CHAPTER 24

9.7K 385 35
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Dalawang araw na simula nung sinabi ni Kyldren ang kanyang nararamdaman sa akin at aaminin kong palagi ko itong naalala. Sa tuwing matututulog ako ay hindi ako makatulog dahil sa kanya.

"GOOD MORNING STUDENTS! SECTION A AND SECTION B ANG STUDENTS KO NGAYON! AS USUAL, PWEDENG MANAKIT PERO HINDI PWEDENG PUMATAY! OK GET READY!"

Ang leveling game ay nasa P.E class talaga, everyday may P.E pero hindi everyday Leveling Game kasi sa isang week lang ito.

"HEALERS! PLEASE BE READY!"

Nakita ko si Denise na nakapoker face habang nakatingin sa mga tao dito. Isa siyang healer kaya hindi siya pwedeng lumaban.

"THE ROYALTIES ARE WATCHING US SO PLEASE MAGSERYOSO KAYO!"

Napalunok ako sa sinabi ni Sir. The royalties are watching at us? Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Kyldren.

Nagsimula na ang labanan at heto lang ako nakatingin sa kanila. Katabi ko sila Goldie at mabuti dahil nagkaayos na sila ng kanyang boyfriend. Napangiti nalang ako habang tinitingnan sila.

Sumunod si Hailey at kita kong ngumingiti ito habang nakatingin sa mga taong pumupuri sa kanya. Nagsimula ang labanan, ang kaaway ni Hailey ay taga Section B na babae. Napangiti nalang ako ng nakita kong hindi siya nahihirapan. Madaling natapos ang away nila at yun padin ang ranggo ni Hailey.

Sumunod ang si John at wala lang sa kanya ang lahat. Madaling natapos at kita kong napaangat ang ranggo niya.

Si Goldie na naman ang lumaban ngayon at tama nga ako dahil hindi pa nga nakakahakbang ang kaaway niya ay natalo na niya ito at napangiti ako ng mas umangat ang ranggo niya.

Sumunod ang boyfriend ni Denise at nakita ko pang kumidlat ito kay Denise dahilan para ngumiti si Denise. Naging mahirap ang labanan ni Finn hanggang sa matapos na ito. Napatingin kami sa scores nila at kita kong pareho lang ang ranggo ni Finn sa ranggo niya noon.

Si Mico na ang naglalaban ngayon at aaminin kong magaling din ito. Madali siyang natapos at nakita kong pareho lang ang ranggo niya sa ranggo niya noon.

Marami pang sumunod hanggang sa ako na. Bumuntong-hininga ako saka ako pumunta sa gitna.

Ngumisi ang kaaway ko at nakita kong taga Section B ito. Nag 'green light' na ibig sabihin go na. Nakita kong lumaki siya dahilan para mapaatras ako.

Para siyang tao at ako ay isang langgam lang. Napailing nalang ko at kita kong napangisi ito.

"Scared huh?" Sabi nito sa akin.

"Porket umatras takot na agad. Hindi ba pwedeng nakita ko lang ang panty mo?" Nakita kong nabigla ito sa sinabi niya at ng dahil doon ay galit niya akong tiningnan.

Susuntukin niya sana ko sa malaki niyang kamao ng mabilis akong nakapag teleport. Patuloy lang siya sa pagsuntok sa akin at ako naman ay patuloy lang na nag teleport.

"You witch! Naka shorts ako kaya't hindi yun panty. Gago!" sigaw nito sa akin. Napangisi nalang ako habang tinitingnan siya.

Hindi ko siya sinagot at kita kong naiinis na ito habang nakatingin sa akin. Nakita kong napapikit ito at maya-maya lang ay naging maliit ito. Mas maliit pa sa akin

"Humanda ka ngayon!" rinig kong sigaw niya at mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.

Hindi ako gumalaw hanggang sa nakalapit na ito sa akin ay mabilis ko itong kinuha at napangisi nalang ako ng nakita kong ang sama ng tingin nito sa akin.

"Pakawalan mo ako!" Sigaw nito sa akin pero hindi ako umimik. Pumikit siya at maya-maya lang ay bigla siyang lumaki dahilan para masuntok niya ako kaya't napahampas ako sa barrier. Nakita kong napangisi ito habang nakatingin sa akin.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon