SHANAIZE'S (SERA) POV
Natapos ang klase namin sa history at ngayon naman ay pupunta kami ngayon sa training area. P. E class kasi namin. Ako yung nasa pinakalikod na naglalakad mag-isa sa hallway. Si Tiara ay kasama kasi sa mga kaibigan niya. Sasabay sana siya sa akin pero pinigilan siya nung mga kasama niya. Tss, mas mabuti na yun.
Ng nakarating na kami doon ay marami palang nandito, ang sabi ay dalawang sections ang mag tre-training dahil iisa lang naman ang teacher namin which is si Sir Conard.
Umupo ako sa bakanteng upuan at tiningnan ang paligid. Mukhang section A ang nandito. Base kase sa badge nila.
Nakaupo lang ako dito ng may tumabi sa aking babae. Nangunot ang noo kong nakatingin sa kanya habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin habang may hawak na pagkain. Ang mata nito ay kulay brown at ang buhok nito ay may pagka yellow. Bakit siya tumabi sa akin?
"Hi" bati nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at hindi nalang siya pinansin. Base sa badge niya ay taga section A ito.
"Hello, ako pala si Goldie . Ang complete kong pangalan ay Goldie Reys" sabi nito sa akin at sumubo ng pagkain.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi ako interesado sa kanya kaya't hindi ko ito pinapansin. Ayaw kong may kaibigan.
"Ahhmm. What's your name pala?" tanong nito sa akin. Hindi ko siya tiningnan pero sumagot ako.
"Sera"
"Ahh ang ganda naman. Hello Sera hihi"
Nilahad niya sa akin ang pagkain niya pero umayaw lang ako. Ano kayang powers niya?
"Goldie?" mukhang nagulat siya dahil nagsalita ako. Tiningnan niya naman ako ng nakangiti.
"Anong powers mo?" tanong ko sa kanya. Inubos muna niya nung kinakain niya saka siya ngumiti sa akin.
"I'm a sound manipulator"
Napatango naman ako. Sound manipulator pala siya. Ang sound manipulator ay yun yung may malakas na boses. Kapag ika'y sumigaw ay posibleng lahat mababasag at pwede ding mahampas ka nito palayo.
"Ikaw ano sayo?"
"Telekenis"
Maya-maya lang ay may dumating na dalawang babae papunta kay Goldie. Mukhang nabigla sila nung makita ako pero kalaunan ay ngumiti.
"Nandito ka lang pala Goldie. Tapos may kasama ka pa" sabi nung may green na mata. She smiled at me pero hindi ko soya pinansin.
"Ahmm, hello po. I'm Hailey Deven. I'm a garden fairy pala hehe"
Garden fairy? So it means na may pakpak siya na parang fairy. That's why she's beautiful.
"And this is Denise Deven, magpinsan kami ha kaya puro Deven. So right, she's Denise and she's a healer"
Maybe she's a good healer kaya siya nakapasok sa Section A. Kasi ang alam lang naman nila na ang mga healer ay mahihina. Well, this girl proves them na hindi lang mahihina ang healer. Ang healer kasi ay yun yung tagawala ng mga sugat. Ang kapangyarihan nila ay magpagaling.
Umupo sila sa harap ko, lumipat din doon si Goldie. Salamat naman at natahimik na sila. Maya-maya lang ay may narinig akong bulung-bulungan.
"Ang ganda talaga niya"
"Oo bes, kaya section A eh"
"Oo nga, ang ganda niya"
"Yeah, at ang lakas din niya"Napatingin ako sa pintuan ng may dumaan na babae. Maganda siya, kulay blonde ang kanyang buhok at may dilaw na mata. Nakangiti siyang nakatingin sa mga pumupuri niya. Ang kanyang kasuotan ay isang croptop na kulay dilaw at isang palda na kulay yellow din. Naka suot siya ng heels na kulay puti with yellow.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...