CHAPTER 5

11K 424 22
                                    

SHANAIZE'S (SERA) POV

Nandito parin ako sa kwarto ko. Tinitingnan ang librong hawak ng kamay ko ngayon. Ng hinawakan ko ito ay nagliliwanag iyon katulad nung nasa library.

Bumuntong-hininga muna ako saka ko binuksan ang libro. Katulad ng nakasulat sa unang page. Ang makakabukas daw ng librong ito ang magliligtas sa 'Lost Kingdom'.

Inilipat ko ito sa sunod na page at nakita kong unti-unting may sinusulat ang libro nito.

'We finally found you'

Yun ang unang nakasulat sa libro. Parang may Invisible na tao sa tabi ko at may sumusulat sa libro.

'You are our saviour'

Nangunot ang noo ko. Saviour? Bakit naman ako? Bakit sa lahat ng tao sa mundo. Ako pa?

'You are the chosen one'

Chosen one? Sino? Sino ang pumili sa akin? Yun bang palaging nasa isipan ko na nagsasalita?

'Your highness'

Kahit na ang bilis ng tibok ko ay hindi ko ito sinara at patuloy na binabasa ang mga nakasulat dito sa libro.

'Your our----'

Hindi ko natapos ang pagbabasa ng makarinig ako ng pagsabog sa labas. Dali kong sinara ang libro at nag teleport papalabas. Meron ng mga nagtatakbuhang estudyante sa hallway.

'ATTENTION! MERONG DARK USER ANG NAKAPASOK SA PAARALAN NATIN! KAILANGAN NATIN SIYANG MAHANAP PARA ALAMIN KUNG ANONG PASIYA NIYA DITO!'

'ATTENTION! MERONG DARK USER ANG NAKAPASOK SA PAARALAN NATIN! KAILANGAN NATIN SIYANG MAHANAP PARA ALAMIN KUNG ANONG PASIYA NIYA DITO!'

'ATTENTION! MERONG DARK USER ANG NAKAPASOK SA PAARALAN NATIN! KAILANGAN NATIN SIYANG MAHANAP PARA ALAMIN KUNG ANONG PASIYA NIYA DITO!'

Paulit-ulit na sabi ng speaker. Tumakbo ako papalabas ng building na iyon at nakita kong maraming umaaway sa isang napakalaking halimaw na pilit na sinisira ang barrier.

Ang barrier ay para protektahan ang school na ito. Once na mabasag ito ay ang mga dark users ay makapasok dito.

Nakita ko narin ang mga Royalties na pilit na kinakalaban ang halimaw. Nasaan na yung dark user?

Luminga-linga ako at nanliit ang mata kong nakita ko ang nakaitim malapit sa gubat dito sa school. Nakita ko pang ngumingisi ito habang nakatingin sa royalties. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may binubuo siyang dark ball sa kamay nito. Lalaki ito at nakangising nakatingin sa mga royalties. Mukhang may binabalak siya.

Luminga ako saka ako nag Teleport papunta doon sa kagubatan. Nasa taas siya ng kahoy. Luminga-linga ulit ako saka ako nag teleport sa likod niya. Mukhang hindi niya ako napansin.

"At your back" bulong ko at napalingon ito sa akin na nanlalaki ang mata. Ok lang hindi naman niya ako makikilala dahil sa mukha kong merong mask at sa mataas kong bangs tapos naka hoodie pa ako.

Itatapon niya sana sa akin ang Dark Ball na nasa kamay niya ng unti-unti itong nawala. I smirked at him at tiningnan niya ako ng nanlalaki ang mata.

"Anong ginawa mo?"

Nag cast lang naman ako ng spell para patigilin siya. Nakatingin ako sa kanya ng walang emosyong makikita sa mukha.

Maya-maya lang ay nakita ko na lamang siyang pinulupot ng mga vines dito at mga dahon.

It is one of my power. Plant Manipulator.

Nakita kong nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Pumikit ako saka ko siya tiningnan ng deristo. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon