CHAPTER 29

9.6K 426 27
                                    

HAILEY'S POV

Nandito kami ngayon sa field. Maghahanda kami para sa ball bukas, magsisimula ang ball namin saktong 12:00 in the morning. Pareho kaming bumuo ng malaking square dito. Lahat ng kapangyarihan namin ay ibubuhos sa gitna which is ang field.

Nagsimula na sila kaya't nasgimula narin ako. Binibigyan naman kami ng mga papel para alam namin ang gagawin namin.

"Hailey ! Bumuo ka ng flowers dito" Goldie said to me habang tinuturo ang mga kahoy na pumapalibot sa buong field. Tumango ako saka ko inalabas ang pakpak ko at lumipad.

Iniharap ko ang palad ko sa mga kahoy dito, nakita ko ring yun din ang ginagawa ng mga garden fairy dito. Pagkaharap ko sa palad ko sa mga kahoy ay kasabay doon ang pagbuo ng mga iba't-ibang bulaklak.

Umikot-ikot ako at iniharap ang palad sa bawat kahoy. Nakita kong namangha ang mga estudyante sa bawat garden fairy na gumagawa nito.

Matapos namin yung ginawa ay bumaba na ako at parang nagninging ang mata ko ng makita ang gawa naming mga garden fairy. Ang ganda.

Napayuko ako ng makitang may lumilipad na lamesa, tumingin ako doon at nakita kong taga-section A ito na ginagamit ang telekinesis nito.

Ang ball ay para lang sa mga 4th year students tulad namin. Noon, sabay lahat pero ngayon ay mga students lang sa 4th year. Ang mga section A B C D E. Ang mga seniors naman ay hindi din kasama dahil may sarili silang gawain. Tumingin ako sa langit at nagtataka ako kung bakit hindi makikita ang buwan.

Kasi kung titingnan dito ay malinaw naman, pero ngayon hindi ko makikita. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ang gawain namin.

"Woahh!" Napa 'woah'  nalang ako ng makitang lahat ng water user ay nasa gitna. Sabay nilang iniharap ang palad nila sa gitna at kasabay doon ay unti-unti silang bumubuo ng fountain dito.

Matapos ng ginawa nila ay namangha kami sa nakita namin, ang ganda ng pagkakagawa nila ng fountain.

May iba't-iba pang mga kapangyarihan ang pinapakita. Mga fire, air, vines at iba pa. Napaupo ako sa upuan dito habang tinitingnan ang paligid ko. Ang ganda!

Pero napahinto ako sa pagsasaya ko ng maalala ko si Sera. It's been a week since nawala siya, pati mga staffs ay kumikilos narin para hanapin siya. Pero hindi siya makita at hindi namin alam kung nasaan na siya.

Palagi naming iniisip na baka nandito lang siya sa paligid namin at tinitingnan kami. Pero wala eh, hindi namin siya maramdaman. Nag-alala na ako kung anong nangyari sa kanya. Sana naman, ok siya ngayon at walang nangyayaring masama sa kanya.

"Nakatulala ka dyan?" Tumungin ako kay Mico na ngayon ay nasa tabi ko na. Ngumiti ako sa kanya saka bumuntong-hininga.

"Kasi Love, si Sera hindi pa nahahanap, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Paano kung may nangyaring masama sa kanya tapos wala tayo sa tabi niya? Paano natin siya matutulungan?" Sabi ko habang nakayuko.

Naramdaman kong yinakap ako ni Mico kaya't napayakap ako sa kanya. Sobrang nag-alala na ako, linggo na! Tapos hindi pa siya makita.

"Mahahanap rin natin siya Love. Magtiwala lang tayo kay Sera ok? Alam nating babalik at babalik siya" napatango ako sa sinabi ni Mico. Tama, hindi kami basta-basta iiwan ni Sera. Alam naming, babalik siya.

"Hoy! Ano maglalambingan lang ba kayo dyan? Tumulong kayo dun!" Napabitaw kami sa pagyayakap ng nakita namin sa harapan ang striktong teacher namin. Ito yung mukhang balyena eh.

Napayuko kami at nakita naming napairap siya saka siya umalis sa harapan namin.

"Nakakainis talaga!" Bulong ko at tiningnan yung balyenang teacher namin na ngayon ay pinapagalitan yung mga naglalaro.

Sparley Academy :  The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon