TIARA'S POV
Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan na namin si Sera. Dito siya pumunta at lahat talaga ng mga tao dito ay tinitingnan siya. Katabi ko rin sila Denise kaya siguradong dito siya pwe-pwesto.
"Pwede maki-upo?" tanong nito. Hindi parin mag sink-in sa utak ko na ganito na kaganda si Sera. Saan ba siya nanggaling at bakit ganito ang suot niya? Para siyang reyna! Siya ang naiiba sa aming lahat. Sa tingin ko nga ang gown niya ang pinakamaganda sa lahat.
Hindi ko makita ang mata nito kasi merong maskara. Ang buhok nito ay nakalugay at may nakalagay na snowfakes saka mga glitters.
"Tiara?"
Tapos ang gown nito ay long gown na makikita ang kaliwang legs nito. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang gown. Bagay na bagay sa kanya.
"Tiara!"
Nabalik ako sa ulirat ng sumigaw sa akin si Sera. Nakita kong napakunot ang noo nito, pero ganun parin ang emosyon niya. Wala paring makikitang reaskyon sa mukha nito.
"Sera? Ikaw ba talaga yan?" tanong ko. Napabuntong-hininga ito at tumabi sa akin. Tinitingnan ko siyang nakaupo. Grabeh! Matotomboy na siguro ako dahil sa ang ganda niya talaga.
"Saan ka ba galing? Saan ka pumunta? Bakit bigla ka nalang nawala? Anong nangyari sayo? At bakit, ganyan ka kaganda?" sunod na sunod na tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin tapos tumingin sa harap. Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang hindi niya sasagutin ang mga tanong ko.
Napatingin kami sa harap ng nakitang unti-unting naglakad si Kyldren papunta kay Sera. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanya, makikita ang lungkot na may halong saya ang mukha nito.
Ng nakarating na siya sa harapan ni Sera ay tumingin ito. Nakita ko ring napatingin sa kanya si Sera.
"S-sera...."
"Kyldren"
Parang gusto kong lumayo kay Sera. Ang pananalita nito ay sing lamig ng yelo. Hindi ko maintindihan pero nakakatakot siya.
"B-bakit mo ako i-iniwan?"
"Dahil kailangan"
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Sera. Bakit naman kailangan? Kailangan niyang umalis? Then, saan ba siya pumunta?
"P-pero nagbalik ka, b-binalikan mo ako.. "
"Dahil kailangan niyo ako sa gabing ito"
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi ni Sera. Oo alam naming gusto namin siyang makita dahil sa matagal na pagkawala nito. Pero kailangan namin siya ngayon? Ano bang meron sa ngayon?
"B-bakit hindi ka nagpaalam sa a-akin?"
"Dahil ayaw kong pigilan niyo ako"
"Pero pwede namang hindi ka namin pigilan! Pwede namang hahayaan ka lang namin! Ang sa akin lang, bakit hindi ka man lang nagpaalam? Bakit kailangan mo pang umalis? Bakit mo ako iniwan?"
"Masyadong delikado kung sasabihin ko sa inyo."
Ayan na naman ang salitang delikado, kapag kasama ko si Sera. Hindi talaga mawawala ang salitang delikado. Hindi mawawala at palagi niyang sinasabi. Napapansin ko ring, parang hindi siya si Sera. Oo alam kong palaging walang emosyon ang pinapakita niya pero ngayon iba eh, parang pinapakita niyang wala siyang pakialam sa amin.
"S-sera alam mo namang mahal k-kita, proprotektahan kita"
"Hindi mo ako kailangang protektahan Kyldren. Dahil kaya ko ang sarili ko, at hindi ko kailangan ang pagmamahal mo"
BINABASA MO ANG
Sparley Academy : The Mysterious Girl Book 1 (COMPLETED)
FantasyShanaize Valerie Connors lived and grew up in an orphanage. Ever since she was a child she knew there was something strange about her, she thought she would be happy with what she had but it was the opposite. She doesn't like what she has because it...