyap. Ano? Ipapalit nila tayo sa Chelsey na 'yan?!" inis na sabi ni Denise saka niya ginulo ang buhok nito.
"Oo nga, nakita ko si Mico na palaging sumusulyap sa Chelsey nayun. Nakakainis! Tapos yung mukha niya! Arghh! Nakakainis talaga kapag inalala ko ang mukha niya. Tangina girls! Parang may mga bituing nagniningning doon. Aish!" inis na sabi ko.
"Oo nga! Pati si John. Alam ko namang mahilig yun sa babae pero nung naging kami ay nagbago na siya at ako lang ang tinitingnan niya, pero nung dumating ang Chelsey na yan! Nakakainis! Parang nagbalik tuloy siya sa pagkamanyak niya! Yung mukha talaga niya! Gusto kong ilampaso sa sahig!" sabi naman ni Goldie.
"Tss, eh yung si Finn? Kinakausap ko siya kanina. Tapos puro tango ang sinasagot niya. Tinanong ko, anong mas gusto mong kaninin. Ito o ito? Tapos anong sagot niya? Tango! Tango tangina! Anong tango?! Gago ba siya! Nakakainis!"
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...