CHAPTER IV: JUST A MISTAKE!

1.5K 96 10
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINED SENSITIVE SCENERY. PLEASE BEWARE MY DEAR READERS!

LEO'S POV

Dalawang linggo na ang lumipas ngunit tulog parin si Dym. Nandito ako ngayon sa loob ng kanyang barong-barong. Kasama ko si Wali. Noong isang araw lamang nagising si Wali. Dahil napaghilum narin ng mga Duwende ang kanyang mga sugat, at nabawi niya narin ang mga dugong nawala sa kanya sa tulong ng pinakamagaling na tagapag-gamot nang Marlenya, ang hari ng mga duwende si haring Alvino.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa aking nasaksihan.

Ibang-iba ang kanyang wangis sa pakikipaglaban at ang wangis na aking pinagmamasdan ngayon.

Ang taglay niyang kapangyarihan ay hindi basta-basta mapapatanyan.

Binuhay niya ang patay, gamit ang buhay ng pumaslang nito.

Ano kaba talaga Dym?

Saan ka nagmula?

May mas lalakas paba sa kapangyarihang tinataglay mo?

Ano ang tawag sa iyong mga kalahi?

Sa kabilang banda, iba ang katanungan ng aking isip.

Bakit mo ako iniligtas? Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala sa iyong mukha.

Bakit nakakita ako ng pag-aalala sa iyong mga mata noong makita mo akong napapahamak? Gayong di pa naman tayo nagkakilala ng lubusan.

Bakit lumalakas ang pintig ng aking puso sa tuwing ika'y aking nasisilayan?

Bakit nakaramdam ako ng kaginhawaan kapag nararamdaman ko ang iyong presensya?

Pinaglandas ko ang aking mga mga daliri mula sa kanyang noo, mata, ilong, pisngi at...

Napalunok ako ng mapadako ang aking mga mata sa mapupula niyang mga labi.

Masarap kaya ang mga labing iyan?

Pinasadahan ko ito gamit ang aking hinlalaki.

Malambot ang mga labi niyang kasing kulay ng rosas.

Kapag ba---

"Kuya Leo? Ano ang iyong ginagawa?" Agad akong napabalikwas nang marinig ko ang maliit na boses ni Wali.

"W-wala naman, pinakiramdaman k-ko lamang kung siya ay may karamdaman" agaran kung sagot sa kanyang katanungan. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.







Salamat naman.

"Bakit ka nga pala naparito Wali?" Tanong ko sa kanya pabalik.

"Pinapatawag ka raw po ni Apo, Kuya. Ako na daw po muna ang bahalang magbantay dito kay Kuya Dym" sagot niya.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa aming kasunduan.

Lumabas ako sa barong-barong nila Dym at pumunta sa barong-barong ni Apo.

"Apo? Ako raw po ay inyong pinatawag?" Humarap sa akin si Apo. Mula sa pagkakayuko dahil may isinusulat ito.

"Maupo ka muna pinuno ng mga kawal." Agad ko namang sinunod ang utos ni Apo, at umupo sa upoan na nakaharap sa kanyang mesa.

"Nais sana kitang bigyan ng misyon at kung maari ay huwag mong tanggihan, ngunit maiintindihan ko din naman kapag ito ay iyong inayawan" sabi ni Apo. Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Alam na alam kasi ni Apo na kahit anong misyon ay hindi ko inuurungan. Ngunit nakakapagtaka naman ata na sabihin niya ito sa akin?

"Ano po ang misyon na iyong iuutos Apo?" Pabalik kung tanong rito.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon