CHAPTER 4

11K 469 21
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Walang emosyong  nakatingin ako sa mga tao dito sa cafeteria. All eyes are looking at me, yung parag may ginawa akong mali.

"Psst, yumuko ka" napatingin naman ako sa mahinang pagtawag sa akin. Malapit lang ito sa akin, pero imbis na sumagot ako ay hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkakain.

Wala akong ginagawang masama. Hindi sila dyos para isanto, bakit sino ba ang mga royalties? Ano ba ang mga royalties?

Nakarinig ako ng bulung-bulungan dito. Kesyo daw wala akong respeto sa kataas-taasan, makapal daw ang mukha ko. Ganun, ganyan.

Nakarinig ako ng yapak papunta dito at nung kaninang nagbulong-bulungan ay nagsitahimik at mukhang pinipigilang huminga. Nakita kong may nakatayo sa harap ko kaya't inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang seryosong lalaking nakatingin sa akin. Kulay red ang mata niya at buhok. Nakita ko sa likod ang apat na babae at apat ding lalaki. Yung lalaking may gray na mata ay nakatingin sa akin ng seryoso, yung lalaking may brown na mata ay nakatingin din sa akin ng seryoso, pati nadin yung parang kambal kasi magkamukha sila. At yung apat na babae naman ay nakatingin sa akin, yung isa ay kita kong napangisi, yung isa naman ay kita kong mukhang nag-aalala. Yung isa ay mukhang walang pakialam habang yung isa ay parang natatakot.

Napatingin ulit ako sa gitna, yung lalaking may Pulang buhok at mata.

"Do you know who we are?" Tanong nito sa akin. Bakit? Sino ba sila? Wala naman akong pakialam.

"Why? Is that necessary?" walang emosyon kong sabi. Narinig kong nabigla ang lahat sa sinabi ko. Bakit ba sila pakielamera?

Lumapit yung nakangisi kanina na babae at kumapit sa braso nung lalaking nakapula habang nakatingin sa akin ng masama.

"You don't know us? Like ew, you're nobody at ikaw pa talaga ang hindi nakakilala sa amin? Duhh! Anong klase kang tao? Or should I say creature?"

Sabi nito at ngumisi. Tiningnan ko siya sa mata at binasa ang nasa isipan niya. She's thinking na wala akong galang sa kataas-taasan. At gusto niyang ipaalis ako dito sa Sparley.

Huminga ako ng malalim saka ko inilagay ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa. Hinawakan ko ang isa kong kamay sa palad at tinap pangdalawa. Nakaramdam ako ng parang may enerhiyang pumasok sa kaloob-looban ko. Pumikit ako at pagkamulat ko ay may mga information na na makikita sa kanila.

It's one of my powers. Knowing their  identity.

Ang nagsalita kanina ay si Magenda Lavern.
She's a plant manipulator. Kaya pala green ang mata niya at pati outfit niya green.

Yung lalaking may pulang buhok naman ay si Kyldren Zyzon, His power is Fire. Kaya pala pula ang mata niya.

Tinap ko ulit ng pangalawa ang palad ko saka ko sila tiningnan. Nawala na yung mga identities nila.

"Hoy! Magsalita ka ng? Pipi ka ba? Like duhh" sabi ni Magenda. Tiningnan ko siya ng walang emosyon sa mukha.

"Hindi ako pipi." mukhang natahimik siya dahil sa pagsasalita kong walang emosyon at parang yelo kung makapagsalita.

"Hindi ako isang Creature, tao ako" sabi ko ulit. Nakita kong nakakunot siya ng noo na nakatingin sa akin.

"Look. I'm eating peacefully. So can y'all leave?"

Walang ganang sabi ko sa kanila. Nakita kong nabigla sila sa inasta ko. Kumakain kang ako tapos bigla silang manggugulo? Nananahimik lang ako tapos sisirain nila ang araw ko?

"You don't have respect sa kataas-taasan mo!" sigaw sa akin nung Magenda. Tiningnan niya ang badge ko at kita kong napangisi ito.

"Section D huh? Such a weak, may gana pang sagot-sagutin kami!" sigaw nito sa akin.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon