SHANAIZE'S (SERA) POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway, nakapamulsa habang nakayuko. Sinigurado ko muna na nagkaklase na ngayon. Hindi ko gustong marinig ang mga bulung-bulungan nila. Napahinto ako ng may nararamdaman akong kakaiba. Ang kamay ko lang pala. Nandito na naman ang sakit. At isa pa, malapit na ang birthday ko. Next next week.
Napabuntong-hininga nalang ako saka ako nagpatuloy na lumakad. Napahinto ako ng may nakita akong mga pares na sapatos sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang transferees.
Nangunot ang noo ko dahil nakatingin sila sa akin. Bakit wala sila sa klase at bakit parang, parang may kakaiba.
Naningkit ang mata ko saka ko tinap ang kamay ko. Ng tiningnan ko sila ay nabigla ako sa nalaman ko.
Dark Users.
Ano na naman ang ginagawa nila dito? May naalala akong nangyari bago pa mawala si Brianna.
Chosen 5? Tiningnan ko sila. Lima silang lahat, pwedeng sila ang tinatawag na chosen 5. Ano nga ba ang ginagawa nila dito?
"Ahmm, hello po. Magtatanong lang po sana kami. Saan po ba ang Library?" tanong nung babae habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Pupunta kayo lahat sa library?" walang emosyong sabi ko sa kanila. Nakita kong nagkatinginan sila saka sila tumango.
"Oo kasi sabi kasi ng teacher namin masyado na kaming huli sa klase kaya para masabay kami sa kaklase namin ay pumunta daw kami sa library para mag-aral" sabi nito.
"Ahh" walang ganang sabi ko.
"Deritso lang kayo at may makikita kayong library doon" Walang ganang sabi ko saka ko sila tinalikuran. Sigurado akong hindi sila pupunta sa Library. Tss.
Ano kayang ginagawa nila dito? Napunta ako sa forest na noon ay pinagbabawal na puntahan ito pero ngayon pwedeng-pwede na.
"Reyna!"
Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang isang ibon. Pumunta ako sa kanya saka ko siya pinasakay sa balikat ko.
"Ano palang ginagawa mo dito aming Reyna?" tanong nito sa akin.
"Wag mo akong tawaging Reyna. Hindi ako Reyna, isa lang akong ordinaryong tao" o hindi nga ba, isa akong delikadong tao.
"Ahh, Pasensya aming Reyna, gusto lang talaga kitang tawaging Reyna"
Napailing nalang ako saka ako sumandal sa kahoy at inangat ko ang tingin ko sa taas. Ang ganda dito, napakasariwa ng hangin.
Napatingin ako sa kwintas ko, sa tuwing mapapatingin ako dito. Feeling ko talaga ligtas ako, naiisip ko rin. Bakit nga ba ako iniwan ng mga magulang ko sa kagubatan? Ganun na ba talaga sila ka walang pakialam sa akin? Bubuo sila tapos pababayaan lang nila ako? Pero bakit parang, Hindi ko kayang magalit sa kanila? Isa pa, magulang ko parin sila kahit papano. Kahit pa, hindi ko sila nakilala. Kahit pa, iniwan nila ako at pinabayaang mag-isa.
"Aming Reyna, bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kasama kita?"
Napatingin ako sa balikat ko kung saan nandoon ang ibon na ang saya saya ngayon.
"Bakit? Ano bang nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. Lumipad ito saka siya pumunta sa harap ko habang lumilipad.
"Eh kasi, parang gusto ko talagang galangin ka" nangunot ang noo ko sa sinabi nuya saka ko siya tiningnan ng nakangiti.
"Galangin? Bakit naman?"
"Ewan ko, nararamdaman ko lang" napatango nalang ako sa sinabi niya.
Napatayo ako ng narinig ko ang tunog ng bell. Pero nangunot ang noo ko dahil bakit ang agang matapos ng klase nila? Hindi pa nga naging oras ang klase.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...