CHAPTER 15

9.5K 417 26
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

"Kyahh!! Kaklase namin ang transferees! Grabeh ang gwapo nila at ang gaganda!"

"Ang swerte niyo talaga! Transferee kasi sila kaya't nasa section D!"

"Hahahaha! Wag ka ng mainggit, malapit na naman ang leveling game kaya't sigurado akong mapupunta sila sa Section A! Feeling ko kasi ang lalakas nila!"

"Hindi na ako makapaghintay. Ano ba kasi ang itsura nila? Sure ka ba talagang gwapo?"

"Oh yes! Pareho lang sa Royalties! Kapag makikita mo sila, mapapahanga ka talaga"

Nandito ako ngayon sa cafeteria, as always. Walang kasama, nasa pinakasulok at pinakamadilim. Narinig ko lang naman ang usap-usapan about sa transferees daw na nasa Section D ngayon.

Napaisip nalang ako, saan kaya sila nanggaling at bakit sila lumipat? At ang sabi pareho sa royalties?

"Kyahh!!! Andito na ang nga royalties!"
"Ang gwapo talaga ni Drake!"
"Pati nadin si Draey!"
"Silang lahat gwapo!"
"Shh, manahimik na kayo!"

Lahat napatayo saka sabay na yumuko ng pumasok ang mga royalties, bored akong tumayo pati nadin yumuko dahil hindi ko gustong lumapit sila sa akin at sasabihan na naman akong walang respeto.

Ng umupo ang mga royalties ay umupo nadin ako. Nangunot ang noo ko ng pagkaupo ay ang dami na namang tilian at bulungan.

Napatingin ako sa entrance at may nakita aking hindi pamilyar na mukha. Lima sila, tatlong lalaki at dalawang babae.

"Sila! Sila yung sinasabi ko sa inyo!"
"Grabeh! Ang gaganda nila!"
"Yung naka gray na buhok! Ang gwapo niya!"
"Sinabi ko naman sa inyo diba? Ang gwapo!"

Ang kanilang mga mukha ay walang emosyon, seryoso at deristong nakatingin papunta sa harap.

Wala naman akong magagawa sa kanila kaya't nagpatuloy na akong kumain.

"Hi"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Hailey kasama yung dalawang kaibigan niya at yung tatlong lalaki.

"Pwede makiupo?" tanong ni Goldie sa akin. Nangunot ang noo ko dahil bakit naman sila tatabi sa akin? Isa pa, sikat sila kaya't hindi pwede.

"No" malamig na sabi ko sa kanila. Nakita kong napanguso si Denise.

"Sige na ihh. Alam mo bang, gusto ka naming makasama nung nakilala ka namin? Ngayon lang kami lumapit sa iyo. Please na" sabi sa akin ni Denise.

Bumuntong-hininga ako saka ako tumango. Nakita kong mukhang natuwa sila dahil ang bilis umupo nung tatlong babae habang yung kasama nila ay nakatingin lang sa akin.

"Hoy John! Umupo nga kayo!"

"Pwede ba kaming umupo?"

"Gago! Oo!"

Umupo ang tatlong lalaki katabi nila ang mga girlfriends nila. Tiningnan ko sila at kita kong bagay na bagay sila.

Hindi ko nalang sila pinansin saka ako nagpatuloy na kumain. Nahagip ng mata ko ang mga transferees na nakatingin dito sa pwesto namin. Ng nakita nilang nakatingin ako sa kanila ay saka sila umiwas ng tingin at umupo malapit sa akin.

Nanaliit ang mata ko sa weirdong aksyon nila ngayon. Feeling ko, may tinatago sila.

"So Sera? Bakit mo pala tinatago ang mukha mo?" inangat ko ang tingin ko at nakita kong si Hailey iyon.

"Kung magtatanong lang kayo. Pwede na kayong umalis." walang emosyong sabi ko sa kanila. Nakita kong napalunok sila kaya't nagpatuloy akong kumain.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon