CHAPTER IX: AmeDevie

1.2K 81 2
                                    

Minulat ko ang isa sa mga mata ko at kinapa-kapa ang gilid ng malambot kong kama.

Saan ang anak ko?

Napabalikwas ako ng bangon dahil wala si Jack sa tabi ko.

Ay Oo nga pala!


Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko kong nandito parin ako sa room na nilikha ng bato dahil sa imagination ko. Tinignan ko ang alarm clock sa gilid at 5:30 AM palang naman.


Kinuha ko ang sling bag na nalaglag sa kama at inaayos ang mga damit ko sa loob ng cabenit. Grabe andami mga ate! Kahit isang taon na walang labahan kayang kaya!


Kinuha ko ang kaserol at bumaba para ilagay sa may kusina.

Nag-init ako ng kanin sa rice-cooker bago umakyat pataas, nagsummon narin ako ng grocery stocks for one month sa Kaserol.

Pumasok sa may banyo at naligo, shampoo dito sabon doon. Nagtopes(sorey) mo na ako. At pumunta sa cabinet.

Susuotin ko ngayon ay isang formal black tuxedo, White polo sa loob at isang black necktie, belt at fitted slocks, black socks at leather shoes. Kumuha narin ako ng Gold watch at isang reading glass na pang teacher.


Pumunta ako sa may salamin at nag-umpisa ng maglagay ng light make-ups yung sa korean pop-star na si Infinite L? At nagbrush-up ng hair kong kulay blonde using spray-net. And tada!!! Isang formal Korean/Lawyer attire.



Bumaba na ako. At nagwish nalang ng mga ulam sa kaserol cuz I don't have any time to waste. Mag 7 AM na! Kitang-kita ko sa relo ko. Pagkatapos ko kumain ay umakyat ulit ako sa itaas para mag-toothbrush at kunin ang phone and laptop with bag. Para umpisahan na ang klase ko sa AmeDevie University!

Pagkalabas ko ng pinto ay halos hindi ako magkanda-ugaga dahil wala ng estudyante sa hallway.


Nilabas ko sa bag ng laptop ang flower map, at tinanong ko ito kung saan ba ang History at Culture class. Actually Kasaysayan at Kultura talaga yun gurls. English lang no!

Tumakbo ako at sinundan ang wisp galing sa bulaklak palabas ng building at bumungad na naman sa akin ang pagkalaki-laking playground. Hayst!!! P*t*ng *n*!!!





Sinundan ko ito patungo sa isang building at umakyat sa second floor nito.


Nangmakatapat sa isang pintuan ay walang alinlangan ko itong tinulak kaya nagbukas ito.

Bumungad sa akin ang isang guro na nagtuturo nakasout ng itim na roba sa harap at sa likod nito ay isang itim na salamin na parang blackboard form, at ang mga kaklase kong nakaupo sa tigiisang-mesa at upuan freestyle ang sout nila pero halos lahat robe din naman, at plain blacks lahat iba-iba lang  ang pagkakasout at porma.


Lahat sila ay napatingin sa akin at nagtataka. Dahil maganda lang talaga ako, hinayaan ko na. Nag-umpisa na naman silang magbulungan at sa akin parin ang mga mata! Libakeras!


"Sino ka? At bakit nahuli ka sa aking asignatura?" Taray naman ng teacher nato.


"I-im so sorry, I-I didn't m-mean to be l-late" hinihingal kong pagkakasabi.



At halos masira ang ilaw sa ulo ko ng mapagtanto ko ang mga kataga na sinabi ko at nag-English pala ako.


"Ako ba ay iyong binibiro at isang salitang mahika ang sagot mo sa aking katanungan?" Mataray na pagkakasabi nito sa akin. Mahika? Duh! English yun Ma'am! Judger nito.


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon