CHAPTER XXXV: AMIEDEVIE DOS MIL CUATRO

1K 73 1
                                    

"Leo bilisan mo! Ma'lelate na tayo!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto. Nauna na akong magising sa kanya kanina kaya hindi niya na ako naabutan pa. Nagluto ako ng mga pagkain namin mga 4:30 AM palang.

"Opo Love!"sigaw niya mula sa loob ng kwarto. Tatalikod na sana ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Goodmorning Love"saad ni Leo sabay halik sa leeg ko. Nakikiliti ako pero hindi ko na pinahalata iyon.

"Goodmorning din Love bilisan muna kukunin pa natin mamaya sa silid mo ang iba mo pang mga gamit, at baka mahuli tayo sa event"sabi ko kaya tumigil siya kakahalik sa leeg ko. Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo.

*Smack

Hinalikan niya ako ng isang smack sa labi kaya ayun. Nalanta ang pechay ng lola niyo umaga palang dahil sa sobrang kilig.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto para maghanda at ako nakatayo parin.

"Ang aga mo lumandi bessy!"sigaw ni Pixie sa ilalim ng sala na printeng naka-upo at nagkakape ng BLANCA.

"Kailan ba yan hindi lumandi?"singit ni Luna na ganun din ang ginagawa pero nasa TV ang atensyon. Si Preya naman ay umiinom ng gatas lang habang nagbabasa ng libro at kumakain ng pandesal kasama si Lina. Si Lucas at Ikarus ay naka'indian seat sa ilalim kasama si Greg at Morph na may sariling mundo dahil sa kaka'focus sa TV.

"Palibhasa! Walang mga abs mga Jowa niyo! AYYYY Lemme correct! Wala pala kayong Jowa kaya walang abs tayong pag-uusapan."sarcastic kong pagkakasabi. Inirapan lang ako ni Luna.

"Humanda ka kapag nagkita ulit kami ni Martin! Gagahasain ko siya sa harapan mo!"sigaw ni Pixie, kaya inirapan ko lang siya.

"Gaga ka ba? Eh----"magsasalita palang sana ako ng biglang sumingit sila Floria at Ana.

"Guys! Naihanda na lahat ng kakainin. Pati yung niluto ni Master na Carbonara nahain nadin"sigaw ni Floria.

"Emegesh!"Luna.

"SAAN?!"sigaw ng Apat na may sariling mundo sa sala.

Si Bessy? Ayon hindi nga nagsalita nauna namang tumakbo sa loob ng kusina. Napailing nalang ako basta usapang Carbonara na. Isang balde nga ginawa ko non para hindi agad maubos but I was wrong. Kulang pa ang isang balde.

Nagsitakbuhan na sila sa loob ng kusina at si Preya at Lina lang ang kilala kong desinte na tumayo at naglakad sa kusina.

"Goodmorning"bati ng nasa likod ko.

"Goodmorning din, kain na tayo Eragon"sabi ko ng nakangiti. Ang gwapo niya ngayon ha! Nakasout siya ng fitted black shirt at naka agents suit pa sa ilalim. Yung auto-adjust dahil ginawa talaga namin yun para sa kanila.

Tumango ito at bumaba na sa hagdan. Sumunod narin ako sa kanya at nadatnan namin ang mga kaibigan naming masaya na nagtatawanan. Umupo ako sa may bakanteng upuan at ganun rin si Eragon. Meron akong ginawa na upuan kahapon using my creation magic, para sana kay Leo.

Nangmakarinig ako ng yabag mula sa taas ay tumingala ako sa likod para makita kong si Leo na ba talaga iyon. Halos mag'slow motion ang galaw niya sa paningin ko at fast forward naman sa paligid na hindi ko na napapansin.

Lumapit ito sa akin at yumuko.

"Mahal, baka mapasukan ng langaw yang bunganga mo"saad ni Leo kaya umiwas agad ako ng tingin. Nakita kong mamamatay na sa kakatawa si Pixie, Floria, Lucas, Morph, Luna at Ana while nagpipigil si Ikarus, Greg, Preya and Lina.

Kumain kami ng masagana na ako ang naging tampulan ng tukso boung oras. Halos maiyak na ako sa mga pinanggagawa ng mga kaibigan ko pero hindi parin nila ako tinigilan.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon