SHANAIZE'S (SERA) POV
Matapos mangyari nung sa ahas ay naglakabay muli ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero alam kung tama itong tinatahak ko na daan. Hindi ako nagkakamali dahil patuloy lang sa pagsinag ang kwintas ko at nararamdaman rin sa puso ko na tama ako. Hindi ako magkakamali.
Nagpalinga-linga ako at hindi ko makita ang ulap. Matagal na akong naglalakad, nakaabot na ako mg araw pero wala parin at alam kong bukas na ang kaarawan ko. Kaya't palaging sumasakit ang kamay ko at natatakot ako kung ano ang mangyayari sa akin sa kaarawan ko.
Sumandal muna ako sa kahoy saka ako pumikit. Gusto kong magpahinga pero baka mas lalo akong matagalan. Nasaan na ba ako?
Nanlaki ang mata kong may uwak na nakatingin sa akin. Nasa kabilang kahoy ito at nakatungtong sa sanga. Teka? Parang, kilala ko 'tong uwak na 'to. Pero hindi ko matandaan eh.
"Shanaize..."
Nabigla ako ng bigla itong magsalita. Parang kilala ko ang boses na ito, pero hindi ko lang alam kung sino at kung kailan ko 'to narinig. Pamilyar din siya sa akin, ang mga mata nitong pula ang katawan nitong itim.
"Shanaize..malapit ka na"
Nangunot ang noo ko sa sinabi. Anong pinagsasabi nitong malapit na ako? Malapit na akong mamamatay? Or malapit na ako sa 'Lost Kingdom'. Teka? Sino nga ba 'to, para talagang kilala ko siya eh. Hindi ko lang maalala.
"Malapit ka na sa destinasyon mo..."
Napalunok ako sa nakakatakot na boses na ito. Bakit niya ako kilala? Paanong nalaman niya ang pangalan ko. Teka..
Nanlaki ang mata ko habang nakaturo sa uwak na nasa harapan ko ngayon. Siya yung..yung uwak na nagsabing. Mundo ko.
"Ikaw yung uwak sa portal at yung uwak na nagsabing mundo ko?" Tanong ko. Nakita kong tumango ito kaya't napahawak ako sa dibdib ko.
Nakakakilabot siyang tingnan, lalo na nung tumango ito. Paano pa kaya kung ngumiti ito sa akin. Mas lalo yung nakakatakot.
"Sino ka ba talaga? Ano ba kita? Bakit sinabi mong mundo ko. Bakit palagi kang sumusunod sa akin? Bakit ka nakakatakot?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Nakita kong lumipad ito at napahawak ako sa dibdib ko ng nasa harapan ko na ito.
"Ako si Uwak"
Tangina! Alam ko naman yun eh. Isa siyang uwak tapos pangalan niya uwak din? Ang galing.
"Isa akong taga-pagbantay mo" nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Taga-pagbantay? Hindi na ako bata para bantayan. Hindi na ako sanggol para dapat na pag-ingatan.
"Taga-bantay? Kaya ko na ang sarili ko kaya bakit ko pa kailangan ng bantay? Nakalakad nga ako ng matagal. Mula sa Sparley Academy hanggang dito" sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin kaya kinalibutan ako. Nakakaakot ang uwak kapag ngumiti. Parang aatakihin ako sa puso nito.
"Hindi ako taga-bantay na mag-aalaga sayo kundi isa akong taga-bantay para gabayan ka sa bawat lakbay mo"
"Bawat lakbay ko? Pero wala ka nga nung inatake ako ng ahas, nung hayop. Sa bawat paglakbay ko. Paanong ikaw ang maging taga-alaga ko?"
"Dahil kaya mo ang sarili mo sa panahon na iyon at hindi mo ako kailangan. Ngayon, kailangan mo naman ako" napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko siya maintindihan.
"At malalaman mo rin kung bakit sinabi kung mundo mo ito. Sa pagdating mo sa Lost Kingdom, doon mo malalaman ang lahat"
Napakurap-kurap ako sa sinabi nito. Tumayo ako at siya naman ay tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...