SHANAIZE'S (SERA) POV
Nandito ako ngayon sa dorm. Ang dami kong tanong sa isip ko, talagang hindi ako makapaniwala na dalawa kaming Goddess of Destruction. Nagagalit ako sa tuwing iniisip ko na isa akong Goddess at sa Destruction pa.
Kung totoong nahanap na ang Goddess of Destrucion, ibig sabihin nun dalawa kaming Goddess of Destrucion? Pero ang sabi ay isa lang dapat. Eh kung isa lang, hindi siya or hindi ako? Ginulo ko nalang ang buhok ko saka ako humiga.
Pumikit ako at sa pagdilat ko ay nasa forest na ako, yung dating Forbidden Forest noon. Naging tambayan ko na ito simula nung bumalik ito sa dati.
Napabuntong-hininga nalang ako. Ang dami kong iniisip kong pwede sana tanggalin ang isip ko ay tatanggalin ko. Ang dami kong problema na dapat matapos. Ang daming kong tanong ni kahit isa ay wala pang nasagot.
Inilibot ko ang paningin ko dito. Mabuti pa dito,tahimik. Walang problema, kung sana isa nalang akong ordinaryong tao siguro ang saya ko na ngayon.
Miss ko na din si Sister ang taong nag-alaga sa akin na napatay ko. Napatingin ako sa dalawa kong kamay, kung sana wala akong kapangyarihan, hindi sana siya namatay.
"Sera?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Lawrence. Anong ginagawa niya dito sa kagubatan.
Tumayo ako saka ko siya tiningnan sa taas ng kahoy. Nandoon siya nakaupo habang tumitingin sa akin.
"Lawrence" sagot ko naman. Bumaba siya sa kahoy at sumandal sa sinandalan ko kanina at tiningnan ako ng seryoso.
"Bakit nandito ka?" Tanong nito sa akin.
"Nagpapahinga" sagot ko naman. Tumango siya kaya't napasandal ako sa kabilang kahoy at kaharap ko siya ngayon.
"Ang sarap dito, nagpapasalamat talaga ako sa taong nagpapabalik sa dating anyo nito"
Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Hindi alam ng mga tao dito na ako ang may gawa sa pagbabalik ng dating kagubatan dito. Ayaw kong ipaalam sa kanila dahil puro katanungan na naman ang bubungad sa akin.
"Sera, may tanong ako"
Tiningnan ko naman siya ng nagtatanong na mukha. Nakita kong bumuntong-hininga ito saka ako tiningnan ng seryoso ng ikinakaba ko.
"Bakit sa tuwing may masasamang pangyayari lagi ka nalang nandoon? Sa tuwing may masamang pangyayari ay bakit parang may koneksyon ka?"
Nabigla ako sa tanong niya at tiningnan niya ko ng seryoso kaya't napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sagutin ang lahat ng tanong niya dahil maski ako wala akong alam at hindi ko maintindihan kong bakit.
"I don't know" sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang mata niyang nagtatakang tumingin sa akin.
"Okay" sabi nito.
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko. Hindi parin ako tumitingin sa kanya at nagpanggap na tumingin sa paaralan.
"Mauuna na ako" akmang hahakbang na ako ng may sinabi siya sa akin na ikanatigil ko.
"Sana'y hindi ka masamang tao, sana'y wala kang binabalak na masama Sera dahil kung meron man, hindi kita kayang kalabanin"
Dahil sa sinabi niya ay tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Kung isa akong kalaban bakit hindi niya ako kayang kalabanin?
"Bakit?"
"Dahil hindi ko kayang saktan ka" kahit na nagtataka ako sa mga pinagsasabi niya ay isinawalang bahala ko nalang yon.
Tinalikuran ko siya saka ako nagsimulang lumakad. Bakit naman iyon sasabihin sa akin ni Lawrence? Napailing nalang ako.
Naglalakad ako ngayon sa hallway at tulad ng inaasahan ko ay magbubulungan na naman sila habang tumitingin sa akin. Napahinto ako ng may marinig ako sa isa sa estudyante dito.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...