TIARA'S POV
Nakatingin ako ngayon kay Sera, nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ko ang mga bago kong kaibigan. Si Sera lang mag-isa sa isang napakadilim at pinakasulok na parte ng cafeteria. Gusto kong sumabay sa kanya pero pinipigilan ako ng mga bago kong kaibigan Kaya't hindi ako nakakalapit.
At kanina, napaka strange ang nangyari. Ewan ko pero feeling ko, may koneksyon si Sera sa nangyari kanina. Kasi diba, saktong paggising niya ay nawala yung mga nangyayaring masama.
"Tiara ok ka lang?" tanong sa akin ni Hellery. Tumango ako sa kanya bilang sagot pero napatingin ito kay Sera saka ako tiningnan ulit.
"Tiara? Ang strange ni Sera diba?" tanong sa akin ni Hellery. Napatingin ako sa kanya saka ako bumuntong-hininga at tumango.
"Oo nga" sabi naman ni Dani.
Kumain nalang ako kasi wala naman akong magagawa, alam kong masyadong mesteryosa si Sera. Noong una ko palang siyang nakita ay natakot ako sa kanya dahil sa kasuotan niya. Sino namang magsusuot ng itim? Syempre ang mga dark user. Akala ko isa siyang dark user pero hindi eh.
"Sa tingin mo. Meron pang kapangyarihan si Sera?" tanong ni Dani sa amin ni Hellery.
Napaisip naman ako, oo nga. Baka meron pa siyang ibang kapangyarihan. Naalala ko ang kwarto niya. Hindi naman sa nakialam ako pero nung sumilip ako para tawagin sana si Sera nung time na may halimaw sa labas. As in nung sumilip ako ay ang ganda ng kwarto niya. Puro kulay black and light blue. Tapos namangha pa ako dahil ang dami niyang gamit doon eh wala naman siyang dala kahit na anong gamit nung pumunta kami dito. Kaya nga nagtataka ako. Saan naman yun nanggaling? Paanong may ganun na bagay sa kwarto ni Sera? Inisiip ko na nga baka isa yun sa kapangyarihan niya. Posible kasi eh. Ikwento ko kaya nila.
"Sa tingin ko meron pa" sabi ko sa kanila kaya't napatingin sila sa akin. Nakita kong seryoso silang nakatingin sa akin.
"Paano mo naman nasabi Tiara?"
Sinenyasan ko silang lumapit Kayat lumapit sila sa akin. Luminga-linga muna ako saka ko sila tiningnan ng seryoso.
"Alam niyo ba? Nung pumasok kami ni Sera dito sa Sparley Academy. Wala siyang dala na kahit ano, as in wala. Tanging suot niya lang ang dala niya. Tapos nung aksidente kong natingnan ang kwarto niya. Grabeh! Ang daming gamit doon. Nagtaka nga ako kung saan niya yun nakuha at papaano? Sa tingin niyo, isa kaya yun sa kapangyarihan niya?"
Ng sinabi ko yun ay napasisip sila at mukhang namangha rin.
"Sa tingin ko oo. Kasi diba, meron namang kapangyarihan na kung ano ang gusto mong mangyari ay mangyayari kaya nga lang ang rare ng powers na iyan"
Napatango naman ako. Oo, ang rare nga ng power na iyan. Ang huling may kapangyarihan doon ay yung namatay dahil sa huling digmaan dito. Narinig ko lang yun.
"Napaka misteryosa talaga niya. Ah oo nga pala Tiara. Nakita mo na ba ang mukha niya?" tanong sa akin ni Hellery. Umiling ako bilang sagot. Kahit saan ay suot niya parin yung hoodie niya.
Kaya nga iniisip ko kung ano ang mukha niya, na cu-curios ako eh. Gusto kong makita.
Nakaramdam kami ng malakas na aura Kaya't napatayo kaming lahat habang nakayuko. Alam na naman naming mga royalties ang paparating.
Napatingin ako kay Sera na nakaupo parin at Mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nila. Napakagat naman ako sa ibaba kong labi. Isa din, hindi ba siya natatakot sa mga royalties? Sila kaya yung pinakamalakas na mga may kapangyarihan dito.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong tumayo si Sera saka siya yumuko. Pasalamat at hindi na nila kinalaban si Sera. Kasi nung nangyari ay namangha talaga ako sa galing ni Sera. Isipin mo. Rank 2 agad!
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasiaShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...