CHAPTER 22

10.1K 444 63
                                    

HAILEY'S POV

Nandito kami ngayon sa clinic, hinihintay na magising si Sera. Nasa labas kami habang si Sera naman ay nasa loob ng kwarto.

The party tonight para i-celebrate ang pagbabalik ng Goddess of Creation ay na cancel dahil sa nangyaring digmaan kanina at marami din ang sugatan. Ang limang transferees na mga dark users pala, ay nakatakas dahil tinulungan sila ng mga dark Users na sumalakay dito kanina. Ang mga royalties naman ay pumunta sa area nila dahil kay Kyldren na nahihirapang huminga.

Nabigla talaga kami sa nangyari, matapos pumasok ni Kyldren sa malaking ipo-ipo ay mamaya din ay bigla nalang nawala ang ipo-ipo at pati nadin ang mga kalamidad. Nabigla pa kami ng nakita naming nakalabas si Sera sa ilusyon. Nakita ko pang napamulat siya pero napapikit rin kaagad. Ganun na ba talaga kamesteryosa si Sera? Pumasok lang siya sa isang ilusyon at ganun na ang nangyari? Sino ba talaga siya? Ano ba talaga siya?

"Ang lalim ata ng iniisip mo Love" I looked at Mico and I saw him looking at me na nag-alalang tingin. I know na nag-alala siya dahil nag-alala din ako kay Sera. Sera is my friend at dapat lang na mag-alala ako.

"Yeah, nag-alala lang ako kay Sera. Nakita ko kanina na sobrang namutla talaga siya"

Bago siya ipasok sa Clinic ay nakita ko ang mukha niyang namumutla. Pero nabigla ako ng si Kyldren pa ang nagdala kay Sera sa Clinic kahit na nahihirapan siya. What's with them? Bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Kyldren? Base sa nakikita ko sa pananatili niya dito sa Sparley Academy. Wala naman siyang pakialam sa paligid niya at tanging inisiip niya lang ay ang goal para matalo ang mga Dark Users.

"Oo, nakita ko nga. But nagtataka talaga ako kung bakit ganun nalang kalakas ng impact sa kanya ng makapasok siya sa isang ilusyon. Kung tayo naman ay hindi ganun"napatango ako sa sinabi ni Mico. Tama siya, kung hindi namin kilala si Sera, iisipin namin isa siyang kaaway. But no, iba nga ang personality niya pero nakikita ko namang may mabuti siyang puso.

"What's with Kyldren? Bakit siya ganoon maka react? Nakikita natin sa mukha niya na nag-aalala talaga siya kay Sera" sabi naman kay Denise. Yes, she's right.

"Maybe may relasyon sila o ano? But its imposible rin kasi nakabantay sa kanya si Magenda na galit na galit sa mga taong may pagnanasa kay Kyldren" Goldie said.

"But knowing Kyldren, mas magaling siya kay Magenda. Yes palagi siyang nakabantay kay Kyldren pero nakikita naman natin na kahit ano pang bantay niya, wala namang pakialam si Kyldren at malulusutan niya naman si Magenda" I said.

"It's really weird! Alam naman natin na si Kyldren ay wala pa siyang nagugustuhan sa kahit sinong babae, iisipin nga nating bakla siya sa pagiging walang jowa niya. At alam naman natin na hindi din siya interesado sa mga babae, so what's with him? Sobrang nag-alala siya kay Sera" Denise said.

"Maybe, meron silang relasyon? Or baka. May gusto siya kay Sera?" Hindi kami makasagot sa tanong ni Goldie. Wala naman talaga kaming ideya. Hindi din naman namin makikitang magkasama sila.

"Wag niyo nalang isipin 'yon, makaka stress lang. Dagdag problema" Finn said kaya't napatango kami.

"Hailey!"

Napatingin kami doon at nakita namin si Tiara na hingal na hingal galing sa pagkakatakbo. Nakahawak pa ito sa dalawang tuhod niya.

"K-kamuta si S-sera?" Nahihirapang niyang sabi kasi mukhang napagod ata siya kakatakbo.

"We don't know din. Nasa loob pa siya ng room na iyan"I said at tinuro ang room na nasa likod ko.

"Ahh, whooo! Nag-alala talaga ako sa kanya" sabi nito at umupo sa isa sa upuan dito.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon