SHANAIZE'S (SERA) POV
"Wahhh!!!! Sera! Hindi ako makapaniwala na lilipat tayo ng room! Mamimiss ko talaga ang kaibigan ko doon! Sana naman mababait ang taga section A"
Nandito kami ngayon sa dorm. At tama nga ang sinabi ni Brianna na ka dormmate namin siya. Tanging ngiti lang kapag nakatinginan kami. Eto namang si Tiara ay todo pagkwekwento.
"Sera? Excited ka na ba? Ngayon na tayo lilipat"
Kahapon lang nangyari yung game namin tapos ngayon ay ililipat na kami.
Lumabas na kami sa dorm namin dahil pupunta kami ngayon sa Section A. Si Tiara ay todo salita, hindi ako nakikinig sakanya.
Maya-maya lang ay nakarating kami sa pinto ng section A. Sumilip ako sa glass window at nakita kong wala pang teacher kasi ang gulo nila. May magbabatuhan, may nag me-make up o ano pa. Akala ko hindi ganito ang section A.
"Hooo! Eto na!" sabi ni Tiara pero may nararamdaman akong mali.
Naningkit ang mata kong napagtanto kong ano iyon. Bubuksan na sana ni Tiara ang pinto ng pinigilan ko siya. Nakita ko namang nagtaka siyang nakatingin sa akin.
"Ako na" sabi ko. Mukha naman siyang namutla sa pananalita ko. Ibang klase talaga ang estudyante dito.
Binuksan ko ang pinto at tulad ng nakita ko, meron ngang balde sa itaas nito. Tss. Akmang mahuhulog na ang tubig ng tiningnan ko ito. Dahan-dahan itong bumaba hanggang sa napunta iyon sa sahig. Nakita kong namangha ang mga taga section A.
Si Tiara naman ay parang namutla sa nakikita niya. Kung nabuksan na niya iyon, sigurado akong mababasa siya. Tiningnan ko sila ng walang emosyong makikita.
Tulad ng dati, naka hoodie na itim, naka sweat pants. Naka mask at may bangs hanggang ilong.
"Very good!" napatingin kami sa nagsalita at nakita ko si Brianna na ang sama ng tingin sa akin pero ng nakita niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti ito.
"Well, mabuti naman nalaman mo na may tubig sa itaas. Sinusubukan lang namin kung karapatdapat ba talaga na ang dalawang taga section D ay mapupunta sa Section A. Napatunayan mo naman"
Sabi nito at nakita kong napa smirk siya. Tss, hindi magtatagal ang buhay mo Brianna.
"Okay" tila namutla sila sa pananalita ko. Nakita kong natahimik sila. Tss, parang nakakakita ng multo.
Nakita kong pumunta sa harap si Tiara saka ako tiningnan at saka siya ulit tumingin sa mga taga Section A.
Napabuntong-hininga ito saka siya lumakad, may nag-aya sa kanyang doon daw umupo kaya doon siya. Sa akin man lang wala. Mukhang takot.
Tumingin ako kay Tiara at nakita kong napakagat siya ng labi.
Naghanap ako ng mauupuan at nakita ko naman ang isang bakanteng upuan sa pinakalikod, sa tabi nito ay may isang lalaki na naka ub-ob sa lamesa. Mukhang yun nalang ang natitirang upuan. Ok.
Nakapamulsa akong naglakad doon at pansin kong bawat galaw ko ay tinitingnan nila. Akmang uupo na ako ng may nagsalita.
"Hindi pwede dyan"
Napatingin ako sa nagsalita at ng tumingin ako sa kanya ay parang namutla siya. Isa itong babae na mukhang childish dahil may headband ito saka pink.
"A-ano kasi, h-hindi pwedeng m-may umupo sa t-tabi ni Lawrence. H-hindi kasi siya n-nagpapaupo dyan"
So? Si Lawrence pala 'to? Yung Rank 1? Tss, hindi ko siya pinansin at umupo doon. Nakita ko pang Nanlaki ang mata nilang nakatingin sa akin.
Napasandal ako sa upuan habang deritsong nakatingin sa harap. Wala namang masama kung umupo dito.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...