SHANAIZE'S POV
Umuwi ako ng dahil sa nangyari kanina. Hindi ko kayang harapin ang mga estudyante doon dahil sa ginawa ko. Ala-una ng umaga pero hindi parin ako makatulog. Nag iba-iba rin ang kulay ng buhok ko pero hindi naman ako masaya para maging kulay ginto ito mas okay na sana kung kulay blue lang pero nag iba-iba na.
Napabangon nalang ako sa hindi malaman na rason. May bumubulong sa akin pero hindi ko iyon maintindihan. Hindi masyadong klaro ang sinasabi nito.
Kusa nalang tumayo ang mga balahibo ko ng marinig ang kakaibang boses. Hindi yung boses na palaging naririnig, iba ito. Nakakakilabot.
'Kailangan ka ng mundo mo'
Pareho sila ng sinasabi nung isang boses pero ito, iba. Nakakatakot, pareho silang boses babae pero iba. Ibang-iba.
Napatayo nalang ako mula sa pagkakahiga ko. Nakita kong lumiwanag ang kwintas ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May parang itinuturo sa akin ang kwintas. Napatingin ako doon, pero madilim hindi ko makita.
Dahil sa kuryosidad ko ay sinuot ko ang tsinelas ko saka ako naglakad patungo sa tinuturo doon. As usual, nagsoot ako ng itim na hoodie, itim na sweat pants, nakamask din ako.
Nasa labas na ako ng apartment at ramdam ko ang lamig ng hangin. Hindi ko nalang iyon pinansin at tiningnan yung itinuturo sa akin ng kwintas. Naging kulay blue ang kwintas ko at mas naging malakas ang ilaw.
Pumunta ako doon sa itinuro niya, mga ilang oras na rin akong naglalakad pero patuloy parin ako sa pagsunod ng ilaw. Hanggang sa napansin kong nasa kagubatan ako.
Tanging dinig ng mga inaapakan kong mga dahon ang naririnig at nga huni ng ibon na parang kakaiba.
Napalingon ako sa taas, ang daming mga stars. Ang paborito ko talaga sa lahat ay ang mga bituin, bata palang ako parang tinatawag na ako nito.
Nabaling ang atensyon ko sa isang uwak na may pulang mata na nakatingin sa direksyon ko. Para bang may gusto siyang sabihin. Pero hindi siya nagsasalita at nanatiling nakatingin sa akin.
Hindi ko alam pero naiintindihan ko ang mga hayop. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila. At alam kong may sasabihin sa akin ang uwak na ito pero hindi niya kayang sabihin sa akin.
Tiningnan ko muna ito at tumingin sa daan na tinatahak ko. Maya-maya lang ay tumigil ako sa isang malaking puno. Sa mismong harap ng malaking puno, nawala narin ang ilaw mula sa kwintas ko.
Tinitingnan ko lang iyon pero nangunot ang noo kong nakita ang uwak sa isang sanga sa kahoy. Yun yung kaninang uwak na nakatingin sa akin.
'Pumasok ka'
Nabigla ako ng nagsalita ito sa isipan ko. Ang boses niya ay isang panglalaki. Kakaiba, nakakakilabot.
"Paano?" Tanong ko sa kanya. Pero nakatitig lang siya sa akin at parang sinasabi na sumunod nalang ako.
Tiningnan ko ang puno na nasa harapan ko. Tiningnan ko ang kamay ko saka ko hinawakan ang puno pero nabigla ako ng lumusot ito at parang hinihigop ako.
"Portal" bulong ko. Isa itong portal, hindi ko akalain na totoo pala ito.
Unti-unti na akong hinihigop ng puno at tiningnan ko muna ang uwak na nakatingin sa akin.
Bago ako tuluyang makapasok ay nagsalita ito na nagbigay ng kilabot sa akin.
'Sa pagdarating mo doon,
Buhay ang kapalit'Naradaman ko nalang na umikot ng paningin ko. Nagpa ikot-ikot ako at inaamin kong nakakasakit sa ulo. Napapikit nalang ako.
Ng naramdaman kong hindi na ako nahihilo ay binuksan ko ang mga mata ko, nasa gubat parin ako pero kakaiba. Hindi ito ang mundo ng mga tao. Pati ang hangin iba rin. Nilibot ko ang paningin ko, ang mga kulay ng mga dahon ay berdeng-berde. May nakita din akong mga ibon na nagliliparan sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
ФэнтезиShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...