CHAPTER VI: JACK FROST

1.3K 102 2
                                    

Ang GWAPOOOOOOOOOOOOO!


May gad cassie!



"Oh Leo ano't naparito ka?" Sagot ng naka-brown na hair. Aysh! Malandi ako kaya lalandi ako! Walang pakialaman!


"Wala, Martin" cold na pagkakasabi niya. As always wala namang emosyon yan eh.


"Hindi mo ba kami ipapakilala sa magandang binibini na katabi mo ngayon?" Kaakit-akit na sabi ni Mr.Brown hair named Martin.


Tumingin naman si Leo sa akin at agad ko naman siyang tinaasan ng kilay na nagsasabing Gawin-mona-look dahil lalandi ako ngayon.


Pero di ginawa ng hinayupak!



Kairita ah! Ano akala niya? Pwes ako gagawa!



"Hi! Ake nge pele se Demseyen" sabay lagay ng imaginary hair sa gilid ng aking tainga.


"Hindi namin maunawan binibini maari bang iyong ulitin?" Sagot ni Mr. Yellow hair. Binibini? Choks! Bakla ako Sir! Shit! Ang gagwapo talaga.


Basta kesh mene! Sigaw ko sa isipan.



"Ako nga pala si Dymzion Gregory. Ikinagagalak ko kayong makilala." Formal na may halong landi na pagkakasabi ko.


Makikipagkamay sana ako sa kanila nang unahan sila ni Mr. White hair. May uban bato?


Kaya nakipagkamay din ako ng pa'slowmo. Enjoy lang ang landi mga beshiwaffs!




"Ikinagagalak ka rin naming makilala kahit di mo pa alam ang aming pangalan binibini. Ako nga pala si Pyro" singit ni Mr. Red Hair. Pyro? Pyrokenesis? Huhulaan ko kaya power nito? Apoy!


"At ang aking kapangyarihan ay Apoy" see? Tama ako? Ano kayo? Pwedi na ako magpatayo ng negosyo 'Ang Hulaan Na Bola Ni DemDem' diba ang cute?


"Ako si Martin, ang kapangyarihan ko naman ay lupa" nabaling ang paningin ko sa lalaking naka Brown hair. Well dapat Geo yun eh! Para Geokenesis. Halata naman kasing lupa ang power niya. Naka'salon siguro to?



"Ako naman si Pino, at ang kapangyarihan ko ay tubig" seriously? Ayoko ko na magpatayo ng hulaan! Dapat Hydro name  niya eh! Hydrokenesis!


Sige! Ako nalang kaya Author?


"Ako naman si Ero, hangin ang aking kapangyarihan" sabi naman ni uban boy, na cute, lalandiin kita mamaya uban boy humanda ka. Nadagdagan confidence ko dahil Ero name niya guys! Hawig sa Aerokenesis.



"Lao, at kidlat sakin" maikling tugon ni Mr. Yellow hair. Huhuhuhu! Wala na! Ayoko na maging manghuhula! Dapat Electrokenesis yun at Ele dapat! Ano bayan!


"May Girlfriend naba kayo?" Out of the blue kong tanong. Napakunot naman ang noo nila sa sinabi ko. Oo nga pala! Girlfriend ang term na ginamit ko!



Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang may nanghila sa akin. At pagtingin ko si Leo lang pala!


"Ano ba? Bakit ka nanghihila agad?" Iritado kong tanong sa kanya.


"Tsk" tugon niya, tinaasan ko naman agad siya ng kilay. Yun lang? AS IN? MAGKAKABOYPREN NA AKO EH!


Knowing him, kahit magsisigaw pa siguro ako sa kanya at ilabas lahat ng hinanakit ko dahil sa pagsagabal sa balak ko ay di ko ginawa, at bakit? Dahil alam kong hindi siya makikinig at wala siyang pakialam.

Habang naglalakad kami ni Leo ay may biglang tumama na snow sa mukha ko. Natumba ako at napaupo dahil sa lakas ng impact nayun.


"Binibini? huhuhu paumanhin po!" Halos maiyak na ang batang color ash ang buhok madungis ito at gusot-gusot ang damit. Yung totoo? Base ba sa hair color ang power nila dito? Bakit kay Leo? Teka? Ano ba magic niya? Sabi ni Apo, prince siya ng Light Kingdom achuchu. Tama! Baka liwanag! Dapat yellow hair niya hindi blonde.



FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon